Pulis ng Negros Occidental PNP na nanapak ng dalawang menor-de-edad sa Bacolod City, sinampahan na ng kaso

Sinampahan na ng kaso si P/Staff Sergeant Harry Gonzaga, ang pulis na nanapak sa dalawang menor-de-edad sa Brgy. 30, Bacolod City. Physical injuries in relation to violation of Republic Act 7610 ang isinampa ng Bacolod City Police Station 6 sa City Prosecutor’s Office laban sa suspek. Ayon kay Bacolod City Police Office Director P/Col. Noel… Continue reading Pulis ng Negros Occidental PNP na nanapak ng dalawang menor-de-edad sa Bacolod City, sinampahan na ng kaso

P3.4-M halaga ng shabu, nasakote sa operasyong isinagawa ng PRO-5 sa Naga City; Notorious na tulak ng droga, timbog

Nasakote ang nasa P3.4M halaga ng shabu sa isang malaking operasyong isinagawa ng Police Regional Office 5 sa Naga City noong Hulyo 16 sa Villa Obiedo Subdivision, Zone 7, San Rafael, Cararayan. Huli sa naturang operasyon ang suspek na kinilala na si Quincy Nieto y Masculino, 37 anyos, may asawa at nakatira sa Housing II,… Continue reading P3.4-M halaga ng shabu, nasakote sa operasyong isinagawa ng PRO-5 sa Naga City; Notorious na tulak ng droga, timbog

Mga Pulis Maynila na sangkot sa pangongotong, nakatakdang iharap kay PNP Chief Acorda

Nakatakdang iharap ng Presidential Anti-Origanized Crime Commission (PAOCC) kay Philippine National Police (PNP) Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr. ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na sangkot sa robbery-extrotion sa Sampaloc, Maynila. Ito ang kinumpirma ni PAOCC USec. Gilbert Cruz makaraang magpatulong sa kaniya ang mga inirereklamong pulis para sumuko kung saan, 3 lamang… Continue reading Mga Pulis Maynila na sangkot sa pangongotong, nakatakdang iharap kay PNP Chief Acorda

PNP at DICT, magtutulungan sa “digitalization” ng law enforcement operations

Lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Philippine National Police (PNP) at Department of Information and Communications Technology (DICT) para magtulungan sa “digitalization” ng Law enforcement Operations. Ang kasunduan ay nilagdaan ni PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr. at DICT Secretary Atty. Ivan John E. Uy kasunod ng flag-raising ceremony sa Camp Crame… Continue reading PNP at DICT, magtutulungan sa “digitalization” ng law enforcement operations

Manhunt operations sa limang pulis Maynila na sangkot sa robbery-extortion, inilunsad

Kasalukuyang nagsasagawa ng manhunt operations ang PNP sa limang pulis-Maynila na sangkot sa robbery-extortion ng isang computer shop sa sa Sampaloc, Maynila. Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, inatasan na rin ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at Intelligence Group (IG) na tumulong sa… Continue reading Manhunt operations sa limang pulis Maynila na sangkot sa robbery-extortion, inilunsad

Simulation exercises para sa SONA ng Pangulo, isasagawa ngayong linggo ayon sa PNP

Magsasagawa ng simulation exercises ang PNP ngayong linggo bilang paghahanda sa State of the Nation Address ng Pangulo sa susunod na Lunes. Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, kasama sa paghahanda ang pagsubok sa kanilang komunikasyon, occular inspection, walk-through sa areas of convergence, at clearing operations. Magkakaroon din ng dry-run sa seguridad na… Continue reading Simulation exercises para sa SONA ng Pangulo, isasagawa ngayong linggo ayon sa PNP

Crime index, bumaba ng 10 porsyento sa unang 6 na buwan ng 2023 kumpara sa nakalipas na taon

Iniulat ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na bumaba ang crime index ng 10 porsyento sa unang anim na buwan ng taon. Ayon kay Fajardo, 18,660 ang index crimes na naitala mula Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan, na mas mababa sa 20,765 na insidente ni iniulat sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.… Continue reading Crime index, bumaba ng 10 porsyento sa unang 6 na buwan ng 2023 kumpara sa nakalipas na taon

AFP, tutulong sa paghahanap sa 2 nawawalang aktibista

Tutulong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paghahanap sa dalawang nawawalang aktibista na si Dexter Capuyan at Gene Roz Jamil de Jesus. Ito ang sinabi ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, matapos na matanggap ng AFP at Philippine National Police (PNP) ang Writ of Habeas Corpus na inisyu ng korte para ilabas ang… Continue reading AFP, tutulong sa paghahanap sa 2 nawawalang aktibista

PNP, isasauli sa korte ang Writ of Habeas Corpus para sa 2 nawawalang aktibista bukas

Isasauli ng Philippine National Police (PNP) sa korte ang Writ of Habeas Corpus para sa dalawang nawawalang aktibista ngayong Martes, para iulat na wala sa kanilang kustodiya ang dalawa. Sa isang statement, nilinaw ng PNP na wala sa listahan ng mga Persons Under Police Custody ang mga aktibistang si Dexter Capuyan at Gene Roz Jamil… Continue reading PNP, isasauli sa korte ang Writ of Habeas Corpus para sa 2 nawawalang aktibista bukas

Panibagong balasahan sa PNP, muling ipatutupad

Panibagong balasahan sa PNP, muling ipatutupad Muling nagpatupad ng balasahan ang hanay ng Philippine National Police (PNP) epektibo ngayong araw. Batay sa inilabas na kautusan ni PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr, ililipat sa Office of the Chief PNP ang kasalukuyang Director ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na si P/BGen. Antonio Olaguera. Papalit kay… Continue reading Panibagong balasahan sa PNP, muling ipatutupad