Pagsiguro sa kaligtasan ng mga biyahero sa lalawigan ng Batanes ngayong Holy Week, tiniyak ng PCG

Kaugnay sa Oplan Biyaheng Ayos ngayong Semana Santa, naka-heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) Batanes upang siguruhin ang kaligtasan ng mga biyahero sa lalawigan ngayong Holy Week. Regular ang mahigpit na ginagawang pagbabantay at inspeksyon ng PCG sa mga pantalan sa lalawigan ng Batanes. Mayroon ding K-9 units ang PCG na katulong sa pag-iinspeksyon… Continue reading Pagsiguro sa kaligtasan ng mga biyahero sa lalawigan ng Batanes ngayong Holy Week, tiniyak ng PCG

Trak na may dalang relief goods, naaksidente sa Maragusan, Davao de Oro

Agad na dinala sa Davao de Oro Provincial Hospital sa bayan ng Maragusan ang 10 sakay kabilang na ang driver ng isang trak matapos itong matumba sa Purok Managhiusa, Barangay Tandik, Maragusan, Davao de Oro. Sa impormasyon mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, kasama ng driver na si Adrian Buhat, 50 anyos,… Continue reading Trak na may dalang relief goods, naaksidente sa Maragusan, Davao de Oro

200 drivers, konduktor sa Davao City, isinailalim sa surprise drug test

Isinailalim sa surprise drug test ang nasa 200 drivers at konduktor sa Davao City Overland Transport Terminal (DCOTT) bilang bahagi ng Oplan Harabas at paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Holy Week. Maliban sa drug test, ininspeksyon rin ang mga Public Utility Bus (PUB) upang masiguro na nasa mabuti ang kondisyon ng mga… Continue reading 200 drivers, konduktor sa Davao City, isinailalim sa surprise drug test

Bahay kanlungan para sa mga dating rebelde, ipinagkaloob ng DND, DILG sa pamahalaan ng Negros Oriental

Pinangunahan ng Department of National Defense (DND) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang pag-turn over sa Pamahalaang Panlalawigan ng Negros Oriental ng kauna-unahang bahay kanlungan para sa mga dating rebelde na itinayo sa Rehiyon 6 at 7. Ang nasabing bahay kanlungan, na may limang kuwarto ay itinayo sa 200 metro kwadradong lote… Continue reading Bahay kanlungan para sa mga dating rebelde, ipinagkaloob ng DND, DILG sa pamahalaan ng Negros Oriental

Pagkakaaresto sa isa sa mga mastermind, susi sa pagresolba sa kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Degamo

Unti-unti nang nabubuo ang kuwento sa nangyaring pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa walong iba pa. Ito ang inihayag ng binuong Special Task Force Degamo Chairperson at DILG Secretary Benhur Abalos Jr. kasunod ng pagkaka-aresto ng isa sa mga itinuturong mastermind sa kaso na si Marvin Miranda. Ayon kay Abalos, kung babalikan… Continue reading Pagkakaaresto sa isa sa mga mastermind, susi sa pagresolba sa kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Degamo

Faulty electrical wiring, tinitingnang sanhi ng pagkasunog ng M/V Lady Mary Joy 3 ayon sa BFP

Tinitingnan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Manila Arson Team na faulty electrical wiring ang naging sanhi ng pagkasunog ng M/V Lady Mary Joy 3 ng Aleson Shipping Lines sa karagatan ng Baluk-Baluk Island sa probinsya ng Basilan. Ayon kay Basilan BFP Chief Sr. Supt. Kadil Acalul, bahagya na nilang itinigil ang kanilang imbestigasyon sa… Continue reading Faulty electrical wiring, tinitingnang sanhi ng pagkasunog ng M/V Lady Mary Joy 3 ayon sa BFP

Halos 30,000 na pasahero sa pantalan, na-monitor ng PCG

Pumalo na sa 26,856 ang bilang ng mga pasahero na naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumiyahe sa mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ito’y mula kaninang hatinggabi hanggang alas-6:00 ng umaga. Sa datos na na-monitor ng PCG, nasa 14,114 ang outbound passengers at 12,742 naman ang inbound passengers. Kaugnay nito, umaabot… Continue reading Halos 30,000 na pasahero sa pantalan, na-monitor ng PCG

MARINA, PCG, pinaalalahanan ang lahat ng maglalayag ngayong Semana Santa

Pinaalalahanan ng pamunuan ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang lahat ng regional offices na tiyaking nasusunod ang mga panuntunan sa paglalayag ng mga barko. Kasabay nito ay ipinag-utos din ni MARINA Administrator Atty. Hernani Fabia na makipag-ugnayan sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng ????? ???????? ????: ?????? ????? ????. Layon nito ang… Continue reading MARINA, PCG, pinaalalahanan ang lahat ng maglalayag ngayong Semana Santa

OCD, nagpasalamat sa lahat ng bansang tumulong sa oil spill ops

Nagpasalamat si Office of Civil Defense Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno sa lahat ng bansang tumulong sa oil spill operations sa Oriental Mindoro. Sa isang pahayag, sinabi ni Nepumoceno dahil sa malakas na international assistance at sa integrated response ng mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan ay inaasahang mas mapapapabilis ang containment ng tumatagas… Continue reading OCD, nagpasalamat sa lahat ng bansang tumulong sa oil spill ops

DENR, nakakolekta na ng higit 100,000 litro ng oil contaminated materials sa Oriental Mindoro

Sumampa na sa 105,454 litro ng oil contaminated materials ang nakolekta ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga munisipalidad na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro. Batay sa pinakahuling situational report ng DENR, as of March 30, karamihan ng mga oil waste ay nakuha sa Calapan City, Naujan, at sa Pola.… Continue reading DENR, nakakolekta na ng higit 100,000 litro ng oil contaminated materials sa Oriental Mindoro