Barko ng BFAR, naglayag papuntang Pag-asa Island para maghatid ng tulong pangkabuhayan sa mga mangingsida ngayong Araw ng Kalayaan

Kasabay ng paggunita ng ika-125 na Kalayaan ng Pilipinas, sasabak sa dalawang araw na paglalayag papuntang Pag-asa Island ang BRP Francisco Dagohoy mula sa Puerto Princesa City. Ang multi-mission offshore civilian patrol vessel na pinatatakbo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay maghahatid ng suportang pangkabuhayan sa mga residente ng Pag-asa Island . Ayon… Continue reading Barko ng BFAR, naglayag papuntang Pag-asa Island para maghatid ng tulong pangkabuhayan sa mga mangingsida ngayong Araw ng Kalayaan

Huli ng tilapia sa Batangas, hindi pa apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Taal

Hindi nakaapekto sa huli ng mga harvester ng tilapia sa Laurel, Batangas ang pag-aalburoto ng Bulkang Taal at nagdaang bagyo. Ayon kay Mean Gonzales Gapi, ang namamahala ng Sto. Niño Harvester, nagiging matumal lang naman ang huli ng tilapia kapag may mga isdang labas o nahuhuling isda mula Norte. Sa ngayon aniya ay mababa pa… Continue reading Huli ng tilapia sa Batangas, hindi pa apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Taal

PHIVOLCS, may paalala sa mga apektadong residente ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal

Nagpaalala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa mga apektadong residente ng Bulkang Taal, tungkol sa mga maaaring maganap o maranasan lalo na at nakataas pa rin sa Alert Level 1 ang bulkan. Kabilang dito ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosion, volcanic earthquake, manipis na ashfall at pag-ipon o pagbuga ng… Continue reading PHIVOLCS, may paalala sa mga apektadong residente ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal

Pamilya ng mga batang nailigtas mula sa child labor, pinagkalooban ng livelihood package

Nasa P15,000 hanggang P20,000 ang halaga ng pangkabuhayang ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 3 sa mga magulang ng mga batang nailigtas mula sa child labor. Kasabay ito ng isinagawang Independence Day Job Fair sa San Fernando Pampanga. Nakatanggap ang walong benepisyaryo ng sari-sari store package, chicken breeding package, fruit benefit package,… Continue reading Pamilya ng mga batang nailigtas mula sa child labor, pinagkalooban ng livelihood package

Department of Tourism Bicol region, naglabas ng safe viewing point sa Lalalawigan ng Albay

Naglabas ng Safe Viewing Point ang Department of Tourism (DOT) Region 5 para sa mga turistang nais makitang ligtas ang bulkang Mayon na malayo sa permanent danger zone ng bulkan. Ayon kay DOT Region V Regional Director Herbie Aguas, ang mga naturang lugar ay nasa 9 to 19 kilometers ang layo mula sa 6-kilometer danger… Continue reading Department of Tourism Bicol region, naglabas ng safe viewing point sa Lalalawigan ng Albay

61 hired-on-the-spot sa Kalayaan Job Fair sa SM City Iloilo

As of 3:25 p.m., umabot na sa 61 ang mga aplikanteng hired-on-the-spot (HOTs) sa nagpapatuloy na Kalayaan Job Fair sa SM City Iloilo. Ayon sa PESO Iloilo City, nasa 1,103 na mga Ilonggos ang nagbabakasakali na makahanap ng trabaho ang lumahok sa job fair at 794 sa kanila ay kwalipikado. Samantala, 409 naman ay sasailalim… Continue reading 61 hired-on-the-spot sa Kalayaan Job Fair sa SM City Iloilo

Posibilidad na pagtaas sa alert level 4, nakadepende sa magiging aktibidad ng bulkang Mayon ayon sa provincial government

Nakadepende sa magiging lagay o aktibidad ng bulkang mayon ang pagtataas sa alert level 4 kung magpapatuloy ang pag-aalburoto nito. Sa isang press conference sinabi ni Albay Governor Edcel Grex Lagman, na ayon sa pakikipag-usap nito sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) at Department of Science and Technology (DOST), na malaki ang magiging… Continue reading Posibilidad na pagtaas sa alert level 4, nakadepende sa magiging aktibidad ng bulkang Mayon ayon sa provincial government

Hired on the spot sa job fair sa SM Novaliches, abot na sa 31

Hanggang ala-1:30 nitong hapon aabot na sa 31 job applicants ang hired on the spot sa Kalayaan Job Fair sa SM Novaliches. Ayon kay Quezon City Public Employment Service Office District 5 Head Marnelli dela Cruz, mula kaninang umaga nasa 335 na ang mga jobseeker ang nag-aplay ng trabaho. Nasa 205 dito ay mga lalaki… Continue reading Hired on the spot sa job fair sa SM Novaliches, abot na sa 31

Kalayaan Job Fair sa Davao City nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang isinasagawang Kalayaan Job Fair sa dito sa SM SM City Davao Annex Event Center sa Davao City. Sa update mula sa Department of Labor & Employment (DOLE) XI as of 1pm, umabot na sa 37 ang hired on the spot at 15 ang ‘near hire applicants’, ito ang job seekers na kinokonsiderang hired subalit… Continue reading Kalayaan Job Fair sa Davao City nagpapatuloy

Mahigit 20 kumpanya, nakiisa sa Kalayaan para sa Trabaho Job Fair sa SM Sta Mesa

Hindi bababa sa 2,000 bakanteng trabaho ang binuksan ng iba’t ibang kumpanya matapos silang makilahok sa Kalayaan para sa Trabaho Job Fair sa SM Sta Mesa. Ang naturang job fair ay sa pagtutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Quezon City Government at Public Employment Service Office (PESO). Sabi ni Rysa Labrador, PESO Representative… Continue reading Mahigit 20 kumpanya, nakiisa sa Kalayaan para sa Trabaho Job Fair sa SM Sta Mesa