PNP Chief, posibleng ma-extend ng isa pang taon

Posibleng ma-extend ng isang taon ang serbisyo ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. na nakatakdang magretiro sa darating na Disyembre. Ito’y kung maipapasa ang panukalang itaas sa 57 taon ang kasalukuyang mandatory retirement age ng PNP na 56 na taon. Sa pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng Police Service kahapon, kung saan… Continue reading PNP Chief, posibleng ma-extend ng isa pang taon

Mental health ng mga pulis, tututukan ng PNP; Kasunod ng shooting incident sa loob ng istasyon sa Taguig

Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang counselling sessions para sa mga pulis na may problema para matiyak ang kanilang mental health.  Ito ang sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa isang ambush interview sa Camp Crame, matapos pangunahan ang pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng Police Service.  Ang pahayag ay ginawa ng… Continue reading Mental health ng mga pulis, tututukan ng PNP; Kasunod ng shooting incident sa loob ng istasyon sa Taguig

Ika-122 police service anniversary, ipinagdiwang ngayong araw

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang pagdiriwang ng ika-122 founding anniversary ng ‘police service’ sa Camp Crame ngayong araw. Si Senate President Juan Miguel Zubiri ang panauhing pandangal sa okasyon na may temang “Nagkakaisang Pulisya at Pamayanan tungo sa Mapayapa at Maunlad na Bansa.” Sa kanyang talumpati, ibinida… Continue reading Ika-122 police service anniversary, ipinagdiwang ngayong araw

Drug den sa Bulacan, sinalakay ng PDEA at PNP; Lima, arestado

Nalansag na ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police ang drug den sa Barangay Kaypian, San Jose Del Monte City, Bulacan. Kasabay nito ang pagkaaresto sa limang drug suspects at pagkakumpiska ng shabu na nagkakahalaga ng P102, 000, drug paraphernalia at buy-bust money. Kinilala ang mga nahuling drug personality… Continue reading Drug den sa Bulacan, sinalakay ng PDEA at PNP; Lima, arestado

Mga vlogger na gumagawa ng prank video, binalaan ng PNP Chief

Binalaan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang mga lumilikha ng takot at kaguluhan sa publiko dahil sa prank video, na pananagutan nila ang kanilang mga ginawa. Ang babala ay ginawa ng PNP chief matapos arestuhin ng Las Piñas City Police Station ang tatlong sikat na vlogger na kilala bilang “Tukomi… Continue reading Mga vlogger na gumagawa ng prank video, binalaan ng PNP Chief

Kapakanan ng mga sundalo, tiniyak ng bagong Philippine Army Chief

Tiniyak ng bagong-upong Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido na palaging tutugunan ng organisasyon ang kapakanan ng mga sundalo. Ito ang inihayag ni Lieutenant General Galido matapos pormal na isalin sa kanya ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang pamunan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas sa… Continue reading Kapakanan ng mga sundalo, tiniyak ng bagong Philippine Army Chief

PNP, walang namo-monitor na banta sa seguridad kasabay ng pagdaraos ng FIBA World Cup sa bansa

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang maayos na latag ng seguridad para sa pag-host ng Pilipinas sa prestihiyosong FIBA World Cup, mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10 ng taong kasalukuyan. Ayon kay PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, sapat naman ang mga ipakakalat na tauhan ng iba’t ibang Police Regional at Provincial Offices sa… Continue reading PNP, walang namo-monitor na banta sa seguridad kasabay ng pagdaraos ng FIBA World Cup sa bansa

200 dating MILF at MNLF members, pasok sa “clean list” ng PNP recruitment

Pasado sa physical at mental examination ang 200 dating MILF at MNLF members na nag-apply para maging miyembro ng PNP. Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, ang 200 na nakapasok sa tinatawag na “clean list” ay mula sa 1,000 aplikante na nakapasa sa special eligibility examinations. Sinabi ni Fajardo na kailangan na lang… Continue reading 200 dating MILF at MNLF members, pasok sa “clean list” ng PNP recruitment

11k pulis, ide-deploy sa mga paaralan sa buong bansa para sa pagbubukas ng klase

Magdedeploy ang PNP ng 11,000 pulis sa mga paaralan sa buong bansa para sa pagbubukas ng klase sa Agosto 29. Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong umaga. Ayon kay Fajardo, bahagi ito ng kanilang ‘Oplan Balik Eskwela’, para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral… Continue reading 11k pulis, ide-deploy sa mga paaralan sa buong bansa para sa pagbubukas ng klase

PNP, nag-donate ng ₱3-M halaga ng relief goods sa mga apektadong pulis, residente sa mga binagyong rehiyon

Aabot na sa ₱3-milyong piso ang halaga ng relief goods na naipagkaloob ng Philippine National Police (PNP) sa mga pulis at residente sa mga rehiyon na apektado ng nagdaang bagyo. Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda, ito ay sa pamamagitan ng kanilang “Adopt a region program”. Nagpasalamat naman si Gen. Acorda at si… Continue reading PNP, nag-donate ng ₱3-M halaga ng relief goods sa mga apektadong pulis, residente sa mga binagyong rehiyon