Mga na-displace dahil sa bakbakan sa Sulu, mahigit 6,000 na

Nasa 1,174 na pamilya o 6,455 na indibidwal na ang nagsilikas dahil sa bakbakan na naganap nitong Sabado sa Maimbung, Sulu sa pagitan ng armadong grupo ni dating Vice Mayor Pando Mudjasan at mga tropa ng PNP at AFP na nagtangkang magsibli ng arrest at search warrant. Sa ulat na inilabas ni PNP Public Information… Continue reading Mga na-displace dahil sa bakbakan sa Sulu, mahigit 6,000 na

Philippine Looper na si Salas, muling bumisita sa Sulu upang isulong ang kaniyang adbokasiya

Muling bumisita sa Sulu ang sikat na Philippine Looper na si Victor Salas upang isulong ang kaniyang adbokasiya na gawing adventure destination ang lalawigan. Kasabay nito ani Salas, isasailalim niya sa pagsasanay ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan at tourism sa paggawa ng kuwintas na maaring ibenta sa mga lugar na dinarayo ng mga… Continue reading Philippine Looper na si Salas, muling bumisita sa Sulu upang isulong ang kaniyang adbokasiya

Ayuda para sa mahigit 1K pamilya ng mga bakwit sa bayan ng Maimbung, Sulu, nagpapatuloy

Nagkaloob na rin ngayong araw ng welfare goods ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) Sulu sa mga bakwit na pansamantalng nanunuluyan sa tatlong evacuation center sa bayan ng Maimbung, Sulu. Ayon kay Imelda Kangiluhan, Provincial Social Welfare Officer ng MSSD Sulu, nasa 343 pamilya sa Matatal Elementary School sa barangay Matatal at 69… Continue reading Ayuda para sa mahigit 1K pamilya ng mga bakwit sa bayan ng Maimbung, Sulu, nagpapatuloy

Bahay sa Cebu City, tinangay ng gumuhong lupa, 45 indibidwal inilikas

Isang bahay ang nasira matapos matangay ng gumuhong lupa sa Sito Upper Cantipla, Brgy. Sudlon II, isang bukirang barangay sa lungsod ng Cebu. Ayon kay Ramil Ayuman, special assistant ni Cebu City Mayor Michael Rama, ang nasirang bahay ay pagmamay-ari ni Junel Borres. Dagdag pa ni Ayuman na maliban sa nasirang bahay, pinangangambahan ring maapektuhan… Continue reading Bahay sa Cebu City, tinangay ng gumuhong lupa, 45 indibidwal inilikas

DSWD, nakapaghatid na ng ₱3.2-M halaga ng ayuda sa mga naapektuhan ng pagbaha sa SOCCSKSARGEN

Aabot na sa ₱3.2-M ang halaga ng relief assistance na nailaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa SOCCSKSARGEN region bunsod ng pag-iral ng ITCZ mula noong nakaraang linggo. Kabilang sa ipinamahagi ng ahensya ang family food packs at non-food items na ipinadala bilang resource augmentation sa… Continue reading DSWD, nakapaghatid na ng ₱3.2-M halaga ng ayuda sa mga naapektuhan ng pagbaha sa SOCCSKSARGEN

Iba pang paaralan na nagsisilbing evacuation center sa Albay, pinalgyan na ng water supply system

Patuloy na kumikilos ang Ako Bicol partylist para mapalagyan ng suplay ng tubig ang iba’t ibang paaralan na ginagamit ngayong evacuation center sa Albay. Ayon kay Ako Bicol partylist Rep. Elizaldy Co, sinimulan na nila ang pagtatayo ng Level 1 Water Supply system sa Guinobatan Community College na kasalukuyang pansamantalang tahanan ng nasa 2,000 evacuees.… Continue reading Iba pang paaralan na nagsisilbing evacuation center sa Albay, pinalgyan na ng water supply system

Maimbung, Sulu, selyado na ng militar kasunod ng bakbakan sa pagitan ng grupo ng dating vice mayor laban sa PNP at AFP

Selyado na ng militar ang Maimbung, Sulu kasunod ng bakbakan nitong Sabado sa Brgy. Bualo Lipid , sa pagitan armadong grupo ni dating Maimbung Vice mayor Pando Mudjasan at mga tropa ng PNP at AFP na nagtangkang magsibli ng arrest at search warrant. Ayon kay 1101st Infantry Brigade Commander Brig. General Eugenio Boquio, ang pag… Continue reading Maimbung, Sulu, selyado na ng militar kasunod ng bakbakan sa pagitan ng grupo ng dating vice mayor laban sa PNP at AFP

Mga residenteng lumikas dahil sa bakbakan sa Maimbung, pinayuhan ng PNP na ‘wag munang bumalik

Pinayuhan ng Philippine National Police ang mga residente ng Brgy. Bualo Lipid, Maimbung Sulu na nagsilikas dahil sa bakbakan sa pagitan ng mga pwersa ng pamahalaan at armadong grupo ni dating Maimbung Vice Mayor Pando Mudjasan, na huwag munang bumalik sa lugar. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan, ito’y… Continue reading Mga residenteng lumikas dahil sa bakbakan sa Maimbung, pinayuhan ng PNP na ‘wag munang bumalik

‘Integration’ ng dating MILF at MNLF fighters sa PNP, pinuri ni OPAPRU Sec. Galvez

Pinuri ni Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. ang “integration” sa Philippine National Police ng mga dating mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) bilang testamento ng commitment ng pamahalaan sa Bangsamoro Peace Process. Ayon kay Galvez, ang pagpasok ng… Continue reading ‘Integration’ ng dating MILF at MNLF fighters sa PNP, pinuri ni OPAPRU Sec. Galvez

Higit 100 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Mayon

Iniulat ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mataas na bilang ng volcanic earthquakes na na-detect sa Mayon Volcano sa nakalipas na 24-oras. Batay sa pinakahuling report ng PHIVOLCS, mayroong kabuuang 102 volcanic earthquakes ang naitala ngayon sa bulkan, na malayo sa 24 na volcanic earthquakes kahapon. Umakyat rin sa 263 na… Continue reading Higit 100 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Mayon