Tatlo indibidwal, arestado sa pagbebenta ng iligal na mga paputok online, ayon sa PNP-ACG

Arestado ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group ang tatlong indibidwal na nagbebenta ng ipinagbabawal na paputok sa iba’t ibang social media platform. Ikinasa ang operasyon kasunod ng direktiba ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na paigtingin ang cyber patrolling laban sa ilegal na bentahan ng mga paputok online. Ayon kay PNP-ACG Spokesperson Lt.… Continue reading Tatlo indibidwal, arestado sa pagbebenta ng iligal na mga paputok online, ayon sa PNP-ACG

Halos 400 tauhan ng PNP nagbabantay sa 6 kilometer radius extended danger zone sa bulkang Kanlaon

Mahigpit na binabantayan ng Philippine National Police (PNP) ang paligid ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island, partikular na ang 6 kilometer radius extended danger zone. Ito ay para ipatupad ang ‘No Human Activity’ policy na layuning tiyaking walang makababalik na mga residente na una nang inilikas dahil sa pangambang dulot nito. Ayon sa PNP, aabot… Continue reading Halos 400 tauhan ng PNP nagbabantay sa 6 kilometer radius extended danger zone sa bulkang Kanlaon

Pagiging kampante, wala dapat lugar sa bagong liderato ng PAF – Pang. Marcos Jr.

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bagong Commanding General ng Philippine Air Force (PAF) na walang puwang sakanilang hanay ang pagpapaka-kampante. Sa Change of Command Ceremony ngayong araw (December 19) sa Villamor Airbase, sinabi ng pangulo na sa loob ng dalawang taon na pamumuno ni Lieutenant General Stephen ParreƱo, marami ang nagawa at… Continue reading Pagiging kampante, wala dapat lugar sa bagong liderato ng PAF – Pang. Marcos Jr.

Higit P63-M halaga ng illegal drugs, nasamsam sa isang dayuhang pasahero sa NAIA terminal 3

Arestado ng mga opisyal ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) sa Ninoy Aquino International Airport NAIA ang isang Zambian national matapos mahulihan ng 9,276 gramo ng illegal na droga sa kanyang laggage. Sa impormasyon natanggap ng nga otoridad, ang nasabing pasaherong kinilalang si Beatrice Mulauzi, 34 ng Hybrid… Continue reading Higit P63-M halaga ng illegal drugs, nasamsam sa isang dayuhang pasahero sa NAIA terminal 3

PNP, tiniyak ang buong suporta sa paglaban sa agricultural smuggling at hoarding sa bansa

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang buong suporta sa pagpapatupad ng Republic Act No. 12022 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act. Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, handa ang PNP na makipagtulungan sa iba’t ibang ahensya upang mahuli at mapanagot ang mga sangkot sa economic sabotage. Ani Marbil, dapat managot… Continue reading PNP, tiniyak ang buong suporta sa paglaban sa agricultural smuggling at hoarding sa bansa

Kapalaran ni Mary Jane Veloso, nasa kamay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr – DOJ

Ipinauubaya na ng Department of Justice (DoJ) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang magiging kapalaran ni Mary Jane Veloso. Ito’y kasunod na rin ng panawagan ng pamilya ni Mary Jane sa Pangulo na gawaran na lamang ito ng Executive Clemency matapos na maka-uwi sa Pilipinas para dito bunuin ang kaniyang sentensya. Ayon kay Justice… Continue reading Kapalaran ni Mary Jane Veloso, nasa kamay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr – DOJ

PNP, nanawagan sa publiko na tangkilikin lamang ang mga lehitimong tindahan ng paputok

Muling nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na sa mga lehitimong tindahan lamang bumili ng mga paputok bilang paghahanda sa pagsalubong ng Bagong Taon. Sa isinagawang inspeksyon ng PNP at Lokal na Pamahalaan ng Bulacan sa mga tindahan ng paputok ngayong araw, sinabi ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, na huwag… Continue reading PNP, nanawagan sa publiko na tangkilikin lamang ang mga lehitimong tindahan ng paputok

AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr, inikot ang iba’t ibang military units sa Central Luzon bago ang Pasko

Personal na binisita ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. ang mga AFP frontline unit bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang ika-89 na Anibersaryo. Kabilang sa mga binisita ni Gen. Brawner ang Special Operations Command (SOCOM), Special Forces Regiment (Airborne) [SFRA], Light Reaction Regiment (LRR), Army Aviation Regiment… Continue reading AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr, inikot ang iba’t ibang military units sa Central Luzon bago ang Pasko

Mary Jane Veloso, hindi poposasan pagdating nito sa bansa

Nakahanda ang Bureau of Corrections (BuCor) sa pagdating ni Mary Jane Veloso sa Correctional Institution for Women (CIW). Sa katunayan, mahigpit ang ipinatutupad na seguridad sa paligid ng piitan at hindi muna pinapasok ang mga miyembro ng media na magcocover sa pagdating ni Mary Jane. Walang media coverage ang pinayagan sa pagdating ni Mary Jane… Continue reading Mary Jane Veloso, hindi poposasan pagdating nito sa bansa

House Speaker, pinangunahan ang pagpapasinaya sa Bagong Bayaning Mandirigma Casualty and Cancer Care Center

Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang inagurasyon ng Bagong Bayaning Mandirigma (BBM) Casualty and Cancer Care Center sa V. Luna Medical Center. Sa kaniyang mensahe, iginiit ng House leader na hindi lang ito basta ospital ngunit isa ring tahanan ng pag-asa at simbolo ng malalim na pagtanaw ng pamahalaan sa sakripisyo at pagseserbisyo ng kasundaluhan… Continue reading House Speaker, pinangunahan ang pagpapasinaya sa Bagong Bayaning Mandirigma Casualty and Cancer Care Center