DA, naghahanda na sa posibleng epekto ng bagyong ‘Mawar’ sa agri sector

Inalerto na ng Department of Agriculture ang mga magsasaka at mangingisda sa banta ng bagyong Mawar na inaasahang papasok sa bansa sa Biyernes o Sabado. Ayon sa DA, nakalatag na ang mga paghahanda nito at nakikipag-ugnayan na rin sa PAGASA kaugnay sa galaw ng bagyo. Regular din aniya itong nagpapalabas ng bulletin para maabisuhan ang… Continue reading DA, naghahanda na sa posibleng epekto ng bagyong ‘Mawar’ sa agri sector

300 barangay, lilinisin ng AFP sa impluwensya ng NPA para sa BSK elections

Binabantayan ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 300 barangay sa buong bansa na posibleng maimpluwensyahan ng NPA sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, ito ay mga lugar na dati nang na-clear sa NPA pero tinatangkang muling pasukin ng teroristang grupo. Sinabi ni… Continue reading 300 barangay, lilinisin ng AFP sa impluwensya ng NPA para sa BSK elections

Resolusyon para kilalanin at papurihan ang Philippine delegation sa SEA Games, pinagtibay

Kinatigan ng mayorya ng mga kongresista ang pagpapatibay sa House Resolution 1009. Sa ilalim nito ay ipinapaabot ng Kamara ang pakikiisa sa pagbibigay papuri at pagkilala sa Philippine delegation sa 32nd Southeast Asian Games. Kung matatandaan sa pagtatapos ng palaro noong nakaraang linggo ay nakamit ng Pilipinas ang 5th overall ranking matapos makakuha ng kabuuang… Continue reading Resolusyon para kilalanin at papurihan ang Philippine delegation sa SEA Games, pinagtibay

Bentahan ng sariwang karneng baboy sa Murphy Market sa Cubao, matumal — ilang nagtitinda

Aminado ang ilang nagtitinda ng sariwang karneng baboy sa Murphy Market sa Cubao na nananatiling matumal ang bentahan nila ngayon. Ito ay kahit pa bumaba sa ₱10 ang presyuhan nito na nasa ₱320 sa kada kilo ng kasim/pigue at ₱340-₱360 naman sa kada kilo ng liempo. Ayon kay Mang Apple, may-ari ng isa sa mga… Continue reading Bentahan ng sariwang karneng baboy sa Murphy Market sa Cubao, matumal — ilang nagtitinda

LGUs sa NCR, naghahanda na sa pagpasok ng bagyong Betty sa PAR

Naghahanda na ang mga Local Government Units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) sa pagpasok ng bagyong Betty sa ating bansa sa mga susunod na araw. Ilan sa mga local government na naghahanda na ang lungsod ng Pasig kung saan nitong Lunes ay nagkaroon na ng assesment ang kanilang City Disaster Risk Redcution and Management… Continue reading LGUs sa NCR, naghahanda na sa pagpasok ng bagyong Betty sa PAR

Paglalabas ng SRP sa sibuyas, ipinagpaliban ng DA

Hindi muna itutuloy ng Department of Agriculture (DA) ang pagtatakda ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas. Ito ang kinumpirma ni DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez na batay sa naging desisyon ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban. Paliwanag nito, nais ni Usec. Panganiban na masusing pag-aralan pa ang cost structure bago magpalabas ng SRP. Sa… Continue reading Paglalabas ng SRP sa sibuyas, ipinagpaliban ng DA

Bagyong Mawar, lumakas at isa na muling super typhoon

Muling ibinalik sa super typhoon category ang bagyong Mawar matapos na lumakas pa ito habang kumikilos palayo ng Guam at papalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR). Sa 5am weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang mata ng bagyong Mawar sa layong 2,130 km silangan ng southeastern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot… Continue reading Bagyong Mawar, lumakas at isa na muling super typhoon

‘One strike, no take policy,’ ipatutupad sa pinagsanib na kampanya ng PNP at PCSO vs. Illegal gambling

Nagkasundo ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na palakasin ang kampanya laban sa ilegal na sugal. Kaugnay nito inanunsyo ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na ipatutupad ng PNP ang “One Strike, No Take Policy.” Ayon sa PNP Chief, ang patakarang ito ay sisiguro na masusunod ang doktrina… Continue reading ‘One strike, no take policy,’ ipatutupad sa pinagsanib na kampanya ng PNP at PCSO vs. Illegal gambling

Pondo para sa rehabilitasyon ng Manila Central Post Office, dapat hugutin sa insurance claims ayon kay Sen. Escudero

Binigyang diin ni Senador Chiz Escudero, na dapat manggaling mula sa fire insurance claims ang pondo para sa pagsasaayos at rehabilitasyon ng Manila Central Post Office. Ayon kay Escudero, bago pa man maglaan ng pondo ang pambansang gobyerno para sa rehabilitasyon ay dapat munang makolekta ang fire insurance mula sa Government Service Insurance System (GSIS).… Continue reading Pondo para sa rehabilitasyon ng Manila Central Post Office, dapat hugutin sa insurance claims ayon kay Sen. Escudero

Anomalya sa electric cooperative ng ISELCO-1, nasilip sa pagsisiyasat ng House Committee on Energy

Sinimulang talakayin ng House Committee on Energy at Committee on North Luzon Growth Quadrangle ang ilang anomalya sa ISELCO-1, ang electric cooperative sa lalawigan ng Isabela. Salig ito sa dalawang magkahiwalay na resolusyon at privilege speech ni Isabela Representative Faustino ‘Inno’ Dy V. Batay sa deliberasyon ng komite, lumalabas na binabawasan o kinakaltasan ang suweldo… Continue reading Anomalya sa electric cooperative ng ISELCO-1, nasilip sa pagsisiyasat ng House Committee on Energy