Maya-5 at Maya-6 CubeSats ng Pilipinas, inilunsad sa int’l space station

Inanunsyo ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang matagumpay na launching ng pinakabagong locally developed cube satellites (CubeSats) na Maya-5 at Maya-6 sa International Space Station (ISS). Ayon sa PhilSA, nailunsad ang dalawang CubeSats, kagabi bandang 11:47pm sa pamamagitan ng SpaceX Falcon 9. May bigat na tig-1.15 kilograms ang bawat CubeSats na maglalakbay sa orbit na… Continue reading Maya-5 at Maya-6 CubeSats ng Pilipinas, inilunsad sa int’l space station

Ilocos solon, dumagdag sa mga mambabatas na nagtutulak para baguhin ang school calendar

Lalong dumarami ang mga mambabatas sa Kamara na nananawagan para sa pagpapalit ng school calendar. Sa paghahain ng House Bill 8508, ipinunto ni Ilocos Sur 1st District Representative Ronald Singson na ang lumang school calendar pa rin ang pinaka-akma para sa ating bansa. Sa kasalukuyang school calendar aniya kasi, natatapat na mayroon pa ring klase… Continue reading Ilocos solon, dumagdag sa mga mambabatas na nagtutulak para baguhin ang school calendar

PNP, tiniyak na ‘di magiging overkill ang security preparations sa SONA

Magpapatupad ng malaking pagbabago ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa magiging latag ng seguridad sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo 24. Ito ang tiniyak ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr., taliwas sa mga naging template ng kanilang security preparations sa mga nakalipas… Continue reading PNP, tiniyak na ‘di magiging overkill ang security preparations sa SONA

Pagpapalawak ng discount at VAT exemption sa water at electricity bills ng senior citizens, ipinapanukala ni Sen. Lapid

Nais ni Senador Lito Lapid na mapalawak ang discount na nakukuha ng senior citizen sa mga bill ng kuryente at tubig. Sa inihaing Senate Bill 2169 ng senador, layong amyendahan ang Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010. Ipinapanukala nitong ipatupad ang 5 percent discount sa unang 150 kilowatt hours sa… Continue reading Pagpapalawak ng discount at VAT exemption sa water at electricity bills ng senior citizens, ipinapanukala ni Sen. Lapid

Lady solons, umaasang agad tututukan ng bagong Health secretary ang pagpapatupad sa Universal Health Care Law

Kapwa ikinalugod ng dalawang mambabatas na mayroon nang naitalagang permanenteng Health secretary. Ayon kay Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera, napapanahon ang pagkaka-appoint kay Health Secretary Ted Herbosa bilang kalihim ng kagawaran lalo at pa-exit o patapos na tayo sa COVID-19 pandemic. Dahil naman dito, umaasa ang Deputy Minority leader na matututukan na muli ang… Continue reading Lady solons, umaasang agad tututukan ng bagong Health secretary ang pagpapatupad sa Universal Health Care Law

Pilipinas, target na maging regional cruise center ng Asya

Sinisimulan na ng Department of Tourism (DOT) ang layunin nito na maging isang “regional cruise center” sa Asya. Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, magmula nang buksan ang bansa para sa international travel ay naging “very viable tourism product” para sa Pilipinas ang cruise tourism na may mahigit 34 na porsiyentong pagtaas sa cruise calls… Continue reading Pilipinas, target na maging regional cruise center ng Asya

Pamahalaang Lungsod ng Taguig, muling mamamahagi ng libreng hearing aid

Magsisimula ngayong araw ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ng libreng hearing aid para sa mga kwalipikadong residente nito. Layunin ng pamahalaang lungsod na magpamigay ng 10 hearing aids sa bawat barangay upang matulungan at mapabuti ang buhay ng mga may problema o kapansanan sa pandinig. Magsisimula ang pamamahagi ng libreng hearing aid sa… Continue reading Pamahalaang Lungsod ng Taguig, muling mamamahagi ng libreng hearing aid

Ilang tsuper, kanya-kanyang diskarte para tuloy ang kita ngayong tag-ulan

Aminado ang ilang mga pampasaherong tsuper sa Quezon City na pahirapan din ang pamamasada kapag panahon ng tag-ulan. Ayon sa mga nakapanayam ng RP1 team na mga driver ng jeep at taxi, malaking hamon sa kanila kapag maulan at baha sa kalsada. Mahirap daw kasi ang matirikan sa baha o mabasa ang preno ng sasakyan.… Continue reading Ilang tsuper, kanya-kanyang diskarte para tuloy ang kita ngayong tag-ulan

Probisyon na nagbabawal na mag-invest sa ipinapanukalang Maharlika Investment Fund ang GSIS, SSS, malinaw — Sen. Joel Villanueva

Naniniwala si Senate Majority Leader Joel Villanueva na walang puwang para sa ibang interpretation ang inilagay ng Senado na probisyon sa Maharlika Investment Fund (MIF) Bill tungkol sa pagbabawal sa pension funds ng SSS at GSIS na mag-invest sa MIF, mandatory man o voluntary. Bukod sa SSS at GSIS, kasama ring bawal na mag-invest sa… Continue reading Probisyon na nagbabawal na mag-invest sa ipinapanukalang Maharlika Investment Fund ang GSIS, SSS, malinaw — Sen. Joel Villanueva

Chair ng isang komite sa Kamara, kumpiyansa sa kakayanan ng bagong DND secretary

Nakikiisa si Iloilo 5th District Representative at House Committee on National Defense and Security Chair Raul ‘Boboy’ Tupas sa pagpapaabot ng pagbati sa bagong talagang Department of National Defense (DND) Secretary Atty. Gilbert ‘Gibo’ Teodoro Jr. Ayon sa kinatawan, kumpiyansa siya sa kakayanan at lawak ng kaalaman ni Teodoro para pamunuan ang DND. Kasabay nito… Continue reading Chair ng isang komite sa Kamara, kumpiyansa sa kakayanan ng bagong DND secretary