Mahigit 5,000 pulis tumutulong sa HADR operations sa mga nasalantang lugar

Photo courtesy of Philippine National Police PIO

Kasalukuyang tumutulong sa Humanitarian and Disaster Relief Operations (HADR) ang 5,234 na pulis sa iba’t ibang lugar na apektado ng bagyong Enteng at Habagat. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo karamihan sa bilang na ito ang naka-deploy sa mga evacuation center sa Region 4A, Bicol at National Capital Region (NCR).… Continue reading Mahigit 5,000 pulis tumutulong sa HADR operations sa mga nasalantang lugar

Reserve Force ng Phil. Army, pinaghahanda para sa “National Emergency”

Inatasan ni Philippine Army Chief Lt. General Roy Galido ang Reserve Command, Philippine Army (RCPA) na i-organisa ang kanilang reserve units para epektibong magampanan ang kanilang mandato na ipagtanggol ang bansa sa panahon ng giyera, rebelyon o anumang “national emergency”. Ito ang inihayag ni Lt. Gen. Galido sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng ika-41 Anibersaryo… Continue reading Reserve Force ng Phil. Army, pinaghahanda para sa “National Emergency”

Search and rescue teams ng PNP, naka-alerto sa Metro Manila

Naka-alerto ang 597 tauhan ng Search, Rescue and Retrieval Teams ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para rumesponde sa anumang kaganapan sa Metro Manila na dulot ng Bagyong Enteng. Ito ang tiniyak ni NCRPO Regional Director Police Maj. General Jose Melencio Nartatez Jr. kasabay ng pagsabi na kasalukuyang naka-deploy ang mahigit 400 pulis sa… Continue reading Search and rescue teams ng PNP, naka-alerto sa Metro Manila

PNP, bumuo ng ‘review panel’ para siyasatin ang mga alegasyon ni PLt.Col. Jovie Espenido sa kampanya vs iligal na droga

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGeneral Rommel Francisco Marbil ang pagbuo ng isang “review panel” na siyang mag-iimbestiga sa mga paratang ni Police Lt. Col. Jovie Espenido. Ito’y makaraang ibunyag ni Espenido ang umano’y “quota” at “reward” system sa hanay ng Pambansang Pulisya na may kaugnayan sa kampanya kontra iligal na droga na… Continue reading PNP, bumuo ng ‘review panel’ para siyasatin ang mga alegasyon ni PLt.Col. Jovie Espenido sa kampanya vs iligal na droga

2 opisyal ng PNP, 1 abogado, patay sa barilan sa Tagaytay City

Ipinag-utos ni Police Regional Office (PRO) Calabarzon Regional Director Police Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas ang malalimang imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang pulis opisyal at isang abogado sa barilan na nangyari kahapon sa Barangay Maitim 2nd Central, Tagaytay City. Kinilala ang mga nasawing opisyal na sina Police Captain Adrian Binalay ng Criminal Investigation and Detection… Continue reading 2 opisyal ng PNP, 1 abogado, patay sa barilan sa Tagaytay City

QCPD, nakapagtala ng pinakamalaking pagbaba sa bilang ng focus crimes kumpara sa ibang police districts sa NCR

Ipinagmalaki ng Quezon City Police District (QCPD) na nakapagtala ito ng malaking pagbaba sa walong focus crimes sa kanilang nasasakupan. Ito ang pinakamataas na pagbaba sa lahat ng limang distrito ng pulisya sa ilalim ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Kabilang sa walong focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, at… Continue reading QCPD, nakapagtala ng pinakamalaking pagbaba sa bilang ng focus crimes kumpara sa ibang police districts sa NCR

BuCor, tiniyak na walang kaso ng MPox sa kanilang mga piitan

Sinuguro ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr. na walang kaso ng MPox sa kanilang mga PDLs at sa mismong loob ng kanilang mga kulungan. Ayon kay catapang, mahigpit ang ginagawa nilang screening pagdating sa mga Persons Deprived with Liberty, gayundin sa tuwing may mga dalaw ang mga ito. Aniya, nakaalerto din ang… Continue reading BuCor, tiniyak na walang kaso ng MPox sa kanilang mga piitan

850 PDLs pinalaya ng Marcos administration sa loob ng nakaraang buwan

850 na Persons Deprived of Liberty ang napalaya ng Bureau of Corrections mulay July 19 hanggang August 30. Ito ay bahagi ng decongestion project ng BuCor at ng Marcos administration kung saan umaabot na sa mahigit 15k ang napalaya sa ilalim ng kasalukuyang pamunuan. Ayon kay BuCor DG Gregorio Catapang Jr., nasa 850 na PDLs,… Continue reading 850 PDLs pinalaya ng Marcos administration sa loob ng nakaraang buwan

Rotation para sa mga correction officers ng bilibid, mahigpit na ipatutupad ayon kay BuCor DG Catapang

Matapos ang insidente kung saan sangkot ang 2 PDL at 2 correction officers sa ilIgal na aktibidad, ipinag-utos na ni BuCor DG Gregorio Pio Catapang Jr. na magsasagawa na sila ng regular na rotation para sa mga tauhan nito na naka assigned sa mga PDLs. Ayon kay Catapang, kada labing limang araw ay kinakailangang palitan… Continue reading Rotation para sa mga correction officers ng bilibid, mahigpit na ipatutupad ayon kay BuCor DG Catapang

Deputization sa PNP at AFP, aprubado ni PBBM para sa gagawing plebisito sa pagbubukod ng anim na barangay sa Bagong Silang, Caloocan

Naglabas ng memorandum order ang Malacañang para sa pag- aapruba ng deputization pareho ng PNP at AFP kaugnay ng gagawing plebisito sa paghihiwalay ng anim na barangay sa Bagong Silang sa Caloocan. Sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 31 ay binigyan ng ‘go signal’ ng Pangulo ang hiling ng Commission on Elections En Banc para… Continue reading Deputization sa PNP at AFP, aprubado ni PBBM para sa gagawing plebisito sa pagbubukod ng anim na barangay sa Bagong Silang, Caloocan