Matataas na opisyal sa hanay ng PNP, muling isinailalim sa balasahan

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Rommel Francisco Marbil ang panibagong balasahan sa matataas na opisyal sa kanilang hanay. Epektibo ngayong araw, inilipat si Police Lt. Gen. Jonnel Estomo sa Area Police Command – Southern Luzon mula sa Area Police Command – Western Mindanao. Papalitan siya ni Police Maj. Gen. Bernard Banac na… Continue reading Matataas na opisyal sa hanay ng PNP, muling isinailalim sa balasahan

Operational readiness ng militar, tuloy- tuloy na palalakasin

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tuloy tuloy na suporta ng administrasyon sa hanay ng Armed Forces of the Philippines particular sa capability development nito. Sa talumpati ng Commander in Chief sa ika-77 anibersaryo ng Philippine Air Force sa Cesar Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga, sinabj nitong nagpapatuloy ang pagsisikap na madagdagan pa… Continue reading Operational readiness ng militar, tuloy- tuloy na palalakasin

PBBM, tiniyak na prayoridad ng kanyang Administrasyon ang kapakanan ng mga sundalo

Ginarantiya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa hanay ng AFP na kasama sa prayoridad ng kanyang administrasyon ang masigurong nasa maayos ang kalagayan ng mga sundalo. Ayon sa pangulo, titiyakin niyang naibibigay sa mga kawal ang pangangailangan nito lalo’t may kinalaman sa pangkalahatang kalusugan at kagalingan upang magampanan ng epektibo ang kanilang mga tungkulin.… Continue reading PBBM, tiniyak na prayoridad ng kanyang Administrasyon ang kapakanan ng mga sundalo

Getaway vehicle ng mga pinaniniwalaang suspek sa pagdukot sa Kapampangan Beauty Queen, natagpuan sa Tarlac City

Natunton ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang abandonadong SUV na hinihinalang ginamit na getaway vehicle ng mga dumukot sa Beauty Queen na si Geneva Lopez at nobyo niyang Israeli. Batay sa ulat ng CIDG, natagpuan ang kulay puting SUV sa inabandona sa gilid ng isang bahay sa Sitio Barbon,… Continue reading Getaway vehicle ng mga pinaniniwalaang suspek sa pagdukot sa Kapampangan Beauty Queen, natagpuan sa Tarlac City

1 Chinese national at 6 na Pinoy na sangkot sa human trafficiking syndicate, inaresto ng NBI

Arestado ng National Bureau of Investigation ang isang chinese national at anim pang pilipino sangkot sa human trafficking syndicate. Ayon kay Atty. Jeremy Lotoc, hepe ng NBI Cybercrime Division, nahuli ang mga suspek sa isang entrapment operation sa isang condominium sa Mother Ignacia sa Quezon City. Nasagip rin sa operasyon ang pitong menor de edad… Continue reading 1 Chinese national at 6 na Pinoy na sangkot sa human trafficiking syndicate, inaresto ng NBI

Mga opisyal ng AFP na naglinkod sa UN at peacekeeping missions, pinarangalan

Pinarangalan ngayong umaga sa Flag-raising Ceremony sa Camp Aguinaldo ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naglingkod sa United Nations at peacekeeping missions. Ginawaran ni AFP Deputy Chief of Staff LtGen Charlton Sean Gaerlan ng Distinguished Service Star si LtCol Noel Pataray, ang Deputy Military Adviser at Assistant Defense and Armed… Continue reading Mga opisyal ng AFP na naglinkod sa UN at peacekeeping missions, pinarangalan

85% ng PNP, pina-deploy ng PNP Chief sa ‘field duty’ para sa ‘public safety’

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil ang pag-deploy ng 85 porsyento ng pwersa ng PNP sa “field duty”. Ito’y para tiyakin ang seguridad ng publiko, kasabay ng pagpapatupad ng pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga, iligal na armas, at private armed groups (PAG) bilang paghahanda para sa 2025… Continue reading 85% ng PNP, pina-deploy ng PNP Chief sa ‘field duty’ para sa ‘public safety’

3 indibidual na gumagamit ng pangalan ng PNP Chief, inaresto ng CIDG sa GenSan

Naaresto kagabi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa General Santos City ang 3 indibidual na gumagamit ng pangalan ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil para makapanloko. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni CIDG Director PMGen Leo Franciso na dalawa sa mga naaresto, na hindi muna isinapubliko ang pangalan ay… Continue reading 3 indibidual na gumagamit ng pangalan ng PNP Chief, inaresto ng CIDG sa GenSan

3 matataas na opisyal ng PNP, binalasa

Tatlong matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang inilipat ng pwesto ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil. Kabilang dito si Police Brig. General Ponce Rogelio Ibasco Peñones Jr. na itinalaga bilang Deputy Regional Director for Operations ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Si Police Brig. General Wilson Daupan Soliba naman… Continue reading 3 matataas na opisyal ng PNP, binalasa

Ilocos Sur Police, naglatag ng checkpoints para sa possibleng nakalusot na shabu

Hindi isinasantabi ng Ilocos Sur Police ang posibilidad na may mga pakete na rin ng shabu na nakalusot sa kalupaan. Ito’y matapos matagpuan ang ika-apat na batch ng “floating shabu” sa karagatang sakop ng Ilocos Sur, na sa kabuuan ay umabot na sa 80 pakete. Ayon kay Ilocos Sur Provincial Director PCol Darnell Dulnuan, alinsunod… Continue reading Ilocos Sur Police, naglatag ng checkpoints para sa possibleng nakalusot na shabu