Kauna-unahang International AIDS Candlelight Memorial, isinagawa sa QC Jail

Sa kauna-unahang pagkakataon, isinagawa ang International AIDS Candlelight Memorial sa Quezon City Jail Male Dormitory. Sa temang “Spread Love and Solidarity, Not Stigma and Fear”, layunin ng aktibidad na maunawaan ng komunidad kabilang ang persons deprived of liberty (PDLs) ang kahalagahan ng tamang impormasyon pagdating sa HIV Prevention, kabilang ang paglaban sa takot at stigma.… Continue reading Kauna-unahang International AIDS Candlelight Memorial, isinagawa sa QC Jail

Pilipinas, best investment destination ayon sa EU delegation

Itinuturing ng European Union (EU) businesses delegation ang Pilipinas bilang “best investment destination.” Ito ang lumabas sa pulong ni House Speaker Martin Romualdez at ng EU-ASEAN Business Council (EU-ABC).            Ang naturang delegasyon ay binubuo ng 70 delagates mula sa 36 na European multinational companies Ayon kay Noel Clehane, Board Member ng EU-ABC, isinusulong ng EU… Continue reading Pilipinas, best investment destination ayon sa EU delegation

Development agenda ng Marcos Jr. Administration, muling nakakuha ng suporta sa World Bank

Muling binigyang diin ni World Bank Managing Director for Operations Anna Bjerde ang kanilang suporta sa pag-abot ng Marcos Jr. Administration ng isang masiglang bansa at poverty-free society sa taong 2040. Kabilang na dito ang development agenda para sa climate change, renewable energy transition, food at agriculture, water at sanitation, maging ang programa para sa… Continue reading Development agenda ng Marcos Jr. Administration, muling nakakuha ng suporta sa World Bank

Swedish Trade Minister, bumisita sa DND

Malugod na tinanggap ng Department of National Defense (DND) ang pagbisita ni Swedish Minister for International Development Cooperation and Foreign Trade Johan Forssell. Dito ay nakapulong ni Forssell si Acting Undersecretary of National Defense Angelito M. De Leon. Napag-usapan ng dalawang opisyal ang patuloy na lumalawak na ugnayan ng Pilipinas at Sweden sa iba’t ibang… Continue reading Swedish Trade Minister, bumisita sa DND

Mga lokal na pamahalaan, inalerto ng NDRRMC kaugnay ng bagyong “Mawar”

Pinaghahanda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang kanilang regional counterparts maging ang mga lokal na pamahalaan at ang publiko, sa epektong dulot ng Typhoon “Mawar”. Batay sa ulat ng NDRRMC, nakahanda na ang 797,051 family foodpacks ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagkakahalaga ng mahigit kalahating bilyong piso.… Continue reading Mga lokal na pamahalaan, inalerto ng NDRRMC kaugnay ng bagyong “Mawar”

Claimants ng Marawi Siege Compensation Act, tinatayang nasa 17,000

Nasa 17,800 na possible claimants na ang sumailalim sa profiling ng Task Force Bangon Marawi, para sa mga nasirang ari-arian o buhay na nawala noong kinubkob ng teroristang Maute ang Marawi City, taong 2017. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Atty. Maisara Latiph, na maaari pang madagdagaan o mabawasan ang bilang na ito depende… Continue reading Claimants ng Marawi Siege Compensation Act, tinatayang nasa 17,000

Ilang biyahe sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Kanselado ngayong araw ang dalawang international flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ito ayon sa ulat ng Manila International Airport Authorities (MIAA) ay kasunod ng masamang panahong nararanasan sa lugar ng destinasyon. Kabilang na sa mga nakansela ay ang biyahe ng United Airlines Flight UA183 na biyaheng Guam patungong Maynila. Gayundin ang flight UA… Continue reading Ilang biyahe sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

House tax chief, inirekomenda na i-adopt na lang ang Senate version ng Estate Tax Amnesty Extension Bill

Iminungkahi ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na i-adopt na lang ng Kamara ang bersyon ng Senado na Estate Tax Amnesty Extension Bill. Ito aniya ay para hindi na isalang sa bicameral conference committee. “No more bicam for that one. No need, anyway. House Ways and Means Committee concurs with the provisions… Continue reading House tax chief, inirekomenda na i-adopt na lang ang Senate version ng Estate Tax Amnesty Extension Bill

Mga naninirahan sa danger zone sa NCR, prayoridad ng Marcos Jr. Administration sa housing program

Bibigyang prayoridad ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program ang mga informal settler sa Metro Manila, na nakatira sa danger zones, tulad ng mga estero. Pahayag ito ni Housing Secretary Jose Acuzar, kasunod ng insidente sa Estero de Magdalena sa Maynila, kung saan tatlong indibidwal ang nasawi dahil sa pagbagsak ng isang puno… Continue reading Mga naninirahan sa danger zone sa NCR, prayoridad ng Marcos Jr. Administration sa housing program

Balikatan ng DTI, Go Negosyo, at DA, palalakasin pa sa ilalim ng Marcos Jr. Administration

Asahan na lalakas pa ang Public-Private Partnership sa pagitan ng Go Negosyo, Department of Trade and Industry (DTI), at Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng Marcos Jr. Administration, kasunod ng pagkakatalaga kay Joey Concepcion bilang miyembro ng DTI MSME Development Council. Ito ayon kay Concepcion ay dahil isinusulong pa ng pamahalaan ang pagpapalakas sa… Continue reading Balikatan ng DTI, Go Negosyo, at DA, palalakasin pa sa ilalim ng Marcos Jr. Administration