Internal Affairs Service ng PNP, nagsagawa ng field inspection sa Basulta

Pinangunahan ni Internal Affairs Service Inspector General Atty. Brigido Dulay ang comprehensive field inspection at audit ng mga provincial at city police office sa Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi o BASULTA islands. Ayon kay Dulay ang inspeksyon sa mga tanggapan ng pulis ay para ma-check ang kanilang operational readiness dahil sila ay nasa remote at isolated… Continue reading Internal Affairs Service ng PNP, nagsagawa ng field inspection sa Basulta

Paglutang ng karagdagang ebidensya laban kay Quiboloy, nagsimula na — PNP Chief

Kasalukuyang bineberipika ng Philippine National Police (PNP) ang mga nakalap na karagdagang impormasyon tungkol sa umano’y sistematikong pang-aabuso ni Pastor Apollo Quiboloy sa mga batang babae na nasa ilalim ng kanyang impluwensya. Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, kasabay ng pagsabi na ito palang ang simula para masiguro ang solidong… Continue reading Paglutang ng karagdagang ebidensya laban kay Quiboloy, nagsimula na — PNP Chief

Arraignment ni Quiboloy sa QC at Pasig RTC, plantsado na

Naresolba na ng Philippine National Police (PNP) ang conflict sa schedule ng arraignment sa Setyembre 13 ni Pastor Apollo Quiboloy  at mga kapwa akusado, sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) at Pasig RTC. Ayon kay PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, sa umaga ay pisikal na dadalo sa arraignment… Continue reading Arraignment ni Quiboloy sa QC at Pasig RTC, plantsado na

3 natatanging sundalo, pinarangalan ng Metrobank Foundation at AFP

Pinarangalan ng Metrobank Foundation at Armed Forces of the Philippines ang 3 natatanging sundalo sa presentasyon ng 2024 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos – Award for Soldiers (MFOFAS) sa Camp Aguinaldo. Ang presentasyon ay dinaluhan ni AFP Deputy Chief of Staff LtGen Charlton Sean M Gaerlan bilang panauhing pandangal at tagapagsalita. Sa kanyang mensahe, binati ni… Continue reading 3 natatanging sundalo, pinarangalan ng Metrobank Foundation at AFP

AFP at Indian Armed Forces, pinalakas ang kooperasyong pandepensa

Nagkasundo ang Armed Forces of the Philippines at Indian Armed Forces na palawakin ang kanilang kooperasyong pandepensa kasunod ng serye ng pagpupulong ng mga opisyal ng dalawang panig sa Camp Aguinaldo kahapon. Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang isinagawang 5th Joint Defense Cooperation Committee (JDCC) at 3rd Service-to-Service (STS) Meeting… Continue reading AFP at Indian Armed Forces, pinalakas ang kooperasyong pandepensa

AFP, handa sakaling magpasya ang korte na ilipat sa kanila ang kostudiya ni Pastor Apollo Quiboloy

Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipiit sa kanilang pasilidad si Kingdom of Jesus Christ Leader, Pastor Apollo Quiboloy at 4 na iba pa. Ito’y sa sandaling magpasya ang mga korte na humahawak ng kaso nila Quiboloy na pagbigyan ang hirit ng kampo nito na ilipat sa Kampo Aguinaldo ang kostudiya sa… Continue reading AFP, handa sakaling magpasya ang korte na ilipat sa kanila ang kostudiya ni Pastor Apollo Quiboloy

₱14-M reward sa ‘tipster’ na nagturo sa kinaroroonan ni Pastor Apollo Quiboloy at 4 na iba pa, ibibigay ng PNP

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kanilang ibibigay ang ₱14-na milyong pisong reward sa impormanteng positibong nagturo sa kinaroroonan nila Pastor Apollo Quiboloy at apat na kapwa akusado nito. Iyan ay matapos ibinunyag ng PNP na ang naturang “tipster” ang siyang nagsilbing daan upang matuldukan na ang nasa humigit kumulang na dalawang linggong operasyon… Continue reading ₱14-M reward sa ‘tipster’ na nagturo sa kinaroroonan ni Pastor Apollo Quiboloy at 4 na iba pa, ibibigay ng PNP

Seguridad ni Quiboloy sa loob ng custodial facility, tiniyak ng PNP

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo ang seguridad ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy, at iba pang high-profile inmate sa PNP Custodial Facility. Ayon kay Fajardo, magkakalayo at hindi nagkakakitaan ang mga detainee na nakapiit sa pasilidad. Sa katunayan ani Fajardo, tig-iisa silang… Continue reading Seguridad ni Quiboloy sa loob ng custodial facility, tiniyak ng PNP

Utos ng QC RTC na ilipat ng kustodiya si Quiboloy at mga kapwa-akusado, iaapela ng PNP

Mananatili sa PNP Custodial Center si Apollo Quiboloy sa kabila ng utos ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) na ilipat ng piitan ang Pastor at mga kapwa-akusado nito. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na ipaalam nila sa QC RTC Branch 106 na… Continue reading Utos ng QC RTC na ilipat ng kustodiya si Quiboloy at mga kapwa-akusado, iaapela ng PNP

BJMP, ituturing na ordinaryong preso si Pastor Apollo Quiboloy kung ililipat sa kanilang pasilidad

Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology – National Capital Region na ituturing nilang ordinaryong bilanggo si Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy kung ililipat sa kanilang pasilidad. Ito ang inihayag ni Bureau of Jail Management and Penology -National Capital Region Regional Director JCSupt Russel Clint Tangeres. Mahigpit ang tagubilin nito sa… Continue reading BJMP, ituturing na ordinaryong preso si Pastor Apollo Quiboloy kung ililipat sa kanilang pasilidad