Pamahalaang Panlalawigan ng Albay, hinimok ang mga LGU na bumili mula sa mga local farmer ng lalawigan na apektado ng Mayon

Hinimok ng pamahalaang panlalawigan ng Albay ang mga LGUs sa lugar na tangkilikin ang mga produkto ng mga magsasaka at mangingisda ng probinsya partikular na yaong mga naapektuhan ng nagaganap na pag alburuto ng Mayon. Ani ni Provincial Agriculturist Cheryl O. Rebate, ang pagbili ng mga ani ng mga lokal na magsasaka ay malaking tulong… Continue reading Pamahalaang Panlalawigan ng Albay, hinimok ang mga LGU na bumili mula sa mga local farmer ng lalawigan na apektado ng Mayon

Department of National Defense, nagpaabot ng pagdadalamhati sa pagpanaw ni dating Sen. Rodolfo Biazon

Nagluluksa ngayon ang Department of National Defense (DND) sa pagpanaw ng dating mambabatas at dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Rodolfo “Pong” Biazon. Sa isang kalatas, sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro, na naging makulay ang karera ni Biazon buhat sa pagiging opisyal ng Philippine Marines, pagiging AFP Chief of Staff… Continue reading Department of National Defense, nagpaabot ng pagdadalamhati sa pagpanaw ni dating Sen. Rodolfo Biazon

Ilang biyahe sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Nagbigay abiso ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) hinggil sa mga kanseladong biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw. Batay sa abiso ng MIAA Media Affairs Division, ito ay dahil sa nararanasang masamang panahon sa destinasyon dulot ng habagat na hinihila ng bagyong Chedeng. Kabilang sa mga nakanselang biyahe ngayong araw… Continue reading Ilang biyahe sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Pilipinas, ‘di na muling magpapasailalim sa anumang external force — Pangulong Marcos Jr.

Ikalulugod ng mga bayani ng bansa na malaman na natuldukan na ng Pilipinas ang banta ng dominasyon, at hindi na muling magpapasailalim sa anu mang bansa ang Pilipinas. “The heroes of our liberation would be proud to know that we have thrown off the ‘ominous yoke of domination’; never again to be subservient to any… Continue reading Pilipinas, ‘di na muling magpapasailalim sa anumang external force — Pangulong Marcos Jr.

Pagkakaisa, panawagan ng PNP ngayong Independence Day

Nakikiisa ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) sa pagdiriwang ng sambayanang Pilipino ng ika-125 anibersaryo ng Kalayaan ng bansa mula sa pananakop ng mga dayuhan. Kasunod nito, ipinanawagan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa lahat ng mga Pulis at sa publiko, na itaguyod ang diwa ng pagkakaisa bilang parangal at… Continue reading Pagkakaisa, panawagan ng PNP ngayong Independence Day

Usapin ng child labor, patuloy na tinututukan ng DOLE

Patuloy na hinahanapan ng paraan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na matigil na ang child labor sa bansa. Kasabay ng paggunita sa Independence Day ay ngayong araw din ipinagdiriwang ang World Day Against Child Labor. Ayon kay DOLE Pampanga Director II Arlene Tolentino, isa sa mga programa ng ahensya ang pagkakaloob ng mga… Continue reading Usapin ng child labor, patuloy na tinututukan ng DOLE

Desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Taguig-Makati territorial dispute, dapat igalang

Nagpahayag ng pagkaalarma ang lokal na pamahalaan ng Taguig kaugnay sa ipinalalabas na pagbubukas muli ng Taguig-Makati territorial dispute bagamat pinal na itong nadesisyunan ng Korte Suprema. Sa isang statement na ipinalabas ng Taguig City sinabi nito na tinuring lamang nila na “fake news” ang mga unang kumakalat na social media posts na nagsasabing nakausap… Continue reading Desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Taguig-Makati territorial dispute, dapat igalang

Speaker Romualdez, hinimok ang mga Pilipino na isabuhay ang diwa ng kabayanihan at tumulong na makalaya ang bansa sa kahirapan

Hinikayat ni House Speaker Martin Romualdez ang lahat ng Pilipino na isabuhay ang diwa ng kabayanihan at makiisa sa pagtugon sa kinahaharap na hamon ng bansa, bilang pagtanaw na rin ng pasasalamat sa mga bayaning nag-alay ng buhay para sa kalayaan ng bansa. Sa pagdalo ng House leader sa selebrasyon ng 125th Independence Day sa… Continue reading Speaker Romualdez, hinimok ang mga Pilipino na isabuhay ang diwa ng kabayanihan at tumulong na makalaya ang bansa sa kahirapan

Dating Sen. Rodolfo Biazon, pumanaw na

Kinumpirma ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon ang pagpanaw ng kaniyang ama na si dating Sen. Rodolfo Biazon. Sa social media post ng alkalde, sinabi nito na 8:30 ng umaga ngayong Araw ng Kalayaan pumanaw ang dating AFP Chief of Staff at kongresista ng Muntinlupa. 2022 nang ma-diagnose si dating Sen. Biazon ng lung cancer. May… Continue reading Dating Sen. Rodolfo Biazon, pumanaw na

Kalayaan sa kawalan ng trabaho, tampok sa job fair sa 5th district, QC

Nagsagawa ng kalayaan Job Fair ngayong Independence Day sa SM Fairview at SM Novaliches. Aabot sa mahigit 20 iba’t ibang kumpanya ang tumugon sa panawagan ng magkapatid na sina Quezon City 5th District Cong. PM Vargas at Coun. Alfred Vargas para bigyan ng hanapbuhay ang mga kababayan na unemployed. Dinagsa ang Kalayaan Job Fair sa… Continue reading Kalayaan sa kawalan ng trabaho, tampok sa job fair sa 5th district, QC