Sec. Abalos, pumanig sa PNP sa gitna ng alegasyon ng “torture” ng mga suspek sa Degamo killing

Sinuportahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang PNP sa gitna ng mga alegasyon ng mga suspek sa Degamo killing na “tinorture” umano sila ng mga pulis para paaminin. Sa isang ambush interview sa Camp Crame ngayong umaga, sinabi ni Abalos na nakausap na niya si PNP Chief Police… Continue reading Sec. Abalos, pumanig sa PNP sa gitna ng alegasyon ng “torture” ng mga suspek sa Degamo killing

Random drug testing sa lahat ng LGU at attached agency ng DILG, ipinag-utos ni Sec. Abalos

Magpapatupad ng random drug testing ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng kanilang attached agencies at maging sa local government units. Ito ang inanunsyo ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. sa opening ceremony ng Buhay Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA) program Sports and Cultural Fest sa Camp Crame ngayong umaga. Ayon sa… Continue reading Random drug testing sa lahat ng LGU at attached agency ng DILG, ipinag-utos ni Sec. Abalos

Party-list solon, ipinasasama sa 3-year registration validity ng LTO ang mga lumang motorsiklo

Umapela si 1 Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez sa LTO na isama na rin ang mga lumang motorsiklo sa ipinapatupad nilang tatlong taong bisa o validity ng lahat ng mga bagong motorsiklo sa bansa. Kung matatandaan, nagdesisyon ang LTO sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. JMT-2023-2395 na payagan ang mga motorsiklong may makina na 200cc… Continue reading Party-list solon, ipinasasama sa 3-year registration validity ng LTO ang mga lumang motorsiklo

Mobile Learning Resource Hub sa Makati City, binuksan na

Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Makati ang Mobile Learning Resource Hub sa Makati Elementary School. Pinangunahan ni Makati City Mayor Abby Binay ang ceremonial launching nito ngayong araw. Ayon kay Binay, bahagi ito ng inisyatibo ng Makati LGU para mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga kabataan. Sa pamamagitan ng Mobile Learning Resource Hub, ipapamahagi… Continue reading Mobile Learning Resource Hub sa Makati City, binuksan na

Paghiwalay ng Internal Affairs Service sa PNP, supportado ni DILG Sec. Abalos

Nagpahayag ng suporta si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. sa planong ihiwalay ang Internal Affairs Service (IAS) sa Philippine National Police upang mas epektibo nitong magampanan ang kanyang mandato. Ito ang sinabi ni kalihim sa isang ambush interview matapos pangunahan ang paglulunsad ng Buhay Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA) program… Continue reading Paghiwalay ng Internal Affairs Service sa PNP, supportado ni DILG Sec. Abalos

Masagana Rice Industry Development Program, suportado ng NIA

Nagpahayag ng buong suporta ang National Irrigation Administration (NIA) sa pag-apruba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Masagana Rice Industry Development Program (MRIDP) na layong maabot ang tina-target na rice sufficiency sa bansa. Matatandaang kamakailan lang ng pangunahan mismo ni Pangulong Marcos Jr. ang isinagawang Convergence Meeting sa tanggapan ng NIA kung saan binigyang din… Continue reading Masagana Rice Industry Development Program, suportado ng NIA

Pagpapatupad ng Financial Management Information System sa mga tanggapan ng pamahalaan, iniutos ni Pangulong Marcos Jr.

Nag-isyu si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang Executive Order na nag-aatas sa government offices kasama na ang mga nasa lokal na pamahalaan na magpatupad ng financial management information system sa mga ginagawa nitong transaksyon. Sa ilalim ng EO 29 na may pamagat na “Strengthening the Integration of Public Financial Management Information Systems, Streamlining… Continue reading Pagpapatupad ng Financial Management Information System sa mga tanggapan ng pamahalaan, iniutos ni Pangulong Marcos Jr.

DSWD at World Bank, target paigtingin ang social protection program na “Beneficiary FIRST”

Nagpulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang World Bank (WB) para talakayin ang lalong pagpapaigting ng ongoing na proyektong Beneficiary FIRST (BFIRST Project). Ang naturang inisyatibo ay joint project ng DSWD at World Bank na layong ibsan ang epekto ng pandemya sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino at palawakin rin ang… Continue reading DSWD at World Bank, target paigtingin ang social protection program na “Beneficiary FIRST”

Apat na foreign air carrier, matagumpay na nailipat sa NAIA Terminal 3

Pormal nang nailipat sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 3 ang may apat na foreign airlines mula sa dating NAIA Terminal 1 kahapon. Ito’y bilang bahagi ng ipinatutupad na bagong Terminal Assignment ng Manila International Airport Authority o MIAA na layong mabalanse ang bilang ng mga pasahero at para ma-decongest ang NAIA Terminal… Continue reading Apat na foreign air carrier, matagumpay na nailipat sa NAIA Terminal 3

Mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Betty, patuloy na nadaragdagan — DSWD

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Betty, ayon ‘yan sa DSWD. Sa pinakahuling tala ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of June 1 ay aabot na sa higit 6,000 pamilya o katumbas ng 22,548 na indibidwal ang apektado ng nagdaang bagyo sa anim na rehiyon… Continue reading Mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Betty, patuloy na nadaragdagan — DSWD