PNP, handang umalalay sa mga ahensyang magpapatupad ng EO 39

Handang tumulong ang Philippine National Police o PNP sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan partikular sa pagpapatupad ng Executive Order no. 39 o ang pagtatakda ng price cap sa bigas. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo, tanging pag-alalay ang maibibigay ng PNP sa mga kinauukulang ahensya sa sandaling magkasa sila ng… Continue reading PNP, handang umalalay sa mga ahensyang magpapatupad ng EO 39

8 pulis na nagpositibo sa confirmatory drug test ngayong 2023, sinibak na sa serbisyo

Kinumpirma ni PNP Public Information Office (PIO) Chief Police Col. Jean Fajardo na 8 pulis na nagpositibo sa confirmatory drug test sa taong ito ang sinibak na sa serbisyo. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Fajardo na dahil naalis sa serbisyo, hindi na makatatanggap ng benepisyo ang 8 mga pulis. Kasalukuyan aniyang nahaharap… Continue reading 8 pulis na nagpositibo sa confirmatory drug test ngayong 2023, sinibak na sa serbisyo

Barangay Chair sa Taal, Batangas, patay sa pamamaril

Patay matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek ang chairperson ng Barangay Poblacion Zone 10 sa Taal, Batangas. Sa ulat ng Taal Municipal Police Station (MPS) na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Erasmo Divino Hernandez. Base sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente kaninang 7:20 ng umaga habang nakaupo ang biktima… Continue reading Barangay Chair sa Taal, Batangas, patay sa pamamaril

PNP-ACG, binalaan ang publiko sa bagong ‘task scam’ sa social media

Binalaan ng Philippine National Police-Anti Cybercime Group (PNP-ACG) ang publiko na mag-ingat sa bagong “task scam” na lumalaganap sa social media. Ayon kay ACG Spokesperson Police Captain Michelle Sabino, target ng scam ang mga naghahanap ng trabaho o karagdagang kita online. Sa pamamagitan ng social media ads, pinapangakuan ng scammer ang mga biktima ng “easy… Continue reading PNP-ACG, binalaan ang publiko sa bagong ‘task scam’ sa social media

Ilang kandidato sa Barangay at SK Elections, nagpasaklolo na sa PNP para humingi ng dagdag proteksyon

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na may ilang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang lumalapit na sa kanilang tanggapan. Ito’y para humingi ng karagdagang seguridad dahil umano sa banta sa kanilang buhay at seguridad lalo na’t kung nasa lugar sila na may mainit na tunggaliang politikal habang papalapit ang halalan… Continue reading Ilang kandidato sa Barangay at SK Elections, nagpasaklolo na sa PNP para humingi ng dagdag proteksyon

24 na pulis, positibo sa confirmatory drug test

Umabot sa 24 na pulis ang nag-positibo sa confirmatory drug test ng PNP Forensic Group mula Enero hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan. Ayon kay Police BGen. Constancio Chinayog, hepe ng PNP Forensic Group, ito ay mula sa mahigit 115,000 mga pulis sa iba’t ibang panig ng bansa na naisailalim sa random drug testing sa loob… Continue reading 24 na pulis, positibo sa confirmatory drug test

Natanggap na retirement pay ng dating pulis na nanutok ng baril sa siklista, pinapasauli ng PNP

Pinapasauli ng Philippine National Police ang natanggap na retirement pay ni Wilfredo Gonzales, ang dating pulis na nanutok ng baril sa isang siklista sa Quezon City kamakailan. Sa pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PBGen. Nino David Rabaya, director ng PNP Retirement and Benefits Administration Service, na mahigit sa P500,000 ang dapat isauli ni Gonzales.… Continue reading Natanggap na retirement pay ng dating pulis na nanutok ng baril sa siklista, pinapasauli ng PNP

Dalawang suspek sa illegal detention at robbery extortion sa Pasay City, arestado

Arestado ang dalawang suspek sa isinagawang operasyon ng Pasay City Police hinggil sa illegal detention at robbery extortion sa isang Chinese na ikinulong sa isang hotel sa Pasay City. Ang kasama ng naturang Chinese national ay tumungo sa tanggapan ng station 3 ng Libertad Pasay Police precinct upang isumbong ang naturang insidente. Nahuli ang dalawang… Continue reading Dalawang suspek sa illegal detention at robbery extortion sa Pasay City, arestado

216 na indibidwal, nahuli ng PNP sa paglabag sa gun ban

Naaresto ng Philippine National Police (PNP) ang kabuuang 216 na indibidwal sa buong bansa na lumabag sa pagbabawal ng pagdadala ng armas at deadly weapons sa loob ng ang election period ng Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE). Base ito sa datos mula hatinggabi ng August 28 hanggang 11:59PM ng September 2 na inilabas ni… Continue reading 216 na indibidwal, nahuli ng PNP sa paglabag sa gun ban

Kagawad at miyembro ng CAGFU, arestado sa paglabag sa ‘gun ban’ sa Eastern Samar

Isang kagawad ng barangay at isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang inaresto ng Eastern Samar Police dahil sa paglabag sa umiiral na ‘gun ban’ kaugnay ng papalapit na BSKE. Unang naaresto sa checkpoint na inilatag ng Gen. MacArthur MPS noong Agosto 28, 2023 ang kagawad ng Brgy. Aguinaldo, na si Romeo… Continue reading Kagawad at miyembro ng CAGFU, arestado sa paglabag sa ‘gun ban’ sa Eastern Samar