Mas mahigpit na gun control, panawagan ng Davao solon

Nanawagan si Davao City 1st District Representative Paolo Duterte sa Philippine National Police (PNP) na palakasin pa ang regulasyon nito sa pagmamay ari ng baril. Unahin na aniya dapat ito sa mas istriktong pagsasala ng mga bibigyan ng license to possess and carry firearms. Ito’y matapos barilin ang isang traffic enforcer sa Cavite kung saan… Continue reading Mas mahigpit na gun control, panawagan ng Davao solon

Mahigit apatnaraang DOTr personnel, nagtapos sa railway training courses, May 30, 2023

Pinarangalan ng Philippine Railways Institute ang daan-daang personnel na nagtapos sa iba’t ibang railway training courses ngayong araw. Mahigit apatnaraang indibidwal mula sa Operations and Maintenance ang nakapagtapos sa refresher training course, animnapu’t apat ang aspiring railway personnel, lima ang MRT-3 train drivers na tatanggap ng IDs at dalawa ang pinagkalooban ng Certificate of Competency.… Continue reading Mahigit apatnaraang DOTr personnel, nagtapos sa railway training courses, May 30, 2023

Matibay na probisyong proprotekta sa pension funds, isinusulong ni Senador Koko Pimentel

Nais ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na magkaroon ng matibay na probisyong maggagarantiya na hindi magagalaw o makokompromiso ang pensyon funds sa ipinapanukalang Maharlika Investment Fund (MIF). Ipinunto kasi ni Pimentel, na sa kasaluluyang bersyon ng MIF bill na tinatalakay sa Senado, may probisyon tungkol sa pagpapahintulot sa GSIS at SSS na mag-invest sa… Continue reading Matibay na probisyong proprotekta sa pension funds, isinusulong ni Senador Koko Pimentel

Dating DSWD Sec. Tulfo, pormal nang nanumpa bilang miyembro ng Kamara.

Pormal nang nanumpa sa pwesto bilang bagong Miyembro ng Kamara si dating DSWD Sec. Erwin Tulfo. Si House Majority Leader Mannix Dalipe ang nanguna sa panunumpa ni Tulfo na sinaksihan ng kaniyang pamangkin na si Rep. Ralph Tulfo. Papalitan ni Tulfo si dating ACT-CIS representative Jeffrey Soriano na nagbitiw sa posisyon noong Pebrero. Bago ito, nilinaw ni… Continue reading Dating DSWD Sec. Tulfo, pormal nang nanumpa bilang miyembro ng Kamara.

House panel Chair, bibigyan ng isa pang pagkakataon si Cagayan Gov. Mamba na dumalo sa pagdinig ng komite sa Kamara

Umaasa si House Committee on Public Accounts Chair Joseph Stephen Paduano na dadalo na sa kanilang pagdinig si Cagayan Governor Manuel Mamba. Ito aniya ay upang marinig din ng komite ang panig ng governor hinggil sa umano’y paglalabas ng public funds ng Provincial Government ng Cagayan, sa gitna ng 45-day election ban noong 2022 na… Continue reading House panel Chair, bibigyan ng isa pang pagkakataon si Cagayan Gov. Mamba na dumalo sa pagdinig ng komite sa Kamara

Sen. Bato Dela Rosa, magpapanukalang alisin ang probisyong boluntaryong pag-aambag ng SSS at GSIS sa Maharlika Investment Fund bill

Magpapanukala si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ng amyenda sa Maharlika Investment Fund bill, partikular sa magiging kontribusyon ng SSS at GSIS dito. Ayon kay Dela Rosa, nais niya kasing ipatanggal ang probisyon tungkol sa maaaring boluntaryong maglagay ng pondo sa MIF ang SSS at GSIS. Ipinaliwanag ng senador, na ang paglalagay pa naman ng… Continue reading Sen. Bato Dela Rosa, magpapanukalang alisin ang probisyong boluntaryong pag-aambag ng SSS at GSIS sa Maharlika Investment Fund bill

Pangmatagalang ayuda sa mga apektado ng oil spill sa Mindoro, inapela

Umapela si Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas sa pamahalaan ng sapat at tuloy-tuloy na ayuda sa mga biktima ng oil spill sa Mindoro Province. Ginawa ni Brosas ang pahayag sa ginawang joint Investigation ng House Committee on Ecology and Natural Resources kaugnay sa oil spill. Ayon kay Brosas, ang ayuda ay dapat pang matagalan dahil… Continue reading Pangmatagalang ayuda sa mga apektado ng oil spill sa Mindoro, inapela

Mga magiging benepisyo ng ipinapanukalang Maharlika Investment Fund, inisa-isa ni Sen. Mark Villar

Inilatag ni Senador Mark Villar, sponsor ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill sa Senado, ang mga magiging benepisyo para sa bansa ng naturang panukala. Kabilang sa mga ipinunto ni Villar ang pagdudulot nito ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino na magiging bunga ng mas maraming infrastructure projects. Maitataguyod rin aniya nito ang economic… Continue reading Mga magiging benepisyo ng ipinapanukalang Maharlika Investment Fund, inisa-isa ni Sen. Mark Villar

Kamara, pormal na inadopt ang Senate version ng Estate Tax Amnesty Extension Bill

In-adopt ng Kamara sa plenaryo ang Senate Bill 2219 o bersyon ng Senado ng panukalang magpapalawig sa Estate Tax Amnesty. Salig sa panukala, ang amnesty ay mae-extend ng hanggang June 2025 mula sa orihinal nitong pagtatapos na Hunyo ngayong taon. Sakop na rin ng panukala ang ari-arian ng mga indibidwal na pumanaw bago ang December… Continue reading Kamara, pormal na inadopt ang Senate version ng Estate Tax Amnesty Extension Bill

Ilang bayan sa Cagayan, nananatiling nakaalerto sa epekto ng bagyong #BettyPH kahit hindi direktang tatamaan ng bagyo

Malaki ang pasasalamat ni Cagayan 3rd district Rep. Jojo Lara na hindi direktang tinamaan ng bagyong #BettyPH ang kanilang distrito. Magkagayunman, aminado ang mambabatas na pinaghandaan ng iba pang mga lokal na pamahalaan ang pananalasa ng bagyo. Partikular aniya dito ang katabing distrito kung saan karamihan ay nasa coastal area. Dagdag pa ni Lara na… Continue reading Ilang bayan sa Cagayan, nananatiling nakaalerto sa epekto ng bagyong #BettyPH kahit hindi direktang tatamaan ng bagyo