NCRPO, nakakumpiska ng P6.4-M halaga ng iligal na droga sa limang araw na magkakasunod na operasyon

Aabot sa 6.4 milyong pisong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa magkakasunod na operasyon mula Agosto 7 hanggang 11. Ayon kay NCRPO Director Police Brig. General Jose Melencio Nartatez Jr., sa loob ng naturang panahon, nakapagsagawa ang iba’t ibang police district sa Metro Manila ng kabuuang… Continue reading NCRPO, nakakumpiska ng P6.4-M halaga ng iligal na droga sa limang araw na magkakasunod na operasyon

Gen. Acorda, kinilala ang aktibong partisipasyon ng komunidad sa malalaking huli ng droga sa Western Visayas

Kinilala ni PNP Chief P/General Benjamin Acorda Jr. ang aktibong partisipasyon ng komunidad sa malalaking huli ng iligal na droga sa Western Visayas. Ayon kay Acorda, maraming impormasyong natatanggap ang kapulisan mula sa komunidad na nagreresulta sa matagumpay na anti-drug operation. Sa datos ng Police Regional Office 6, umabot sa P86 milyong halaga ng iligal… Continue reading Gen. Acorda, kinilala ang aktibong partisipasyon ng komunidad sa malalaking huli ng droga sa Western Visayas

Suspek na dumukot sa 8 taong gulang na Phil-Korean sa Mandaue City, sinampahan na ng kaso

Sinampahan na ng kasong Kidnapping with Serious Illegal Detention at Acts of Lasciviousness ang 32 taong gulang na caretaker matapos nitong isinilid sa maleta at tinangay ang walaong taong gulang na batang babae sa Brgy. Bakilid lungsod ng Mandaue City, Cebu. Una nang sinabi ni Mandaue City Police Office Director Police Lt. Col. Jeffrey Caballes… Continue reading Suspek na dumukot sa 8 taong gulang na Phil-Korean sa Mandaue City, sinampahan na ng kaso

Mahigit 5,000 pulis ikakalat sa Metro Manila, para sa Balik-Eskwela 2023

Magpapakalat ng 5,000 tauhan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila para sa seguridad ng Balik-Eskwela 2023. Ayon kay NCRPO Regional Director Police Brigadier General Melencio Nartatez, nakahanda na ang kanilang buong hanay para sa pagbubukas ng klase sa Agosto 29. Sinabi ni Nartatez, na 668 Police Assistance Desks ang kanilang itatayo… Continue reading Mahigit 5,000 pulis ikakalat sa Metro Manila, para sa Balik-Eskwela 2023

Apat na pekeng nagno-notaryo, inaresto ng CIDG sa Pampanga

Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group CIDG ang apat na suspek na sangkot sa pamemeke ng serbisyo ng notaryo sa Mc. Arthur Highway, Brgy. Sto Domingo, Angeles City. Sa ulat ni CIDG Director Police MGen. Romeo Caramat kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., kinilala ang mga suspek na sina Emeraldo Salenga Rosete,… Continue reading Apat na pekeng nagno-notaryo, inaresto ng CIDG sa Pampanga

Command responsibility sa Navotas shooting incident, posibleng umabot sa mas mataas na opisyal

Posibleng umabot pa sa mas matataas na opisyal ang command responsibility sa Navotas shooting incident kung saan napatay ng mga pulis ang menor de edad na si Jemboy Baltazar matapos mapagkamalang suspek. Ito ang sinabi ni Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. sa pulong balitaan sa Camp Crame. Ayon kay Abalos,… Continue reading Command responsibility sa Navotas shooting incident, posibleng umabot sa mas mataas na opisyal

Mambabatas, ipinanawagan ang pagsasaayos ng programa at pagtuturo sa mga bagong pulis

Photo courtesy of Sen. Bato Dela Rosa FB page

Pinarerepaso ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa Philippine National Police (PNP) at sa Police National Training Institute ang kanilang Program of Instructions sa Public Safety Basic Recruit Course. Ito ay para maituro aniya nang maayos sa mga bagong rekrut na pulis ang tamang ‘police operational procedure’. Ang pahayag na ito ni dela Rosa ay… Continue reading Mambabatas, ipinanawagan ang pagsasaayos ng programa at pagtuturo sa mga bagong pulis

Pulis opisyal na nagpakulong sa radio reporter sa Camarines Sur, inalis sa pwesto

Kinumpirma ni Camarines Sur Provincial Police Office (PPO) Provincial Director Police Col. Julius Cesar Domingo na inalis na sa pwesto ang pulis opisyal na nagpakulong ng isang radio reporter na nagbasa ng blotter ng pulis sa Iriga, Camarines Sur. Ayon kay Domingo, isinailalim sa administrative relief ang Chief of Police ng Iriga na si Police… Continue reading Pulis opisyal na nagpakulong sa radio reporter sa Camarines Sur, inalis sa pwesto

Imbestigasyon ng IAS sa mga pulis na sangkot sa maanomalyang operasyon sa Cavite, sinimulan na

Isinailalim na sa pre-charge investigation ng PNP Internal Affairs Service (IAS) ang mga pulis na sangkot maanomalyang drug operation sa Cavite kung saan pinagnakawan umano ang bahay ng suspek. Ayon kay IAS Inspector General Alfegar Triambulo, 12 pulis ang isinama ng IAS sa Pre-Charge Investigation, kabilang ang dating Chief of Police ng Imus Cavite at… Continue reading Imbestigasyon ng IAS sa mga pulis na sangkot sa maanomalyang operasyon sa Cavite, sinimulan na

Pagbibigay ng special treatment sa mga pulis na nakapatay sa napagkamalang suspek sa Navotas, itinanggi ng PNP

Tiniyak ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na walang special treatment na ibinibigay sa mga pulis na sangkot sa pagpatay sa isang menor de edad na napagkamalang suspek sa Navotas. Paliwanag ni Fajardo, mismong si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang nangako na pabibilisin ng PNP ang pagresolba ng administrative cases para… Continue reading Pagbibigay ng special treatment sa mga pulis na nakapatay sa napagkamalang suspek sa Navotas, itinanggi ng PNP