Kalayaan Job Fair sa Davao City nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang isinasagawang Kalayaan Job Fair sa dito sa SM SM City Davao Annex Event Center sa Davao City. Sa update mula sa Department of Labor & Employment (DOLE) XI as of 1pm, umabot na sa 37 ang hired on the spot at 15 ang ‘near hire applicants’, ito ang job seekers na kinokonsiderang hired subalit… Continue reading Kalayaan Job Fair sa Davao City nagpapatuloy

World Day Against Child Labor, ginunita sa Brgy. Inayawan lungsod ng Cebu

Ang aktibidad ay pinanguhan mismo ni Department of Labor and Employment Region VII Director Lilia Estillore. Pinangunahan rin ni Director Estillore ang isinagawang Commitment Signing para sa pagprotekta sa kapakanan at kaligtasan ng mga bata. Nasa 100 na mga profiled child laborer na nasa edad 7-12 taong gulang na mula sa Brgy. Inayawan ang hinandugan… Continue reading World Day Against Child Labor, ginunita sa Brgy. Inayawan lungsod ng Cebu

Higit 4k trabaho, binuksan sa Independence Job Fair sa Pampanga

28 kumpanya ang nakilahok sa Independence Day Job Fair na ginaganap sa SM Telabastagan, sa San Fernando, Pampanga. Maliban pa ito sa allied services gaya ng Philippine Statistics Authority, BIR, SSS, Pag-IBIG at TESDA. Nasa 4,350 job vacancies naman ang maaari aplayan ng mga taga-Pampanga na naghahanap ng trabaho. Ilan sa mga trabahong ito ay… Continue reading Higit 4k trabaho, binuksan sa Independence Job Fair sa Pampanga

Lava flow, na-monitor na ng PHIVOLCS sa Bulkang Mayon

Nagsimula na ang lava flow activity o pag-agos ng mainit na lava mula sa crater summit ng Bulkang Mayon, ayon yan sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Batay sa 24-hour monitoring nito, aabot sa 21 volcanic earthquakes ang naitala sa bulkan. Umakyat rin sa 260 ang rockfall events at mayroong tatlong… Continue reading Lava flow, na-monitor na ng PHIVOLCS sa Bulkang Mayon

Pagtaas ng bilang ng pagyanig sa Bulkang Taal, di dapat ikabahala — PHIVOLCS

Nakapagtala ng 11 volcanic earthquakes kabilang na ang pitong volcanic tremors ang Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras. Hindi hamak na mas mataas ito sa apat lamang na volcanic earthquakes na naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa inilabas na summary report nito kahapon. Wala namang dapat ipag-alala ayon kay Science Research… Continue reading Pagtaas ng bilang ng pagyanig sa Bulkang Taal, di dapat ikabahala — PHIVOLCS

UAE gov’t, nagpadala ng humanitarian aid sa mga apektado ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano sa Albay

Nagpadala ang bansang United Arab Emirates (UAE) ng humanitarian aid na may lamang pagkain at gamot para sa mga Pilipinong apektado ng pagputok ng Bulkang Mayon sa Albay. Pinangunahan nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Rex Gatchalian, at Transportation Secretary Jaime Bautista… Continue reading UAE gov’t, nagpadala ng humanitarian aid sa mga apektado ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano sa Albay

Halos 35,000 indibidwal, apektado na ng pagtaas ng aktibidad ng Bulkang Mayon — DSWD

Aabot na sa higit 8,000 pamilya o katumbas ng halos 35,000 indibidwal ang apektado ng abnormal na aktibidad ng Bulkang Mayon, batay sa pinakahuling datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of June 11. Mula ito sa 26 na barangay na karamihan ay nasa… Continue reading Halos 35,000 indibidwal, apektado na ng pagtaas ng aktibidad ng Bulkang Mayon — DSWD

DTI Albay nag-abiso sa pagpapatupad ng price freeze bunsod ng paglagay sa state of calamity at pagtaas ng alert level ng Mayon

Alinsunod ng pagtaas sa alert level status 3 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Mayon at pagsasailalim sa lalawigan sa State of Calamity noong Biyernes, June 9 ay nagpalabas naman ng abiso ang ahensya ng Department of Trade and Industry (DTI) ukol sa pagpapatupad ng price freeze sa lahat ng pamilihan… Continue reading DTI Albay nag-abiso sa pagpapatupad ng price freeze bunsod ng paglagay sa state of calamity at pagtaas ng alert level ng Mayon

Dating Gobernador Guido Reyes ng Negros Oriental inilibing na

Inihatid na sa kaniyang huling hantungan ang namayapang gobernador ng lalawigan ng Negros Oriental Sabado, Hunyo 10, 2023. Alas-2:00 ng hapon inilibing si Governor Carlo Jorge Joan Reyes sa syudad ng Guihulngan, ang bayang sinilangan ni Reyes, matapos isagawa ang funeral mass sa Nuestra Senora del Buensuceso Parish. Personal na dumalo sa libing ang mga… Continue reading Dating Gobernador Guido Reyes ng Negros Oriental inilibing na

Bilang ng mga lumikas mula sa mga bayan at lungsod sa paligid ng bulkang Mayon, halos 12k katao na

Batay sa pinakahuling talaan ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), aabot na sa 12,000 mga evacuees o halos 4,000 pamilya mula sa paligid ng Bulkang Mayon ang nailikas na matapos ilagay ang bulkan sa Alert level 3.  Ito ang report mula sa 3 lungsod at 6 na bayan sa loob ng 6km… Continue reading Bilang ng mga lumikas mula sa mga bayan at lungsod sa paligid ng bulkang Mayon, halos 12k katao na