PNP, kinukumbinsiang ilang pamilya ng nawawalang mga sabungero kasunod ng panibagong development sa kaso

Umaasa ang Philippine National Police (PNP) na mabubuhayan muli ng loob ang ilan sa pamilya ng mga nawawalang sabungero para ipurisge ang paghahanap ng katarungan para sa kanilang mga kaanak Ito’y makaraang masakote ng Pulisya ang 6 sa mga itinuturong suspek sa umano’y pagdukot sa mga naturang sabungero noong isang linggo. Ayon kay PNP Public… Continue reading PNP, kinukumbinsiang ilang pamilya ng nawawalang mga sabungero kasunod ng panibagong development sa kaso

Kuha ng CCTV sa mga suspek sa pamamaril sa abogado sa Abra, inilabas ng PNP

Inilabas ng Philippine National Police (PNP) ang larawan mula sa CCTV footage ng mga suspek sa pamamaril at pagpatay kamakailan kay Atty. Maria Saniata Liwliwa Gonzales Alzate sa Abra. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, nanawagan si PNP Public Information Office Chief Police Police Colonel Jean Fajardo sa publiko, na tumulong sa pagkilala sa mga… Continue reading Kuha ng CCTV sa mga suspek sa pamamaril sa abogado sa Abra, inilabas ng PNP

Naaresto sa paglabag sa gun ban, nasa 682 na

Iniulat ni Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO) Chief Police Colonel Jean Fajarado, na umabot na sa 682 ang naaresto dahil sa paglabag sa gun ban. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Fajardo na ito ay batay sa datos ng PNP hanggang alas-11 kagabi. Umabot naman sa 422 ang mga nakumpiskang baril… Continue reading Naaresto sa paglabag sa gun ban, nasa 682 na

Dayuhan na nanakit ng airport police sa NAIA, arestado

Arestado ang isang American national matapos manuntok ng airport police at nanakal pa ng airport security sa NAIA terminal 3. Ayon kay Airport Police Chief Froilan Sanchez, nangyari ang insidente sa NAIA terminal 3 pasado alas-sais ng gabi kung saan bumaba ang suspek ng taxi mula Makati kung saan hinabol ito ng driver dahil hindi… Continue reading Dayuhan na nanakit ng airport police sa NAIA, arestado

PNP Chief, kumpiyansang mabilis na mareresolba ang kaso ng pagpatay sa isang lawyer sa Abra

Kumpiyansa si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Benjamin Acorda Jr., na mareresolba ng binuong Special Investigation Task Group (SITG) ang kaso ng pananambang at pagpatay sa isang lawyer sa Bangued, Abra. Sa pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong araw, sinabi ni Acorda na nakarating na sa kaniya ang insidente subalit ayaw muna niyang… Continue reading PNP Chief, kumpiyansang mabilis na mareresolba ang kaso ng pagpatay sa isang lawyer sa Abra

Validated election-related incidents, umakyat na sa 4 – PNP

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na umakyat na sa apat ang validated election-related incidents (ERI). Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, ang mga naturang insidente ng karahasan ay kumpirmadong may kaugnayan sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Kabilang sa validated ERIs ay ang insidente ng pamamaril… Continue reading Validated election-related incidents, umakyat na sa 4 – PNP

Nakatenggang promosyon ng 3rd level officers ng PNP, malapit nang maresolba

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na matutuloy ang promosyon ng mga 3rd level officer ng PNP na matagal nang nakatengga. Ito aniya ang pagtiyak na binigay mismo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., na personal na nagtungo sa Camp Crame para… Continue reading Nakatenggang promosyon ng 3rd level officers ng PNP, malapit nang maresolba

LTO at PNP, mas paiigtingin ang pagtutulungan vs. kriminalidad at road safety

Nagpulong ang Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police (PNP), upang mas paigtingin ang pagtutulungan laban sa kriminalidad at road safety. Kabilang sa natalakay sa pulong ay kung paano paiigtingin ng dalawang ahensya ang monitoring system sa mga sasakyan, partikular na ‘yung mga nagamit sa mga kriminal na aktibidad at sangkot sa insidente ng… Continue reading LTO at PNP, mas paiigtingin ang pagtutulungan vs. kriminalidad at road safety

Special Investigation Task Group sa pagpatay sa abugado sa Bangued, Abra, binuo ng PNP

Bumuo ng Special Investigation Task Group ang Philippine National Police (PNP) para tutukan ang kaso ng pamamaril at pagpatay kahapon kay Atty. Maria Sanita Liwlia Gonzales Alzate sa Bangued, Abra. Ayon kay Abra Provincial Police Office (PPO) Director Police Col. Froiland Lopez, nagsagawa na sila ng case conference sa pagpaptuloy ng imbestigasyon sa kaso. May… Continue reading Special Investigation Task Group sa pagpatay sa abugado sa Bangued, Abra, binuo ng PNP

Pulis na security sa kongreso, inaresto ng IMEG

Inaresto ng mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang pulis na naka-assign sa kongreso, dahil sa kasong rape. Kinilala ni IMEG Director Police Brig. General Warren de Leon ang suspek na si Patrolman Kemberly Cyd Cela na naka-assign bilang security police sa House of Representatives. Siya ay naaresto nitong Martes… Continue reading Pulis na security sa kongreso, inaresto ng IMEG