Mahigit 100 sasakyan at 2,000 tauhan, dineploy ng PNP sa NCR para sa transport strike

Nag-deploy ang Philippine National Police ng 105 sasakyan sa National Capital Region (NCR) para umalalay sa mga commuter sa gitna ng transport strike ng grupong Manibela. Sa ulat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director Police Brig. General Melencio Nartatez Jr. kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., 88 sasakyan mula… Continue reading Mahigit 100 sasakyan at 2,000 tauhan, dineploy ng PNP sa NCR para sa transport strike

PNP Chief, nanawagan sa kolaborasyon ng lahat ng sektor para sa tagumpay ng BSKE

Nanawagan si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa lahat ng sektor ng lipunan, kabilang ang pamahalaan, civil society, academe, mga relihiyosong samahan, at pribadong sektor na magtulungan para sa isang matagumpay na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE). Ang panawagan ay ginawa ng PNP Chief sa regular na Monday flag raising ceremony sa… Continue reading PNP Chief, nanawagan sa kolaborasyon ng lahat ng sektor para sa tagumpay ng BSKE

Dalawang suspek sa “love scam” na nambiktima ng 72-taong biyuda, arestado ng ACG

Naaresto ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang dalawang suspek sa “Love Scam” na nambiktima ng isang 72-taong gulang na biyuda mula sa Batangas City. Ayon kay ACG Spokesperson Police Capt. Michelle Sabino nahuli ang babae at lalaking suspek sa entrapment operation sa Las Piñas nitong Oktubre 10. Base sa reklamo ng biktima, nakilala niya noong… Continue reading Dalawang suspek sa “love scam” na nambiktima ng 72-taong biyuda, arestado ng ACG

PNP, handang muling magpadala ng mga tauhan para magbantay sa mga penal colony

Muling tiniyak ng Philippine National Police o PNP ang kanilang kahandaan na magpadala ng mga tauhan sa mga penal colony sa bansa gaya ng New Bilibid Prison o NBP sa Muntinlupa City. Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo bilang tulong sa pagnanais ng BuCor na malinis ang mga penal… Continue reading PNP, handang muling magpadala ng mga tauhan para magbantay sa mga penal colony

₱25 milyong halaga ng shabu, nakumpiska mula sa isang Malaysian sa NAIA

Arestado ang isang biyaherong Malaysian matapos makuha sa kanyang bagahe ang ₱25.3 milyong halaga ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport. Sa ulat ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., kinilala ang suspek na si Mohammad Ahtsham Bin Mohammad Afzal. Dumating ang suspek sa bansa kagabi sakay ng… Continue reading ₱25 milyong halaga ng shabu, nakumpiska mula sa isang Malaysian sa NAIA

PNP, iimbestigahan ang umano’y pag-escort ng mga pulis sa POGO operator

Iniimbestigahan na ngayon ng Philippine National Police o PNP ang impormasyon na ilang tauhan umano ng Highway Patrol Group ang nagsisilbing escort ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO. Ayon kay PNP Public Information Office o PIO Chief, P/Col. Jean Fajardo, maaaring patawan ng paglabag sa Memorandum Circular 2016-002 ang sinumang pulis na mapatutunayang sangkot… Continue reading PNP, iimbestigahan ang umano’y pag-escort ng mga pulis sa POGO operator

Dalawang wanted na pulis, inaresto ng IMEG

Inaresto ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang dalawang wanted na pulis sa magkahiwalay na operasyon sa Tuguegarao at lalawigan ng Rizal. Sa ulat ni IMEG Director Police Brig. General Warren de Leon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ngayong Huwebes, kinilala ang mga arestadong pulis na sina Pat. Adrian France… Continue reading Dalawang wanted na pulis, inaresto ng IMEG

Performance-based bonus para sa taong 2021, matatanggap ng mga pulis ngayong Nobyembre

Inanunsyo ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na matatanggap na ng mga pulis ang kanilang Performance-Based Bonus (PBB) para sa taong 2021 ngayong Nobyembre. Ayon kay Fajardo, ang bonus ay base sa performance rating o eligibility score ng PNP mula Enero hanggang Disyembre 2021. Ito ay katumbas ng 52% ng individual… Continue reading Performance-based bonus para sa taong 2021, matatanggap ng mga pulis ngayong Nobyembre

Police trainee na sumagip sa nalulunod na bata, pinuri ng PNP Chief

Pinuri ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang police trainee ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakuhanan ng video sa aktong pagligtas ng nalulunod na bata. Ayon sa PNP Chief, nagpamalas ng kakaibang lakas ng loob at walang pag-iimbot si Police Trainee August David nang sagipin niya ang batang babae mula… Continue reading Police trainee na sumagip sa nalulunod na bata, pinuri ng PNP Chief

Mahigit P6 milyon halaga ng iligal na droga, nasabat sa ikinasang operasyon ng PDEA at PNP sa Pasay City

Arestado ang apat na suspek ng iligal na droga sa pinagsanib na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4A at Baclaran Substation sa Roxas Boulevard Service Road, Cuneta Avenue, Barangay 76 sa Pasay City ngayong araw. Kinilala ng awtoridad ang mga suspek na sina alias Kent, alias Alba, alias Omar, at alias Carlo.… Continue reading Mahigit P6 milyon halaga ng iligal na droga, nasabat sa ikinasang operasyon ng PDEA at PNP sa Pasay City