Panibagong insidente sa isinagawang RoRe mission ng militar sa Ayungin Shoal, tinuligsa ng NTF-WPS

Mariing kinondena ng National Security Council (NSC) at ng National Task Force for the West Philippine Sea ang pinakabagong insidente ng marahas at mapanganib na aksyon ng China. Ito’y kasunod ng pinakabagong Rotation at Re-supply mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) sa nakasadsad na BRP Sierra Madre… Continue reading Panibagong insidente sa isinagawang RoRe mission ng militar sa Ayungin Shoal, tinuligsa ng NTF-WPS

Pilipinas, Amerika, Japan at Canada nagsagawa ng 2nd Multilateral Maritime Cooperative Activity

Matagumpay na naisagawa noong Linggo, Hunyo 16, ang ikalawang multilateral maritime cooperative activity sa West Philippine Sea sa pagitan ng Philippine Navy ng Armed Forces of the Philippines (AFP), U.S. Navy, Japan Maritime Self-Defense Force, at Royal Canadian Navy. Kalahok sa ehersisyo ang Gregorio del Pilar-class patrol ship, BRP Andres Bonifacio, U.S. Navy Arleigh Burke-class… Continue reading Pilipinas, Amerika, Japan at Canada nagsagawa ng 2nd Multilateral Maritime Cooperative Activity

PNP Chief, ipinanawagan ang respeto at pang-unawa sa paggunita ng Eid’l Adha

Ipinanawagan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa lahat ng Pilipino na makiisa sa mga kapatid na Muslim sa paggunita ng Eid’l Adha nang may respeto at pang-unawa. Kasabay ito ng pagpapaabot ng pagbati ng buong PNP sa mga kapatid na Muslim sa pag-obserba ng “Feast of Sacrifice”. Sinabi ng… Continue reading PNP Chief, ipinanawagan ang respeto at pang-unawa sa paggunita ng Eid’l Adha

DOJ, sinisi si Pastor Apollo Quiboloy kung bakit naging marahas ang naging aksyon ng PNP para sya arestuhin

Itinuro ng Department of Justice si Pastor Apollo Quiboloy bilang responsable sa naging marahas na aksyon ng Philippine National Police sa pag-aresto noong nakaraang araw sa Davao City. Ayon kay Justice Undersecretary Raul Vasquez, hindi kagustuhan ng PNP na magkaroon ng gulo sa compound ng Kingdom of Jesus Christ. Kung isinusuko lamang daw ni Quiboloy… Continue reading DOJ, sinisi si Pastor Apollo Quiboloy kung bakit naging marahas ang naging aksyon ng PNP para sya arestuhin

Paglipat sa pwesto ng ilang matataas na opisyal ng PNP, dahil sa naganap na raid sa KOJC sa Davao

Kinumpirma ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na may kinalaman sa naganap na raid sa mga lugar ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao, ang paglipat sa pwesto ng ilang matataas na opisyal ng PNP. Ayon kay Fajardo, ito ay para bigyang daan ang patas na imbestigasyon sa nangyaring nabigong… Continue reading Paglipat sa pwesto ng ilang matataas na opisyal ng PNP, dahil sa naganap na raid sa KOJC sa Davao

Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nagtalaga ng bagong NBI director

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Manila RTC Judge Branch 3 Jaime Santiago bilang bagong director ng National Bureau of Investigation kapalit ni Medardo de Lemos. Nanumpa si Santiago kay Executive Secretary Lucas Bersamin. Si Santiago ay dating judge ng Manila RTC branch 3. Nagtapos ito ng abogasya sa Manuel L. Quezon… Continue reading Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nagtalaga ng bagong NBI director

Chinese military uniforms sa POGO sa Porac, kinikilala ng AFP na “authentic”

Kinikilala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pahayag ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) na “authentic” ang mga Chinese military uniform na natagpuan kamakailan sa ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa Porac, Pampangga na operator umano ng “scam-farm”. Ang pahayag ay ginawa ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, matapos… Continue reading Chinese military uniforms sa POGO sa Porac, kinikilala ng AFP na “authentic”

Phil. at US Marines, nagsanay sa Combat Care Tactics

Nagsagawa ng sabayang pagsasanay ang mga tropa ng Philippine Marine Corps (PMC) at US Marine Corps (USMC) sa “Tactical Combat Casualty Care” (TCCC) na bahagi ng Marine Aviation Support Activity (MASA) para sa taong kasalukuyan. Ayon kay PMC spokesperson Capt. Marites Alamil, ang TCCC na isinagawa noong Hunyo 12 sa Bonifacio Naval Station Grandstand, Taguig… Continue reading Phil. at US Marines, nagsanay sa Combat Care Tactics

Mga pulis na masisibak sa katiwalian, wala nang pag-asang makabalik sa PNP – Gen. Marbil

Tiniyak ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na hindi na makakabalik sa Philippine National Police (PNP) ang mga pulis na masisibak dahil sa katiwalian. Ayon sa PNP Chief, hindi siya makukuntento na masuspindi o ma-demote lang ang mga pulis na sangkot sa krimen kung hindi sisiguraduhin niya na matatanggal sila sa serbisyo at… Continue reading Mga pulis na masisibak sa katiwalian, wala nang pag-asang makabalik sa PNP – Gen. Marbil

PNP Chief, mas pabor sa “accountability” kaysa “one strike policy”

Mas pinapaboran ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang pagpapairal ng “accountability” sa hanay ng kapulisan, kaysa magpatupad ng “one strike policy” sa mga hepe ng mga pulis na nasasangkot sa anomalya. Ito ang inihayag ng PNP Chief isang ambush interview matapos dumalo sa pagpaparangal ng mga natatanging pulis sa… Continue reading PNP Chief, mas pabor sa “accountability” kaysa “one strike policy”