Ilang evacuees sa Eastern Visayas, pinayagan nang umuwi sa kanilang mga tahanan

Nakahinga na ng maluwag ang mga taga Region 8 dahil unti-unti nang bumubuti ang lagay ng panahon at halos wala nang mga pag-ulan na nararanasan dito sa Eastern Visayas dahil sa patuloy na paglayo ng Super Typhoon #PepitoPH mula sa Samar provinces na muntikan nang mahagip. Sa katunayan, tinanggal na ng PAGASA ang Storm Signal… Continue reading Ilang evacuees sa Eastern Visayas, pinayagan nang umuwi sa kanilang mga tahanan

Mga stranded na mga pasahero sa mga pantalan sa Bicol, umabot na sa mahigit 2.5K

Patuloy na dumadami ang mga naistranded na mga pasahero sa mga pantalan sa Bicol dahil sa banta ng super Typhoon #PepitoPH. Sa pinakahuling ulat ng Office of Civil Defense Bicol, nasa 2,572 na ang mga indibidwal ang nasa mga pantalan ngayong kasagsagan ng bagyo.  Pinakamarami ang naistranded sa Matnog Port na nasa 2,134, nasa 224… Continue reading Mga stranded na mga pasahero sa mga pantalan sa Bicol, umabot na sa mahigit 2.5K

Bukod sa storm surge, landslide binabantayan din ng MDRRMO ng Caramoan, CamSur

Bukod sa insidente ng Storm Surge dulot ng Super Typhoon Pepito, binabantayan din umano ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Caramoan, Camarines Sur ang insidente ng landslide. Sa panayam ng Radyo Pilipinas Naga kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Caramoan Head of Office Christian Aris Guevarra, sinabi nito… Continue reading Bukod sa storm surge, landslide binabantayan din ng MDRRMO ng Caramoan, CamSur

2.1-3M na storm surge, posibleng maranasan ng ilang bayan ng Quezon; Governor Tan, nanawagan ng forced evacuation

Nagbabala si Governor Helen Tan at si PDRRM Officer Dr. Melchor Avenilla, Jr. na posibleng makaranas ng 2.1 hanggang 3 meters na storm surge ang mga bayan sa lalawigan ng Quezon na dala ng Super Typhoon Pepito. Sa live monitoring and response kanina, kabilang sa pinaghahanda ang mga bayan ng Infanta, Agdangan, Buenavista, Burdeos, Catanauan,… Continue reading 2.1-3M na storm surge, posibleng maranasan ng ilang bayan ng Quezon; Governor Tan, nanawagan ng forced evacuation

Pagsuspinde sa pagbiyahe papuntang Visayas at Mindanao, ipinaalala ng LTFRB at LTO

Muling ipinaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagsuspinde sa lahat ng biyahe ng mga bus at truck papuntang Visayas at Mindanao dahil kay bagyong Pepito. Partikular dito ang mga sasakyan na dumadaan sa Matnog Port at iba pang lugar sa Bicol Region na maaapektuhan ng bagyo. Layon nito na maiwasan ang buildup… Continue reading Pagsuspinde sa pagbiyahe papuntang Visayas at Mindanao, ipinaalala ng LTFRB at LTO

PCG Bicol, sinimulan na ang pag-dispatch ng 82 Deployable Response Group para sa pagsasagawa ng rescue operation

Sinimulan na ng Philippine Coast Guard District Bicol ang pag-dispatch ng mga Deployable Response Group para sa pagsasagawa ng mga rescue operations habang papalapit ang Super Typhoon Pepito sa kalupaan ng Bicol Region. Sa pinakahuling ulat ng PCG Bicol, nasa 123 personnel sa hanay ng Deployable Response Group ang nakadeploy na para magsagawa ng evacuation… Continue reading PCG Bicol, sinimulan na ang pag-dispatch ng 82 Deployable Response Group para sa pagsasagawa ng rescue operation

Mahigit 61 pamilya, lumikas sa NwSSU evacuation center dahil sa Bagyong Pepito

Nagsisilbing ligtas na kanlungan para sa mga lumikas dulot ng Bagyong Pepito ang Socio-Cultural Center ng Northwest Samar State University (NwSSU) sa Calbayog City. Ayon kay Eugence C. Calumba, University Disaster Risk Reduction and Management Officer, tumanggap ang unibersidad, na nagsisilbing evacuation center, ng mga apektadong personnel ng unibersidad, estudyanteng hindi nakauwi sa kani-kanilang mga… Continue reading Mahigit 61 pamilya, lumikas sa NwSSU evacuation center dahil sa Bagyong Pepito

Deployable Response Group ng Coast Guard District Central Visayas, nakahanda na sa pagresponde kung kinakailangan

Nakaantabay na ang Coast Guard District Central Visayas lalo na sa mga lugar sa Central Visayas na apektado ng bagyong Pepito. Tiniyak ng pamunuan ng PCG sa Central Visayas na handa ang kanilang mga tropa sa pamamagitan ng pag-mobilize ng kanilang Deployable Response Group o DRG. Ang DRG ng PCG District Central Visayas ay nakatutok… Continue reading Deployable Response Group ng Coast Guard District Central Visayas, nakahanda na sa pagresponde kung kinakailangan

Nasa 41,200 pamilya mula sa high-risk areas sa Camarines Sur nailikas dahil sa banta ng Bagyong Pepito

Sa maghapon na pagpapatupad ng mandatory evacuation sa Camarines Sur kahapon, November 15, 2024, umabot na umano sa 41,200 na pamilya ang nailikas mula sa mga high-risk areas sa lalawigan. Batay sa post ni Gov. Luigi Villafuerte, kabuuang 41,200 na pamilya ang nailikas patungo sa ligtas na evacuation sites sa Camarines Sur kaugnay ng paghahanda… Continue reading Nasa 41,200 pamilya mula sa high-risk areas sa Camarines Sur nailikas dahil sa banta ng Bagyong Pepito

Calbayog, Samar naghahanda na sa posibleng pagtama ng bagyong Pepito

Nagsagawa ng isang Emergency Press Conference ang Lungsod ng Calbayog, Samar ngayong hapon, Nobyembre 15, 2024, upang magbigay ng mga update ukol sa mga paghahanda ng lokal na pamahalaan para sa binabantayan na bagyong Pepito, na papalapit na sa Silangang Kabisayaan. Dumalo sa press conference sina Alkalde Raymund Uy at CDRRMO Officer Dr. Sandro Daguman.… Continue reading Calbayog, Samar naghahanda na sa posibleng pagtama ng bagyong Pepito