Panunumpa ng 55 na heneral ng PNP, pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa ng may 55 mga police generals na ginawa sa heroes hall sa Malacañang. Ito ang ikalawang batch ng mga nag-oath taking na heneral ng PNP na kung saan, nasa may 58 ang nanumpa sa unang batch na ginawa noong isang linggo. Sa talumpati ng Pangulo ay… Continue reading Panunumpa ng 55 na heneral ng PNP, pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr.

Deputy Chief PNP for Administration Lt/Gen. Rhodel Sermonia, nagsalita sa akusasyon sa kanya ni dating PNP Chief Azurin sa usapin ng deportation

Mariing pinabulaanan ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration, Police Lieutenant General Rhodel Sermonia ang akusasyon laban sa kanya ni dating PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. Ito ay may kaugnayan sa pahayag ni Azurin na si Sermonia umano ang nagpakalat ng balita hinggil sa sinasabing deportation ng dating PNP Chief sa Canada. Ayon… Continue reading Deputy Chief PNP for Administration Lt/Gen. Rhodel Sermonia, nagsalita sa akusasyon sa kanya ni dating PNP Chief Azurin sa usapin ng deportation

Dating PNP Chief Gen. Azurin, inakusahan si Gen. Sermonia na nagkakalat ng ulat ng kanyang “deportation” sa Canada

Inakusahan ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Retired Police General Rodolfo Azurin Jr. si PNP Deputy Chief for Administration Police Lieutenant General Rodel Sermonia na nagkakalat ng kasinungalingan tungkol sa kanyang umano’y pagkaka-deport sa Canada. Sa isang text message na nakarating sa mga mamamahayag sa Camp Camp Crame, sinabi ni Gen. Azurin na si… Continue reading Dating PNP Chief Gen. Azurin, inakusahan si Gen. Sermonia na nagkakalat ng ulat ng kanyang “deportation” sa Canada

PNP, dumistansya sa isyu ng deportation kay dating PNP Chief Rodolfo Azurin sa Canada

Dumistansya ang Philippine National Police (PNP) sa usapin ng pagpapa-deport ng Canadian Immigration kay dating PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, wala silang hawak na impormasyon hinggil sa usapin lalo pa’t hindi na siya Pulis dahil retirado na ito. Kaya naman sinabi ni Fajardo, mas… Continue reading PNP, dumistansya sa isyu ng deportation kay dating PNP Chief Rodolfo Azurin sa Canada

Dalawang katao, inaresto ng NBI dahil sa online child exploitation

Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation ang dalawang indibidwal dahil sa online child exploitation. Naaresto sa isang entrapment operations ang mga suspek na kinilalang sina Lynette Cruz at Paulo Dela Cruz noong September 8. Ayon sa NBI, nag-ugat ito sa impormasyong natanggap ng kanilang Anti-Violence Against Women and Children division mula sa… Continue reading Dalawang katao, inaresto ng NBI dahil sa online child exploitation

PNP, handang tumulong sa imbestigasyon ng cyber attack sa Philhealth

Tiniyak ng Philippine National Police o PNP ang kanilang kahandaan para tumulong sa Philippine Health Insurance Corporation o PHILHEALTH. Ito’y makaraang makaranas ng pag-atake ng isang ransomware na may pangalang MEDUSA ang state insurer nitong weekend kung saan, hinihingan ito ng humigit kumulang P17 milyon kapalit ang nakuhang datos. Ayon kay PNP Public Information Office… Continue reading PNP, handang tumulong sa imbestigasyon ng cyber attack sa Philhealth

Mga arestado sa paglabag sa gun ban, lagpas na sa 900

Umabot na sa 926 ang mga indibidwal na naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa nationwide gun ban kaugnay ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, mula sa nabanggit na bilang pinakamarami sa mga naaresto ay sibilyan na umabot… Continue reading Mga arestado sa paglabag sa gun ban, lagpas na sa 900

246 barangay, irerekomenda ng PNP na mapabilang sa areas of grave concern sa BSKE

Irerekomenda ng Philippine National Police (PNP) na mapabilang sa “red category” o “areas of grave concern” ang 246 na barangay sa bansa, para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame, ngayong araw. Bukod dito, sinabi ni… Continue reading 246 barangay, irerekomenda ng PNP na mapabilang sa areas of grave concern sa BSKE

Person of interest sa pagpatay sa babaeng estudyante sa Diffun, natukoy na ng PNP

May natukoy nang person of interest ang PNP sa pagpatay ng babaeng estudyante sa Diffun, Quirino. Matatandaang natagpuan ng magsasaka sa isang kakahuyan sa Barangay San Isidro nitong Biyernes ang bangkay ng naturang estudyante na limang araw na iniulat na nawawala. Sa ulat ni Police Major Juanito Balite Jr, hepe ng Diffun Police na nakarating… Continue reading Person of interest sa pagpatay sa babaeng estudyante sa Diffun, natukoy na ng PNP

Iligal na baril, nakumpiska sa grade 9 student sa Pikit, Cotabato

Nahuli dahil sa pagdadala ng iligal na baril ang isang 14-taong gulang na grade 9 student ng Takepan National High School, Pikit, Cotabato. Sa ulat ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion, nagsasagawa sila ng security operation sa Takepan Public Market nang maalerto sila sa presensya ng menor de edad na may dalang baril. Sa pag-iinspeksyon ng… Continue reading Iligal na baril, nakumpiska sa grade 9 student sa Pikit, Cotabato