Threat assessment sa mga barangay official, isinasagawa ng PNP

Nagsasagawa na ng threat assessment ang PNP sa ilang mga opisyal ng barangay na nag-ulat na nakatanggap sila ng banta sa kanilang buhay. Ayon kay PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr. ang naturang mga opisyal ay bibigyan ng karampatang seguridad kung makumpirma na nahaharap sila sa “valid threat”. Sinabi naman ni Police Security and… Continue reading Threat assessment sa mga barangay official, isinasagawa ng PNP

Mga kandidato sa BSKE na magbabayad ng “campaign tax” ng NPA, binalaan ni PNP Chief

Inabisuhan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga kandidato sa darating na Baranggay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) na huwag magbibigay ng pera sa NPA. Sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong umaga, sinabi ng PNP Chief na tradisyunal na sinasamantala ng NPA ang eleksyon para makakolekta ng “permit you campaign” fee… Continue reading Mga kandidato sa BSKE na magbabayad ng “campaign tax” ng NPA, binalaan ni PNP Chief

Dayuhang estudyante, nalunod sa Lingayen, Pangasinan kagabi

Isang Nepalese student ang nalunod sa Brgy. Laois, Labrador, Pangasinan kagabi. Sa ulat ng Pangasinan PNP na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Shaurav Shrestha, 20 taong gulang. Base sa inisyal na imbestigasyon ng Labrador Municipal Police Station, nangyari ang insidente sa isang resort sa naturang bayan, habang lumalangoy ang biktima at… Continue reading Dayuhang estudyante, nalunod sa Lingayen, Pangasinan kagabi

100 NCRPO Reactionary Standby Support Force, nakaantabay na sa posibleng epekto ng bagyong Betty sa Metro Manila

Handa na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pinangangambahang pananalasa ng super bagyo, na mayroong international name na “Mawar” o Betty pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility (PAR). Kasunod nito, ipinag-utos ni NCRPO Director, Police Major General Edgar Alan Okubo, ang pagsasagawa ng inspeksyon at imbentaryo sa mga rescue vehicle at life-saving… Continue reading 100 NCRPO Reactionary Standby Support Force, nakaantabay na sa posibleng epekto ng bagyong Betty sa Metro Manila

TV sets sa lahat ng kampo at himpilan ng pulisya sa Metro Manila, pinatatanggal

Ipinag-utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Police Major General Edgar Allan Okubo sa lahat ng mga district at station commander sa Metro Manila na tanggalin ang mga television set na nakalagay sa lobby ng kanilang kampo at istasyon. Ito ayon kay Okubo ay para mapagtuunan ng pansin ng mga naka-duty na pulis… Continue reading TV sets sa lahat ng kampo at himpilan ng pulisya sa Metro Manila, pinatatanggal

Mahigit 430 barangay officials, may kaugnayan sa ilegal na droga ayon sa PNP Chief

Ibinunyag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na aktibong mino-monitor ngayon ng PNP ang mahigit 430 opisyal ng barangay na may kaugnayan sa ilegal na droga. Ito ang sinabi ng PNP Chief sa isang ambush interview, matapos dumalo sa BIDA Workplace Program ng Department of the Interior and Local Government… Continue reading Mahigit 430 barangay officials, may kaugnayan sa ilegal na droga ayon sa PNP Chief

Mas mataas na satisfaction rating, target ng PNP Chief

Target ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda higitan pa ang nakuhang 80 porsyentong Trust and Satisfaction Rating ng PNP sa First Quarter 2023 Tugon ng Masa survey ng OCTA Research. Ito ang sinabi ng PNP Chief sa isang ambush interview matapos panumpain sa tungkulin ang 606 na bagong kapitan at tinyente… Continue reading Mas mataas na satisfaction rating, target ng PNP Chief

Paggalang sa karapatang pantao sa Degamo investigation, pinanindigan ng PNP

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na ginalang nila ang karapatang pantao sa isinagawang imbestigasyon sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. Ito ay matapos na bawiin ng isa sa mga suspek na si Jhudiel Rivero alyas Osmundo Rivero ang kanyang sinumpaang salaysay, at sinabing tinorture siya para aminin ang kanyang partisipasyon sa krimen… Continue reading Paggalang sa karapatang pantao sa Degamo investigation, pinanindigan ng PNP

Umano’y kulang na bonus na natanggap ng ilang pulis, iimbestigahan ng PNP

Sisimulan na ng PNP ang imbestigasyon sa umano’y kulang na service recognition incentive (SRI) bonus na natanggap ng ilang mga pulis. Sa isang ambush interview kahapon, sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na makikipag-coordinate ang PNP kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. at sa iba pang… Continue reading Umano’y kulang na bonus na natanggap ng ilang pulis, iimbestigahan ng PNP

National Crime Prevention Program ng Pangulong Marcos Jr., puspusang ipinatutupad ng PNP

Puspusang ipinatutupad ng PNP ang 2023 National Crime Prevention Program na nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Mayo 2 sa pamamagitan ng Executive Order 19. Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na alinsunod sa plano, tinututukan ng PNP sa ngayon ang “Crime Prevention”. Ito’y sa pamamagitan ng pag-alis… Continue reading National Crime Prevention Program ng Pangulong Marcos Jr., puspusang ipinatutupad ng PNP