Renegotiation para sa Free Trade Agreement, tututukan na ng Pilinas at EU

Tututukan na ng Pilipinas at ng European Union ang pagsasakatuparan ng Free Trade Agreement (FTA) sa pagitan ng magkabilang panig. Sa pagbisita ni European Commission President Ursula von der Leyen, sinabi nito na nakatutok na ang kapwa Pilipinas at European Commission, para sa pagtatakda ng angkop na kondisyon, upang agad na makabalik ang mga ito… Continue reading Renegotiation para sa Free Trade Agreement, tututukan na ng Pilinas at EU

Pilipinas at European Commission, mahigpit na ang koordinasyon, para sa posibleng ekstensyon ng European submarine cable sa Asya

Handa ang European companies na tumungo at mag-invest sa Pilipinas. Ito ang binigyang diin ni European Commission President Ursula von der Leyen sa pagbisita sa Pilipinas, kung saan isa sa mga napagusapan nila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsusulong sa estado ng bansa, bilang digital hub sa region. “My third point is on… Continue reading Pilipinas at European Commission, mahigpit na ang koordinasyon, para sa posibleng ekstensyon ng European submarine cable sa Asya

Panukalang Taxpayer Bill of Rights, aprubado na sa Senado

Sa botong 22 na senador ang pabor, walang tumutol at walang nag-abstain, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang Senate Bill 1806 o ang panukalang Taxpayer’s Bill of Rights and Obligations Act. Sa ilalim ng naturang panukalang batas, ang pamahalaan ay imamandatong magtayo ng Office of the National Taxpayer Advocate (ONTA) na… Continue reading Panukalang Taxpayer Bill of Rights, aprubado na sa Senado

Pamilya ng ilang PDL na tumatayong testigo sa kaso ni dating Sen. de Lima, dumulog sa DOJ

Dumulog sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ngayong hapon ang pamilya ng ilang sa New Bilibid Prisons. Ang mga ito ay tumatayong testigo sa huling kasong kinahaharap ni dating Sen. Leila De Lima sa Muntinlupa Regional Trial Court na may kinalaman sa iligal na droga. Ayon kina Gng. Martinez, Gng. Patio at Gng. Pipino,… Continue reading Pamilya ng ilang PDL na tumatayong testigo sa kaso ni dating Sen. de Lima, dumulog sa DOJ

COMELEC Sulu, puspusan ang paghahanda para sa nalalapit na BSKE sa Oktubre

Puspusan ang paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) sa Sulu para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa ika-30 ng Oktubre ngayong taon. Ayon kay Atty. Vidzfar Julie, Provincial Election Supervisor ng COMELEC sa lalawigan sa programang Usapang Pangkapayapaan, Usapang Pangkaunlaran ng Philippine Air Force Tactical Operations Group Sulu Tawi-Tawi, nasa proseso… Continue reading COMELEC Sulu, puspusan ang paghahanda para sa nalalapit na BSKE sa Oktubre

Joint disaster relief efforts sa pagitan ng Pilipinas at China, iminumungkahi ni Sen. Francis Tolentino

Isinusulong ni Senador Francis Tolentino na magkaroon ng joint disaster relief efforts sa pagitan ng Pilipinas at China para makatulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng baha at sinalanta ng bagyo. Ayon kay Tolentino, ito ang mas maaaring gawin ng dalawang bansa kaysa ang isinusulong na joint maritime patrols ng Manila at Beijing sa mga… Continue reading Joint disaster relief efforts sa pagitan ng Pilipinas at China, iminumungkahi ni Sen. Francis Tolentino

Cayetano sa diskarte sa WPS: Ipaglaban din ang karapatang pang-ekonomiya, ‘di lang soberanya

Iginiit ni Senador Alan Peter ‘Compañero’ Cayetano nitong Lunes na mas mainam na diskarte para sa Pilipinas ang “aggressive negotiation” patungkol sa West Philippine Sea (WPS) kumpara sa pag-“internationalize” dito dahil napatunayan nang epektibo ito hindi lamang sa pagprotekta sa soberanya ng bansa kundi pati na rin sa mga karapatang pang-ekonomiya nito sa pinagtatalunang teritoryo.… Continue reading Cayetano sa diskarte sa WPS: Ipaglaban din ang karapatang pang-ekonomiya, ‘di lang soberanya

Taas-singil sa pasahe sa LRT-2, ipatutupad na sa August 2

Sisimulan nang ipatupad ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang inaprubahang taas-singil pasahe ng Department of Transportation (DOTr) sa LRT Line 2 simula sa August 2. Batay sa inaprubahang fare adjustment, ang minimum boarding fee ay tataas ng P13.29 mula sa dating P11, at P1.21 na dagdag sa bawat kilometrong biyahe mula sa… Continue reading Taas-singil sa pasahe sa LRT-2, ipatutupad na sa August 2

Eat Bulaga, bumisita sa Albay para maghatid ng sayat at tulong sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Umabot ang saya at tulong ng Eat Bulaga sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon na labis ikinatuwa ng mga Albayano. Sa segment ng Eat Bulaga na “G sa Gedli” kung saan host si Isko Moreno at Buboy Villar, binisita nito ang lungsod ng Tabaco City at nagbigay ng tulong sa ilang residente. Sa… Continue reading Eat Bulaga, bumisita sa Albay para maghatid ng sayat at tulong sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Halaga ng pinsala sa sektor ng edukasyon dulot ng Bagyong Egay, umabot na sa P810-M

Pumalo na sa P810 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng edukasyon na dulot ng pananalasa ng Bagyong Egay at habagat. Batay sa pinakahuling datos ng Department of Education (DepEd), nasa 169 na mga paaralan ang nasira sa siyam na rehiyon. Kabilang dito ang Cordillera Administrative Region, National Capital Region, Region 1, Region 2,… Continue reading Halaga ng pinsala sa sektor ng edukasyon dulot ng Bagyong Egay, umabot na sa P810-M