PRO-MIMAROPA director, pinangunahan ang surprise drug test ng 42 opisyal ng PNP sa rehiyon

Pinangunahan ni Police Regional Office (PRO) MIMAROPA Regional Director Police Brig. General Joel Doria ang surprise drug test sa 42 matataas na opisyal ng PNP sa rehiyon. Ang surprise drug test ay isinagawa kahapon kasunod ng command conference sa PRO-MIMAROPA Regional Headquarters sa Camp Navarro, Calapan Oriental Mindoro. Sa isang statement, sinabi ni BGen. Doria… Continue reading PRO-MIMAROPA director, pinangunahan ang surprise drug test ng 42 opisyal ng PNP sa rehiyon

Hepe ng Bacoor PNP, pinasisibak sa puwesto matapos ang pagkakaaresto sa 2 pulis at 1 sibilyang sangkot sa pangongotong

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. ang pagsibak sa puwesto kay Bacoor City Police Station Chief, Police Lieutenant Colonel Ruther Saquilayan. Ito’y kasunod ng pagkakaaresto ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa dalawang pulis, matapos na ireklamo ng pangongotong sa mga tricycle driver at… Continue reading Hepe ng Bacoor PNP, pinasisibak sa puwesto matapos ang pagkakaaresto sa 2 pulis at 1 sibilyang sangkot sa pangongotong

Mahigit 100 indibidwal na biktima ng trafficking-in-persons sa Sulu, nasagip ng mga awtoridad

Nasa 128 biktima ng trafficking-in-persons ang nasagip ng mga tauhan ng Ministry of Social Services and Development o MSSD Sulu kahapon sa tulong ng mga tauhan mula sa 7th Special Action Battalion, Women’s and Children Protection Center Mindanao Field Unit, Criminal Investigation Detection Provincial Group Field Unit, WCPD Sulu PPO, 1st at 2nd Mobile Force… Continue reading Mahigit 100 indibidwal na biktima ng trafficking-in-persons sa Sulu, nasagip ng mga awtoridad

Magkapatid na suspek sa pagpatay ng pulis sa Rizal, naaresto sa Bulacan

Naaresto ng mga tauhan ng Rizal Provincial Police Office (PPO) sa operasyon sa Bulacan ang magkapatid na suspek sa pagpatay kay PSSg. Allan Guimpayan sa Taytay, Rizal noong September 7. Naaresto ang dalawa noong September 14 sa isang construction site sa San Jose Del Monte, Bulacan matapos ang tuloy-tuloy na follow-up operations ng operating unit… Continue reading Magkapatid na suspek sa pagpatay ng pulis sa Rizal, naaresto sa Bulacan

Hinihinalang shabu at marijuana, nasamsam sa loob ng Manila City Jail Annex

Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang Person Deprived of Liberty (PDL) matapos isagawa ang greyhound operation sa Manila City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City. Dahil dito, masasampahan uli ng panibagong kaso ang PDL na si Elymark Dela Cruz, 25 taong gulang dahil sa paglabag sa batas na Comprehensive Dangerous… Continue reading Hinihinalang shabu at marijuana, nasamsam sa loob ng Manila City Jail Annex

PNP Chief, nanawagan sa publiko na tumulong sa internal cleansing ng PNP

Nanawagan si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa mga mamamayan na tumulong sa internal cleansing program ng PNP sa pamamagitan ng pagsumbong sa mga tiwaling gawain ng mga pulis. Ang panawagan ay ginawa ng PNP Chief sa pulong balitaan ngayong umaga matapos maaresto ang dalawang pulis at isang sibilyan dahil sa kanilang pangongotong… Continue reading PNP Chief, nanawagan sa publiko na tumulong sa internal cleansing ng PNP

Metro Manila Council at matataas na opisyal ng PNP, nagpulong bilang paghahanda sa Barangay at SK Elections

Puspusan na ang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan at ng Philippine National Police (PNP) para sa idadaos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Kaugnay nito ay nagpulong sina Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora, PNP Chief Gen. Benjamin Acorda, NCRPO Chief Gen. Melencio Nartatez Jr., mga opisyal ng NCRPO,… Continue reading Metro Manila Council at matataas na opisyal ng PNP, nagpulong bilang paghahanda sa Barangay at SK Elections

Nabunyag na umano’y kulto sa bayan ng Socorro, Surigao del Norte, iimbestigahan ng PNP

Itinuturing na welcome development ng Philippine National Police (PNP) ang naging pagbubunyag ni Senator Riza Hontiveros hinggil sa umano’y kulto sa bayan ng Socorro, Surigao del Norte. Ayon kay PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr., kanilang iimbestigahan ang mga impormasyong inilahad ng senator sa kaniyang privileged speech sa Senado, kahapon. Sa pagbubunyag ni Hontiveros,… Continue reading Nabunyag na umano’y kulto sa bayan ng Socorro, Surigao del Norte, iimbestigahan ng PNP

Dating Pulis na matagal nang pinaghahanap ng batas, naaresto ng PNP Intelligence Group

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Intelligence Group ang isang dating pulis na matagal nang pinaghahanap ng batas. Sa ipinatawag na pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong hapon, kinilala ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. ang naturang pulis na si Joel Cosuelo Villanueva, na dating may ranggong SPO1. Ayon kay… Continue reading Dating Pulis na matagal nang pinaghahanap ng batas, naaresto ng PNP Intelligence Group

Tatlong indibidwal na nagbebenta ng registered SIM cards, inaresto ng NBI

Naaresto na ng National Bureau of Investigation- Cybercrime Division ang tatlong indibidwal na nagbebenta ng registered Subscriber Identity Module o SIM cards sa Pasay City at Las Piñas City. Unang dinakip ng NBI agents sa isang convenience store sa Malibay, Pasay City si Beverly Cruz. Sunod sina Keone Gabrielle Lebumfacil at Aljon Christian Reyes na… Continue reading Tatlong indibidwal na nagbebenta ng registered SIM cards, inaresto ng NBI