“Integration” ng MILF at MNLF members sa PNP, inaasahang makukumpleto ngayong taon

Inaasahang matatapos ang proseso ng “integration” sa PNP ng mga Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) bago matapos ang taon. Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo kasabay ng pagsabi na ang mga MILF at MNLF members na magiging miyembro ng PNP ay i-a-assign sa Police Regional… Continue reading “Integration” ng MILF at MNLF members sa PNP, inaasahang makukumpleto ngayong taon

Aksyon laban sa mga abusadong online lending agency, tiniyak ng PNP-ACG

Patuloy ang case-build up ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) laban sa mga abusadong online lending agency. Ito ang tiniyak ni Police Colonel Armel Gongona, Deputy Director for Administration ng PNP-ACG, matapos na dumulog sa kanilang tanggapan ang mga kinatawan ng mga biktima ng online lending operations. Kasama sa mga grupong nakipag-dayalogo sa ACG ang United… Continue reading Aksyon laban sa mga abusadong online lending agency, tiniyak ng PNP-ACG

Cavite Police Prov’l Office, 2 beses na nakapagtala ng zero percent sa 8 focus crimes ngayong buwan

Nakapagtala ang Cavite Police Provincial Office ng zero percent sa eight focus crimes nang dalawang beses ngayong buwan ng Hunyo. Ayon kay Police Lt. Col. Jack Angog, Deputy Provincial Director for Operations, noong 6AM ng June 20 hanggang 6AM ng June 21 ay walang naitalang insidente ng murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, car… Continue reading Cavite Police Prov’l Office, 2 beses na nakapagtala ng zero percent sa 8 focus crimes ngayong buwan

Pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mag-resign ang lahat ng Pulis, itinuturing na hamon ng PNP

Iginagalang ng Philippine National Police (PNP) ang naging sentimiyento ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasalukuyang Peace and Order sa bansa. Ito’y kasunod na rin ng iba’t ibang usaping kinahaharap ng Pambansang Pulisya partikular na ang pagkakadawit ng ilang Pulis sa kalakalan ng iligal na droga na siyang pinakamahigpit na kampaniya ng nakalipas na administrasyon.… Continue reading Pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mag-resign ang lahat ng Pulis, itinuturing na hamon ng PNP

NBI, naglabas ng pahayag sa pag-aresto sa isang detainee at anim pang NBI personnel

Sinisiguro ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi nito papahintulutan na mabahiran ng anumang pagtataksil sa tiwala ng publiko. Pahayag ito ng NBI matapos ang pag-aresto sa high profile inmate na si Jad Dera, at anim na tauhan ng kawanihan na sinasabing kasabwat nito. Sinibak na sa puwesto ang Chief ng Security Management Section… Continue reading NBI, naglabas ng pahayag sa pag-aresto sa isang detainee at anim pang NBI personnel

Mga miyembro ng MILF at MNLF na pumasa sa qualifying exam, sasalain pa bago makapasok sa PNP

Iniulat ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na 7,000 mula sa 11,000 miyembro ng Moro Islamic Liberaton Front (MILF) at Moro National Liberaton Front (MNLF) ang nakapasa sa special qualifying exam para maging miyembro ng PNP. Pero nilinaw ni Fajardo na sasalain pa ang mga ito bago tanggapin bilang mga pulis. Sa 7,000 aniyang… Continue reading Mga miyembro ng MILF at MNLF na pumasa sa qualifying exam, sasalain pa bago makapasok sa PNP

Kasong murder, isinampa laban sa 70 anyos na primary suspect sa pagpatay sa isang kasambahay sa Cabantian, Davao City

Nakita sa CCTV footage na hatak-hatak ang trolley sakay ang bangkay ng biktimang si Shiela Han-ay Lagsaway, 29 anyos na taga Don Marcelino, Davao Occidental.

Mahigit ₱400k halaga ng iligal na droga, nasamsam sa ikinasang buy-bust operation sa Pasig City

Arestado ang isang high-value drug suspect sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng Eastern Police District sa M. Conception Avenue, San Joaquin, Pasig City. Kinilala ang suspek na si Adrian Dela Cruz alias “Moy,” 25 taong gulang na residente ng Sta. Ana Kaliwa, Pateros. Matapos ang serye ng surveillance,… Continue reading Mahigit ₱400k halaga ng iligal na droga, nasamsam sa ikinasang buy-bust operation sa Pasig City

Pangalawang suspek sa pagpatay ng mamamahayag sa Calapan, Oriental Mindoro, wala pa ring warrant of arrest

Hinihintay na lang ng Philippine National Police (PNP) ang paglabas ng warrant para arestuhin ang pangalawang suspek sa pamamaril at pagpatay sa broadcaster na si Cresenciano Bunduquin. Ito ang paliwanag ni PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan, kung bakit hindi pa rin nahuhuli ang pinangalanang gunman na si Isabelo Bautista Jr.… Continue reading Pangalawang suspek sa pagpatay ng mamamahayag sa Calapan, Oriental Mindoro, wala pa ring warrant of arrest

NCRPO, naka-heightened alert para sa SONA

Naka-heightened alert status na ngayon ang buong puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Ito ay bilang paghahanda para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo 24. Ayon kay NCRPO Spokesperson, Police Lieutenant Colonel Luisito Andaya, aabot sa halos 23,000 Pulis ang ipakakalat sa iba’t… Continue reading NCRPO, naka-heightened alert para sa SONA