Police Escorts ng Foreign Nationals, inalis na ng NCRPO

Ipinag-utos na ni Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr. ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pag-recall ng lahat ng Police escorts ng foreign nationals lalo na ng mga Chinese.  Sa pulong-balitaan, sinabi ni Gen. Nartatez na ang mga pulis ay dapat nagbabantay sa taumbayan at hindi sa iilang mayayaman na mga dayuhan. … Continue reading Police Escorts ng Foreign Nationals, inalis na ng NCRPO

Maritime Security sa mga strategic island outpost, pinalakas ng NOLCOM

Pinangunahan ni NOLCOM Commander Lt. General Fernyl Buca ang site inspection at instalasyon ng Harris Radios sa mga Naval Detachment sa Mavulis, Fuga, at Calayan Islands mula noong araw ng Linggo hanggang ngayong araw. Ang pagbisita ni Lt. Gen. Buca kasama ang iba pang matataas na opisyal sa Mavulis island, ang pinaka-Hilagang isla ng bansa,… Continue reading Maritime Security sa mga strategic island outpost, pinalakas ng NOLCOM

AFP, nagpasalamat sa suporta ng Estados Unidos sa pagpapalakas ng kapabilidad

Nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Estados Unidos sa patuloy na suporta sa pagpapalakas ng kanilang kapabilidad. Ito ang ipinaabot ni AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Arthur Cordura kay U.S. Marine Corps Forces Pacific (MARFORPAC) Commander LtGen William Jurney sa pagbisita ng huli sa Camp Aguinaldo kahapon. Naging sentro ng… Continue reading AFP, nagpasalamat sa suporta ng Estados Unidos sa pagpapalakas ng kapabilidad

PNP, nagpalabas ng panuntunan hinggil sa pagkakaroon ng tattoo ng mga Pulis

Ipinag-utos ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na alisin ang lahat ng “visible tattoos” sa lahat ng pulis na mayroon nito. Iyan ang tinuran ni PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo alinsunod na rin sa Memorandum Circular 2024-023 na inaprubahan noon pang March 19 ng kasalukuyang taon. Kabilang sa mga tattoo… Continue reading PNP, nagpalabas ng panuntunan hinggil sa pagkakaroon ng tattoo ng mga Pulis

Partisipasyon ng SAF sa Balikatan, ibinida ng PNP Chief

Ibinida ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang partisipasyon ng PNP Special Action Force (SAF) sa Balikatan Exercise bilang demonstrasyon ng commitment ng PNP na palakasin ang kanilang “partnership” sa pagsulong ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon. Ayon kay Gen. Marbil handa ang PNP na makilahok sa pinakamalaking pagsasanay militar… Continue reading Partisipasyon ng SAF sa Balikatan, ibinida ng PNP Chief

Special Investigation Task Group sa pagpaslang sa Philippine Army major, binuo ng Bulacan PNP

Bumuo ang Bulacan Provincial Police Office (PPO) ng Philippine National Police (PNP) ng isang Special Investigation Task Group para tutukan ang kaso ng pamamaslang sa isang Philippine Army Major. Kinilala ni Bulacan PPO Director Police Colonel Relly Arnedo ang biktima na si Major Dennis Moreno, 41, may asawa, residente ng Barangay San Roque, Angat, Bulacan,… Continue reading Special Investigation Task Group sa pagpaslang sa Philippine Army major, binuo ng Bulacan PNP

WESCOM, handa na para sa Balikatan Exercise

Nakahanda na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command (WESCOM) sa pagsisimula ng Philippine-US Balikatan Exercise sa Lunes. Ang WESCOM ang magiging sentro ng dalawang major Combined Joint All Domain Operations events na kinabibilangan ng Training on Maritime Key Terrain Security Operations at High Mobility Artillery Rocket System Rapid Insertion Operations. Magkakaroon din… Continue reading WESCOM, handa na para sa Balikatan Exercise

Nirentahang bahay ng Canadian national na sangkot umano sa mahigit P9-B halaga ng nasabat na iligal na droga sa Batangas, sinalakay ng pulisya

Sinalakay ng mga operatiba ng Batangas Provincial Police Office – Drug Enforcement Unit ang nirerentahang bahay ng isang Canadian national na ini-uugnay sa nasabat na P9.6 bilyong halaga ng shabu sa Alitagtag, Batangas. Batay sa ulat ng Police Regional Office 4-A o CALABARZON na ipinarating sa Kampo Crame, nagsimula ang operasyon ala-1:20 ng madaling araw… Continue reading Nirentahang bahay ng Canadian national na sangkot umano sa mahigit P9-B halaga ng nasabat na iligal na droga sa Batangas, sinalakay ng pulisya

Philippine Coast Guard, maglalagay ng Radar Tower sa Candon Ilocos Sur

Naghahanda na ang Philippine Coast Guard sa paglalagay ng Radar Tower sa bayan ng Candon sa Ilocos Sur matapos itong pumirma sa deed of usufruct sa Pamahalaang Lokal. Ang pirmahan ng deed of usufruct ay pinangunahan ng Coat Guard District North Western Luzon at Candon City Mayor Eric Singson. Ayon kay Coast Guard Captain Ivan… Continue reading Philippine Coast Guard, maglalagay ng Radar Tower sa Candon Ilocos Sur

Mahigit P13-M na halaga ng shabu, nakumpiska sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA sa QC

Aabot sa P13.6 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City. Ito ay nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang suspek. Ang operasyon ay isinagawa sa Cloverleaf Mall sa Balintawak, Quezon City. Kinilala ang mga arestado na sina Arnold Zaragoza Armamento, 49 taong… Continue reading Mahigit P13-M na halaga ng shabu, nakumpiska sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA sa QC