Illegal termination ng kontratra ng 8 OFW sa Riyadh, hiniling na imbestigahan ng DMW

Umapela si OFW Party-list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa Department of Migrant Workers (DMW) na imbestigahan ang iligal na pagputol sa kontrata ng walong OFW sa Riyadh, Saudi Arabia. Sa tulong ng OFW party-list ay napauwi ang walong OFW na na-stranded sa Riyadh na wala man lang pantustos matapos kanselahin ng kanilang employer ang… Continue reading Illegal termination ng kontratra ng 8 OFW sa Riyadh, hiniling na imbestigahan ng DMW

Reaksyon ng mga residente ng Makati sa agawan ng teritoryo sa pagitan ng Makati at Taguig

Tinawag na iresponsable ng Lungsod ng Makati ang Lungsod ng Taguig hinggil sa mga alegasyon nito na diumano’y nakipagpulong si Makati City Mayor Abby Binay kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na may kinalaman sa territorial dispute sa Fort Bonifacio at mga EMBO… Continue reading Reaksyon ng mga residente ng Makati sa agawan ng teritoryo sa pagitan ng Makati at Taguig

3 volcanic earthquakes, naitala ng PHIVOLCS sa Bulkang Kanlaon

Bukod sa Bulkang Mayon at Taal ay mahigpit pa ring naka-monitor ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa lagay ng Bulkang Kanlaon sa Negros. Batay sa 24-hour monitoring ng PHIVOLCS, nakapagtala ito ng tatlong volcanic earthquakes sa bulkan. Nananatili rin ang pagluwa ng 1,089 tonelada ng asupre o sulfur dioxide sa bunganga ng… Continue reading 3 volcanic earthquakes, naitala ng PHIVOLCS sa Bulkang Kanlaon

Budget ng pamahalaan para sa pagtugon sa climate change, umabot sa US$8.2-B

Tiniyak ng Climate Change Commission (CCC) na isa sa prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtugon sa climate change at ang masamang epekto nito sa bansa. Sa pahayag ni Secretary Robert Borje, vice chairperson and executive director ng CCC sa United Nations Framework Convention for Climate Change (UNFCCC), sinabi niyang nasa… Continue reading Budget ng pamahalaan para sa pagtugon sa climate change, umabot sa US$8.2-B

In-person classes sa mga paaralan sa Agoncillo, Batangas, balik na matapos ilang araw na masuspinde dulot ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal

Balik face-to-face classes na ang mga mag-aaral sa Agoncillo, Batangas matapos suspendihin kahapon dulot pa rin ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal. Ayon kay Mr. Junfrance de Villa ng Agoncillo Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, sa kanyang obserbasyon ay wala nang presence ng volcanic smog o vog sa lugar at maghapon na rin naging… Continue reading In-person classes sa mga paaralan sa Agoncillo, Batangas, balik na matapos ilang araw na masuspinde dulot ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal

Mga pananim sa Talisay, Batangas, naapektuhan ng ibinugang sulfur dioxide ng Bulkang Taal

Hindi nakaligtas ang pananim ng mga residente malapit sa Bulkang Taal nang magbuga ito ng mapanganib na sulfur dioxide kamakailan. Kwento ni Mr. Alvin Marasigan ng Caked Plant Nursery, nagdulot ng butas sa dahon ng ibinebenta niyang fruit bearing plants ang ibinugang gas ng Bulkang Taal. Wala aniya siyang choice kundi kalbuhin ito, alisin ang… Continue reading Mga pananim sa Talisay, Batangas, naapektuhan ng ibinugang sulfur dioxide ng Bulkang Taal

Pagtatatag ng Onion Competitiveness Enhancement Fund, ipinapanukala sa Kamara

Para mapalakas pa ang industriya ng pagsisibuyas sa bansa ay itinutulak sa Kamara ang pagtatatag ng Onion Competitiveness Enhancement Fund (OCEF). Salig sa House Bill 8462, lahat ng kita mula sa binabayarang taripa ng mga inaangkat na sibuyas ay ilalaan para sa onion farmers at onion industry. Kasama rito ang kanilang farm inputs at kagamitan,… Continue reading Pagtatatag ng Onion Competitiveness Enhancement Fund, ipinapanukala sa Kamara

FishCoRe project ng administrasyong Marcos, sisimulan na sa Agosto — BFAR

Tuloy na ang pag-arangkada sa agosto ng Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) Project ng administrasyong Marcos. Ito matapos na aprubahan na ng World Bank ang loan para sa pitong taong proyekto na layong iahon mula sa kahirapan ang higit isang milyong mangingisda sa 24 na probinsya sa bansa. Popondohan ng US$209-million o katumbas ng… Continue reading FishCoRe project ng administrasyong Marcos, sisimulan na sa Agosto — BFAR

Bilang ng evacuees sa Albay, higit 15,000 na — DSWD

Patuloy ang pag-akyat ng bilang ng mga pamilyang nananatili sa evacuation centers kasunod ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Sa pinakahuling datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of June 13, aabot na sa 4,415 ang bilang ng mga pamilya o katumbas ng 15,493 na… Continue reading Bilang ng evacuees sa Albay, higit 15,000 na — DSWD

Pre-disaster relief efforts sa Albay, posibleng abutin ng buwan –Albay solon

Humihingi ng “patience at stamina” si Albay 2nd district Representative Joey Salceda mula sa government agencies na tumutugon sa pre-disaster relief at evacuation efforts sa Albay dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Ayon sa kinatawan posibleng abutin ng buwan ang paghihintay sa aktwal na pagputok ng bulkan. “Historically, the scenarios are 45, 90, or 110… Continue reading Pre-disaster relief efforts sa Albay, posibleng abutin ng buwan –Albay solon