Mga bagong license plastic cards, dumating na sa LTO

Unti-unti nang matutugunan ng Land Transportation Office ang mga pending na driver’s license plastic cards. Kasunod ito ng pagdating ng unang batch ng mga bagong license cards sa ahensya mula sa kanilang supplier na Banner Plasticard, Inc. Pinangunahan ni DOTR Sec. Jaime Bautista kasama ang bagong talagang LTO Chief na si Asec. Vigor Mendoza II… Continue reading Mga bagong license plastic cards, dumating na sa LTO

NEDA, patuloy na tututukan ang pagpapalakas ng ekonomiya at pagppapababa ng inflation rate ng bansa

Patuloy na tututukan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagpapalakas ng ekonomiya at pagpapababa ng inflation rate sa bansa. Sa isinagawang Post-State of the Nation Address (SONA) Philippine Economic Briefing sa Pasay, kaninang umaga, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, na makakaasa ang taumbayan na mas lalago pa ang sitwasyon ng ating ekonimya… Continue reading NEDA, patuloy na tututukan ang pagpapalakas ng ekonomiya at pagppapababa ng inflation rate ng bansa

18 sa 953 opisyal ng PNP na naghain ng courtesy resignation dahil sa umano’y pagkakadawit sa illegal drugs, tinanggap na ni Pangulong Marcos Jr. 

Labing walong (18) mga opisyal na pawang third-level officers sa Philippine National Police (PNP), na umano’y pawang sangkot sa iligal na droga ang pinangalanan na. Kasunod ito ng ginawang pagtanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa courtesy resignation ng mga ito, base na din sa rekomendasyon ng National Police Commission Ad Hoc Advisory Group… Continue reading 18 sa 953 opisyal ng PNP na naghain ng courtesy resignation dahil sa umano’y pagkakadawit sa illegal drugs, tinanggap na ni Pangulong Marcos Jr. 

Pag-amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act, suportado ni Sen. Imee Marcos

Sinang-ayunan ni Sen. Imee Marcos ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang SONA laban sa mga smuggler ng agricultural products. Ayon sa senadora, malakas ang mensahe ng Pangulo na bilang na ang mga araw ng smugglers. Kaugnay nito, handa si Sen. Marcos na suportahan ang pag-amyenda sa anti-agricultural smuggling act. Sa… Continue reading Pag-amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act, suportado ni Sen. Imee Marcos

Mga biktima ng sunog sa Mapun, Tawi-Tawi tumanggap ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan

Tumanggap ang mga biktima ng sunog ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan ng Mapun, Tawi-Tawi. Ang nasabing ayuda ay 2 sako ng bigas, P5,000 para sa mga maliit na pinsala, at P15,000 naman ang natanggap ng mga may-ari ng bahay na ganap ang pinsala. Samantala ipinag-utos agad ni Mapun Mayor Suraida F. Muksin ang… Continue reading Mga biktima ng sunog sa Mapun, Tawi-Tawi tumanggap ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan

Eastern portion ng Babuyan Islands, itinaas na sa typhoon signal no. 5 ng PAGASA dahil sa bagyong Egay

Itinaas na sa tropical cyclone wind signal no. 5 ang eastern portion ng Babuyan Islands (Camiguin Island) dahil sa Super Typhoon Egay. Ayon ito sa ulat ng PAGASA kaninang alas-2 ng hapon. Asahan na makakaranas ng malalakas na pag-ulan sa mga apektadong lalawigan. Huling namataan ang sentro ng bagyong Egay sa layong 230km East North… Continue reading Eastern portion ng Babuyan Islands, itinaas na sa typhoon signal no. 5 ng PAGASA dahil sa bagyong Egay

Higit kalahating milyong pisong halaga ng shabu, nasabat sa Zamboanga City

Nasabat ng mga awtoridad ang aabot sa P680,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Sangali, lungsod ng Zamboanga kahapon. Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 9 ang nahuling suspek bilang si alyas “Uttoh/Nadz”. Nakumpiska mula sa nasabing suspek ang humigit kumilang sa 100 gramo ng shabu… Continue reading Higit kalahating milyong pisong halaga ng shabu, nasabat sa Zamboanga City

DHSUD, nagpasalamat kay Pangulong Marcos Jr. sa pagbida sa housing projects sa kaniyang ikalawang SONA

Nagpasalamat si Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbida nito sa mga tagumpay ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program na halos nakaka-isang taon na ang implementasyon. Batay sa ulat ng DSHUD, lumagda na ang housing department ng Memoranda of Understanding sa… Continue reading DHSUD, nagpasalamat kay Pangulong Marcos Jr. sa pagbida sa housing projects sa kaniyang ikalawang SONA

Search and Rescue equipment, inihanda na ng PCG sa Cagayan kaugnay ng pananalasa ng bagyong Egay

Puspusan ang ginagawang paghahanda ng Philippine Coast Guard (PCG) District North Eastern Luzon. Ito ay para masiguro ang kaligtasan ng mga residente ng Cagayan, Isabela, Ifugao, Aurora at Batanes dahil sa posibleng epekto ng Super Typhoon Egay. Ayon sa PCG, maliban sa deployable response group, nakaantabay na rin ang mga search and rescue vehicle at… Continue reading Search and Rescue equipment, inihanda na ng PCG sa Cagayan kaugnay ng pananalasa ng bagyong Egay

Pinakamataas na audit rating ng Commission on Audit, nakamit ng PNP

Nagpasalamat ang Philippine National Police (PNP) sa Commission on Audit (COA) matapos na makamit ang pinakamataas na Audit rating para sa taong 2022. Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief PBGen. Red Maranan, patunay ang naturang COA report ng pagsisikap ng PNP na ipatupad ang fiscal responsibility at pagkakaroon ng mahusay na sistema ng… Continue reading Pinakamataas na audit rating ng Commission on Audit, nakamit ng PNP