Labi ng estudyanteng nasawi sa sampal ng guro sa Antipolo, dinala sa Camp Crame

Dumating sa Camp Crame ang mga labi ng grade 5 student na nasawi umano sa sampal ng guro sa Antipolo City. Ito’y matapos makuha ng pamilya ng biktimang si Francis Jay Gumikib ang death certificate ng kanilang anak mula sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center. Ang mga labi ng biktima ay dadalhin sa PNP Forensics… Continue reading Labi ng estudyanteng nasawi sa sampal ng guro sa Antipolo, dinala sa Camp Crame

Ilang opisyal sa PNP, isinailalim sa balasahan

Nagpatupad ng balasahan ngayong araw sa ilang opisyal ng Philippine National Police o PNP. Alinsunod sa direktiba ni PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr, itinalaga nito si P/BGen. Kenneth Lucas bilang Acting Regional Director ng Police Regional Office 4A o CALABARZON. Pinalitan ni Lucas si P/BGen. Carlito Gaces na nakatakda nang magretiro sa buwang ito.… Continue reading Ilang opisyal sa PNP, isinailalim sa balasahan

Pagkakasabat ng CIDG ng isang katutak na iligal na armas sa Marikina, pinuri ng PNP chief

Binati ni PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr. ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa matagumpay na operasyon sa Marikina kung saan 53 samu’t saring iligal na armas ang narekober mula sa isang arestadong suspek. Sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong umaga, iprinesenta ng PNP Chief ang mga nakuhang armas na kinabibilangan… Continue reading Pagkakasabat ng CIDG ng isang katutak na iligal na armas sa Marikina, pinuri ng PNP chief

Mga kandidato sa BSKE, pinaalalahanan ng PNP sa pagkakabit ng poster sa maling lugar

Binalaan ng Philippine National Police ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa pagkakabit ng campaign materials sa mga ipinagbabawal na lugar. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Col. Jean Fajardo, bawal na bawal ang pagkakabit ng campaign poster sa mga tanggapan ng gobyerno dahil nakasaad ito sa guidelines ng Commission… Continue reading Mga kandidato sa BSKE, pinaalalahanan ng PNP sa pagkakabit ng poster sa maling lugar

Bomb threat sa San Francisco High School, negatibo — QCPD

Kinumpirma ng Quezon City Police District na negatibo sa bomba ang San Francisco High School sa Bago Bantay, QC Kasunod ito ng bomb threat na bumulabog sa eskwelahan kaninang umaga at naging dahilan ng maagang pagpapauwi sa mga estuydnate at mga guro. Sa inilabas na report ng QCPD, sinabing nagmula ang bomb threat sa isang… Continue reading Bomb threat sa San Francisco High School, negatibo — QCPD

Mahigit 800 drug suspects, naaresto at P41-M halaga ng illegal drugs ang nasamsam sa 3rd quarter ng 2023-QCPD

Iniulat ng Quezon City Police District ang pagkaaresto ng 817drug personality at pagkakumpiska ng higit Php 41 Milyong halaga ng illegal drugs sa serye ng isinagawang buy-bust operation sa ikatlong Quarter ng taong 2023. Ayon kay QCPD Director PBGEN Redrico Maranan, resulta ito ng 458 anti-drug operations na ikinasa ng iba’t ibang police stations at… Continue reading Mahigit 800 drug suspects, naaresto at P41-M halaga ng illegal drugs ang nasamsam sa 3rd quarter ng 2023-QCPD

Gun ban violators sa Bicol, pumalo na sa 33

Pumalo sa 33 gun ban violators ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa rehiyon ng Bicol para sa unang buwan ng pagpapatupad ng COMELEC Gun Ban mula Agosto 28 hanggang Setyembre 28. Humantong ang operasyon sa pagkakakumpiska ng 29 na magkakaibang baril, 10 deadly weapons at 302 basyo ng bala. Bukod rito, 28 na reklamo… Continue reading Gun ban violators sa Bicol, pumalo na sa 33

Notorious drug suspect sa Bicol, arestado

Sa pinagsamang pwersa ng mga kapulisan at ng Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office V (PDEA ROV), naaresto ang notorious Rey Gutierrez Drug Group sa Camarines Norte kung saan nagresulta sa pagkakadakip kay Victorio Villamor o mas kilala sa tawag bilang ‘Dondon.’ Nahulihan si Villamor ng 12 gramo ng “shabu” na umaabot ang halaga… Continue reading Notorious drug suspect sa Bicol, arestado

51 insidente ng karahasan sa loob ng election period, iniulat ng PNP

51 insidente ng karahasan na ang naitala ng Philippine National Police, isang buwan bago idaos ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, sa bilang na ito, 8 ang suspected Election Related Incidents (ERI), 7 ang validated Election Related Incidents at 36 ang na-validate na… Continue reading 51 insidente ng karahasan sa loob ng election period, iniulat ng PNP

Command responsibility sa pamamaril ng pulis sa Malabon na ikinasawi ng 2 katao, titignan ng PNP chief

Titignan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. kung may dapat mananagot sa ilalim ng doktrina ng Command Responsibility sa nangyaring pamamaril ng pulis sa Malabon na ikinasawi ng dalawang indibidwal. Sa isang ambush interview sa Camp Aguinaldo matapos dumalo sa AFP Peace Symposium ngayong umaga, sinabi ng PNP Chief na gumugulong na ang… Continue reading Command responsibility sa pamamaril ng pulis sa Malabon na ikinasawi ng 2 katao, titignan ng PNP chief