6 na panukalang batas, inirekomenda ng Quad Committee bilang tugon sa mga iligal na aktibidad na resulta ng operasypn ng POGO

Ipinagpatuloy ng House Quad Committee ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa operasyon ng iligal na POGO sa bansa. Sa ika anim na pag-dinig ng komite, muling binigyang diin ni Quad Comm lead Chair Robert Ace Barbers na ginamit ng mga sindikato ang POGO para linisin ang kanilang pera. At ang nakakalungkot aniya dito ay nakipagsabwatan pa… Continue reading 6 na panukalang batas, inirekomenda ng Quad Committee bilang tugon sa mga iligal na aktibidad na resulta ng operasypn ng POGO

Mga dating PNP Chief, itinanggi ang umano’y pagkakasama sa payola sa POGO at may kinalaman sa pagpapatakas kay dating Bamban Mayor Alice Guo

Nagbigay ng kani-kanilang reaksyon ang mga dating pinuno ng Philippine National Police (PNP) sa usapin ng umano’y pagtanggap ng payola mula sa POGO gayundin ang umano’y nasa likod ng pagtakas ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ito’y makaraang ibunyag ni retired Commodore at PAGCOR Executive Raul Villanueva sa pagdinig ng Senado ang pagkakasangkot ng… Continue reading Mga dating PNP Chief, itinanggi ang umano’y pagkakasama sa payola sa POGO at may kinalaman sa pagpapatakas kay dating Bamban Mayor Alice Guo

Pulis at driver nito na sangkot sa pagkawala ng Beauty Queen na si Catherine Camilon ng Batangas, arestado na

Hawak na ngayon ng Balayan Municipal Police Station sa lalawigan ng Batangas ang pulis at driver nito na itinuturong nasa likod ng misteryosong pagkawala ng Beauty Queen na si Catherine Camilon. Ito’y makaraang maglunsad ng operasyon ang Pulisya laban kina dating Police Major Allan de Castro gayundin sa driver nito na si Jeffrey Magpantay sa… Continue reading Pulis at driver nito na sangkot sa pagkawala ng Beauty Queen na si Catherine Camilon ng Batangas, arestado na

Dating opisyal ng DBM na sangkot umano sa procurement anomaly, inaresto ng CIDG

Arestado ng mga tauhan ng Criminal Investigation Group (CIDG) si dating Executive Director ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) Atty. Lloyd Christopher Lao sa Ecoland, Davao kahapon. Sa ulat ni CIDG Director Police Major General Leo Francisco kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, si Lao ay inaresto sa bisa ng warrant… Continue reading Dating opisyal ng DBM na sangkot umano sa procurement anomaly, inaresto ng CIDG

PNP Chief sa field commanders: Tukuyin ang posibleng areas of concern sa susunod na halalan

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil ang lahat ng field commanders na tukuyin ang mga posibleng areas of concern sa 2025 National and Local Elections. Sinabi ni PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, na ang kautusan ay ibinigay ng PNP Chief sa huling Command Conference kahapon, bilang paghahanda… Continue reading PNP Chief sa field commanders: Tukuyin ang posibleng areas of concern sa susunod na halalan

MMDA traffic enforcer, binugbog habang nagsasagawa ng clearing operations sa Pasay City

Binugbog ang isang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Pasay City. Ayon kay MMDA Special Operations Group Strike Force Head Gabriel Go, nangyari ang insidente nang isinasagawa nila ang paghatak sa isang sasakyan na iligal na nakaparada sa kahabaan ng FB Harrison kaninang tanghali. Habang hinahatak ang sasakyan, lumapit ang suspek na vini-video… Continue reading MMDA traffic enforcer, binugbog habang nagsasagawa ng clearing operations sa Pasay City

P5.7-M halaga ng hinihinalang shabu na isinilid sa ‘Chinese tea bag’, nasamsam ng PDEA sa Oriental Mindoro

Nasa humigit kumulang limang kilo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang higit P5.7-M ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang buy bust operation sa Sitio Panlanao, Brgy. Sagana, Bongabong, Oriental Mindoro. Pinangunahan ang operasyon ng Regional Special Enforcement Team ng Philippine Drug Enforcement Agency at National Bureau of… Continue reading P5.7-M halaga ng hinihinalang shabu na isinilid sa ‘Chinese tea bag’, nasamsam ng PDEA sa Oriental Mindoro

Atty. Harry Roque, tinutugis ng special tracker teams ng PNP

Tuloy-tuloy ang paghahanap ng Philippine National Police (PNP) kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque, na ipanaaresto ng House Quad Committee. Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, bumuo ng mga special tracker team ang PNP na pinangungunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para maipatupad ang kautusan ng Kongresso. Hindi lang aniya… Continue reading Atty. Harry Roque, tinutugis ng special tracker teams ng PNP

Pagbaba ng bilang ng mga barko ng China sa WPS, dahil sa masamang panahon ayon sa AFP

Ipinaliwanag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na dala ng sama ng panahon ang dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS). Ito ang inihayag ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, RAdm. Roy Vincent Trinidad kasunod ng kanilang ulat na nabawasan pa ang bilang… Continue reading Pagbaba ng bilang ng mga barko ng China sa WPS, dahil sa masamang panahon ayon sa AFP

Mga tropa ng Phil. Army sa Cagayan, binati ng AFP sa pag nutralisa ng mataas na lider ng NPA

Personal na binati ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang mga tropa ng Philippine Army sa pagkaka-nutralisa ng mataas na NPA lider sa Cagayan at 2 iba pa noong Setyembre 11. Ito’y sa pagbisita ng AFP Chief sa tactical command post of the 95th Infantry Battalion at… Continue reading Mga tropa ng Phil. Army sa Cagayan, binati ng AFP sa pag nutralisa ng mataas na lider ng NPA