P2-million na halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa isang buy-bust operation sa Davao City

Nasamsam ang lampas P2-million na halaga ng pinaniniwalaang shabu mula sa itinuturing na number one sa high value target list sa Davao City, matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga pulis nitong Biyernes ng gabi (Hunyo 23, 2023). Sa pahayag na inilabas ng Davao City Police Office (DCPO), kinilala nito ang suspek na si Kurt… Continue reading P2-million na halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa isang buy-bust operation sa Davao City

Calatagan, Batangas, niyanig ng lindol kaninang madaling araw -PHIVOLCS

Bandang alas-3:11 ng madaling araw nang yanigin ng magnitude 4.3 ang bayan ng Calatagan sa Batangas. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang pagyanig ay naramdaman din sa ilang lugar sa Cavite, Oriental at Occidental Mindoro. Natunton ang epicenter ng lindol sa layong 17 kilometro sa Timog-Kanluran ng Calatagan. May lalim na… Continue reading Calatagan, Batangas, niyanig ng lindol kaninang madaling araw -PHIVOLCS

Bagong consular office ng DFA, binuksan sa Zamboanga City

Pormal nang binuksan ng Department of Foreign Affars (DFA) ang kanilang Consular Office sa Pagadian City, Zamboanga del Sur. Ayon sa DFA, binuksan ang kanilang Consular Office kaalinsabay ng ika-54 na Charter Anniversary ng lungsod. Ayon kay DFA Undersecretary for Civilian Security and Consular Affairs Jesus Domingo, itinuturing nilang strategic ang Consular Office sa Pagadian… Continue reading Bagong consular office ng DFA, binuksan sa Zamboanga City

Anti-drug campaign na BIDA Program ng DILG, umarangkada sa Pola, Oriental Mindoro

Dinala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang anti-drug campaign nito na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan o BIDA Program sa Pola, Oriental Mindoro. Nagsagawa ng feeding program sa lokal na pamahalaan at namahagi ng mga tsinelas sa mga Mangyan. Nasa 250 mga Mangyan ang nakatanggap ng BIDA slippers, habang 520 na daycare… Continue reading Anti-drug campaign na BIDA Program ng DILG, umarangkada sa Pola, Oriental Mindoro

CHED, pinaiimbestigahan ang reklamo ng 2 estudyante ng Pamantasan ng Cabuyao na ‘di pinayagang maka-graduate

Inatasan na ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero De Vera III, na imbestigahan ang reklamo ng dalawang estudyante na hindi pinayagang maka-graduate ng Pamantasan ng Cabuyao. Ito ay matapos na matukoy na ang dalawang mag-aaral ang manager ng Facebook page na PNC Secret Files na pumupuna sa mga pamamalakad ng pamantasan. Ayon kay… Continue reading CHED, pinaiimbestigahan ang reklamo ng 2 estudyante ng Pamantasan ng Cabuyao na ‘di pinayagang maka-graduate

Project “Univisity” ng NOLCOM vs. NPA recruitment sa mga paaralan, isinagawa sa Nueva Ecija

Aktibong nakilahok ang libo-libong Senior at Junior High School Students mula sa General Tinio, Nueva Ecija sa Project “Univisity” ng Northern Luzon Command (NOLCOM). Ang project “Univisity” ay bahagi ng National Security Awareness drive ng NOLCOM, sa tulong ng Situational Awareness and Knowledge Management (SAKM) Cluster ng Regional Task Force to End Local Communist Armed… Continue reading Project “Univisity” ng NOLCOM vs. NPA recruitment sa mga paaralan, isinagawa sa Nueva Ecija

600 magsasaka sa Butuan City, nagka-internet sa unang pagkakataon sa tulong ng USAID

Naglunsad ang Estados Unidos sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID) ng tatlong rural internet network sa Butuan City, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Information and Communications Technology (ICT) Month. Sa pamamagitan ng proyekto, nagkaroon ng access sa internet sa unang pagkakataon ang 600 magsasagakang miymebro ng KM7 Farmers Producers Cooperative… Continue reading 600 magsasaka sa Butuan City, nagka-internet sa unang pagkakataon sa tulong ng USAID

6,000 sako ng hindi dokumentadong bigas, nasabat ng Naval Forces Western Mindanao sa Tawi-Tawi

Nasabat ng mga tropa ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) ang anim na libong sako ng hindi dokumendtadong bigas na karga ng motorized vessel (MV) Katrina V sa karagatan ng Bongao, Tawi-Tawi. Natagpuan ang bigas nang magsagawa ng regular na safety inspection ang NFWM sa MV Katrina, habang nagpapatrolya sa bisinidad ng Papahag Island, Tawi-Tawi.… Continue reading 6,000 sako ng hindi dokumentadong bigas, nasabat ng Naval Forces Western Mindanao sa Tawi-Tawi

Pagkumpirma ng PNP na NPA ang responsable sa Himamaylan Massacre, malugod na tinanggap ng Phil. Army

Malugod na tinanggap ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army ang pag-kumpirma ng PNP na ang NPA ang responsable sa tinaguriang Himamaylan Massacre. Dito’y apat na miyembro ng pamilya Fausto ang brutal na pinatay sa kanilang tahanan Sitio Kangkiling, Barangay Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental noong nakaraang linggo. Ayon kay Lt. Col. Vicel Jan Garsuta,… Continue reading Pagkumpirma ng PNP na NPA ang responsable sa Himamaylan Massacre, malugod na tinanggap ng Phil. Army

OVP, namahagi ng tulong sa mga residenteng apektado ng pag-aalburoto ng Mayon

Nagsagawa ng relief operations ang Office of the Vice President o OVP sa lalawigan ng Albay. Ito ay para mabigyan ng tulong ang mga residenteng inilikas sa mga evacuation center na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Katuwang ng OVP ang Daraga Philippine National Police Mayon Response Team sa pamamahagi ng tulong sa iba’t ibang… Continue reading OVP, namahagi ng tulong sa mga residenteng apektado ng pag-aalburoto ng Mayon