Pangalawang suspek sa pamamaril ng mamamahayag, arestado ng QCPD

Inanunsyo ni QCPD Director PBGen. Nicolas Torre ang pagkakaaresto sa pangalawang suspek sa pamamaril sa mamahayag na si Joshua Abiad at sa pamilya nito. Sa isang ambush interview sa pagbubukas ng PNP Press Corps First Invitational Shootfest sa Camp Karingal, Q.C. ngayong umaga, kinilala ni Bgen. Torre ang suspek na si Jomari dela Cruz Campillo.… Continue reading Pangalawang suspek sa pamamaril ng mamamahayag, arestado ng QCPD

Pagdadala ng armas ng miyembro ng media, suportado ng PNP

Nagpahayag ng suporta si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa pagdadala ng armas ng mga miyembro ng media. Ito ang inihayag ng PNP Chief sa isang ambush interview matapos pangunahan ang pagbubukas ng PNP Press Corps First Invitational Shootfest sa Camp Karingal, Q.C. ngayong umaga. Ayon sa PNP Chief mahalagang ma-protektahan ng media… Continue reading Pagdadala ng armas ng miyembro ng media, suportado ng PNP

PAGCOR, umalma sa akusasyon na kinopya lamang ang bago nitong logo

Hindi nagustuhan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang akusasyon na kumakalat sa social media na umanoy kinopya lamang ang bago nitong logo.  Sa isang statement, pinasinungalingan ng PAGCOR na ginawa umano ang logo ng website ng Tripper.  Itinuturing nila na malisyoso ang ganitong uri ng paratang lalo pa at pinapanatili nila ang mataas… Continue reading PAGCOR, umalma sa akusasyon na kinopya lamang ang bago nitong logo

DTI Sec. Pascual, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapatibay ng trade cooperation sa pagitan ng Pilipinas at China

Binigyang diin ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ang kahalagahan ng trade cooperation sa pagitan ng Pilipinas at China, partikular sa larangan ng investment relations. Sinabi ng kalihim na pwedeng paglagakan ng investment ng mga Chinese enterprises sa bansa ang mga sektor tulad ng petrochemicals, agrikultura, e-commerce, logistics, medical at health… Continue reading DTI Sec. Pascual, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapatibay ng trade cooperation sa pagitan ng Pilipinas at China

Pagbuhay sa PNR-Bicol, hiling ng minority solon

Umapela si Asst. Minority Leader at Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado Jr. kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na buhayin ang Philippine National Railway project sa Bicol Region. Ayon sa mambabatas, malaki ang mai-aambag ng naturang proyekto sa paglago ng ekonomiya at pag-unlad ng naturang rehiyon. Napapanahon din aniya ang pagbabalik operasyon ng… Continue reading Pagbuhay sa PNR-Bicol, hiling ng minority solon

Muntinlupa LGU, idineklara ang Nov. 17 bilang ‘Students’ Day’

Idineklara ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang ika-17 ng Nobyembre simula ngayong taon bilang Students’ Day, batay sa bisa ng City Ordinance 2023-095. Layon ng nasabing ordinansa na palakasin ang partisipasyon ng kabataan sa nation-building. Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, mahalaga sa pamahalaang lungsod na magkaroon ng ambag ang mga kabataan sa… Continue reading Muntinlupa LGU, idineklara ang Nov. 17 bilang ‘Students’ Day’

DOTr, muling inginiit na patuloy ang kanilang konsultasyon para maresolba ang problema sa sektor ng transportasyon sa bansa

Patuloy ang konsultasyon ng Department of Transportation (DOTr) para sa pagsasaayos ng pampublikong transportasyon sa bansa. Ito’y matapos magbigay ng pahayag ang grupong Manibela na hindi natugunan ng DOTr na maisama ang sektor ng transportasyon sa Development Plan ng Department of Transportation. Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, bukas ang kanilang tanggapan sa grupong Manibela… Continue reading DOTr, muling inginiit na patuloy ang kanilang konsultasyon para maresolba ang problema sa sektor ng transportasyon sa bansa

West Philippine Sea Day, ipinapanukala ng Kabataan Party-list

Isang panukalang batas ang inihain ng Kabataan Party-list na layong ideklara ang July 12 bilang West Philippine Sea Day. Sa paraang ito ay aalalahanin ang makasaysayang 2016 Hague Ruling kung saan nanalo ang Pilipinas laban sa China kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea. Partikular dito ang pagbasura sa nine-dash line claim ng China.… Continue reading West Philippine Sea Day, ipinapanukala ng Kabataan Party-list

SSS, nagsagawa ng RACE Activity sa Parañaque City

Nagsagawa ng “Run After Contribution Evaders Activity” o RACE activity ang Social Security System (SSS) sa 15 establisimyento na sakop ng SSS Parañaque Branch ngayong araw. Ang mga ito ay inisyuhan ng Notice of Violation matapos hindi nagre-remit ang mga employer ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado. Ilan sa mga establishment na nabigyan ng Notice… Continue reading SSS, nagsagawa ng RACE Activity sa Parañaque City

2 suspek sa online sexual abuse, arestado ng ACG

Naaresto ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) ang dalawang suspek na sangkot sa online sexual abuse ng isang menor de edad. Sa ulat ni ACG Director Police Brigadier General Sydney Sultan Hernia kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., kinilala ang mga suspek na sina Ian Mark Esguerra, 18, at Jerome Ora… Continue reading 2 suspek sa online sexual abuse, arestado ng ACG