Tulong sa first-time job seekers, pinalawig pa ng TESDA at iba pang mga ahensya ng pamahalaan

Mas madali nang makakukuha ng dokumento mula sa Technical Education Skills Development Authority (TESDA) ang mga first time jobseeker. Ito ay makaraang lagdaan ng TESDA, Department of Labor and Employment (DOLE), at ng 14 pang ahensya ng pamahalaan ang Joint Operational Guidelines ng First Time Jobseekers Assistance Act. Dahil dito, palalawigin pa ng TESDA ang… Continue reading Tulong sa first-time job seekers, pinalawig pa ng TESDA at iba pang mga ahensya ng pamahalaan

Panukalang magpapataas at mag-i-institutionalize sa teaching supplies allowance ng public school teachers, pasado na sa Senado

Sa botong 22 senador ang pabor, walang tulutol at walang nag-abstain, aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas, na layong taasan ang cash allowance na ibinibigay sa mga guro sa pampublikong paaralan. Sa ilalim ng Senate Bill 1964 o ang ‘Kaakibat sa Pagtuturo” bill, unti-unting itataas ang teaching supplies allowance… Continue reading Panukalang magpapataas at mag-i-institutionalize sa teaching supplies allowance ng public school teachers, pasado na sa Senado

Pamahalaan, hinikayat ang GSIS members na tangkilikin ang bubuksang serbisyo ng tanggapan tuwing Sabado

Hinihikayat ng Government Service Insurance System (GSIS) ang mga miyembro nito na tangkilikin ang kanilang serbisyo tuwing Sabado, simula ika-10 ng Hunyo. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni GSIS President Arnulfo Veloso, na simula sa susunod na buwan alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, bukas ang kanilang head office sa Pasay, at maging… Continue reading Pamahalaan, hinikayat ang GSIS members na tangkilikin ang bubuksang serbisyo ng tanggapan tuwing Sabado

Liderato ni Senate President Migz Zubiri, matatag at walang anumang banta ng kudeta ayon sa ilang senador

Tiniyak nina Senador Jinggoy Estrada at Senador Sherwin Gatchalian, na matatag ang liderato ni Senate President Juan Miguel Zubiri, Ito ay sa gitna ng ugong na kudeta sa liderato ni House Speaker Martin Romualdez sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ayon kay Estrada, nakatuon sila sa trabaho at wala siyang nalalaman na nagbabalak palitan si SP… Continue reading Liderato ni Senate President Migz Zubiri, matatag at walang anumang banta ng kudeta ayon sa ilang senador

Bayarin sa medical examination para makakuha ng lisensya, ibinaba ng LTO

Ibinaba na ng Land Transportation Office (LTO) ang halaga ng bayarin sa medical examination na sinisingil ng mga accredited medical clinic para sa aplikasyon ng student permit at driver’s license. Ginawa ito ni LTO Chief Jay Art Tugade, bilang tugon sa mga reklamo kaugnay ng mataas na halaga ng medical examination na isa sa mga… Continue reading Bayarin sa medical examination para makakuha ng lisensya, ibinaba ng LTO

QC Mayor, nanawagan sa mga magulang na pabakunahan ang mga anak kontra tigdas, rubella at polio

Hinikayat ngayon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak laban sa vaccine-preventable diseases, gaya ng tigdas, rubella, at polio. Para kay Mayor Joy Belmonte, bakuna ang pinakamabisa at pinakamatipid na paraan para maprotektahan ang kanilang mga anak laban sa mga sakit na ito. Sa kasalukuyan ay… Continue reading QC Mayor, nanawagan sa mga magulang na pabakunahan ang mga anak kontra tigdas, rubella at polio

Minority solon, bukas sa pagdaragdag ng nuclear energy sa energy mix ng bansa

Bukas si House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera na gamitin sa Pilipinas ang nuclear energy partikular ang pagtatayo ng small modular reactors. Ayon sa mambabatas, nakadepende sa isasagawang feasibility study ang magiging pasya niya kung tuluyang susuportahan ang pagsusulong ng nuclear energy bilang dagdag o alternatibong energy source ng bansa. Kailangan din aniyang aralin muna… Continue reading Minority solon, bukas sa pagdaragdag ng nuclear energy sa energy mix ng bansa

Cayetano: Game-changer ang e-governance para sa Pilipinas

Buo ang paniniwala ni Senador Alan Peter Cayetano na ang e-governance ay maaaring maging “game-changer” sa Pilipinas ngunit sinabi nitong dapat magtulungan ang publiko at pribadong sektor upang ganap itong maipatupad sa bansa. “We must see e-governance as a blessing to our country because it makes government services more efficient, less prone to corruption, and… Continue reading Cayetano: Game-changer ang e-governance para sa Pilipinas

Parusang kamatayan sa mga halal na opisyal at alagad ng batas na masasangkot sa ilegal na droga, ipinapanukala sa Senado

Naghain si Senador Robin Padilla ng isang panukalang batas na layong patawan ng parusang kamatayan ang mga halal na opisyal at mga alagad ng batas na masasangkot sa ilegal na droga. Sa paghahain ng Senate Bill 2217, ipinahayag ni Padilla masyadong maluwang ang kasalukuyang batas kaya wala nang takot ang mga alagad ng batas na… Continue reading Parusang kamatayan sa mga halal na opisyal at alagad ng batas na masasangkot sa ilegal na droga, ipinapanukala sa Senado

Mga bagong opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, itinalaga ni Pangulong Marcos Jr.

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan. Base sa impormasyon mula sa Presidential Communications Office (PCO), kabilang sa mga ito si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Deputy Director General Renato Gumban. Si Gumban ay dati na ring nagsilbi bilang Regional Director ng Police Regional Office… Continue reading Mga bagong opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, itinalaga ni Pangulong Marcos Jr.