Pinsalang idinulot ng Bagyong Egay sa imprastraktura, pumalo na sa halos P7 bilyon ayon sa DPWH

Umakyat na sa halos P7 bilyon ang naitalang pinsala sa imprastraktura ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dulot ng bagyong Egay. Batay sa update ng DPWH kaninang tanghali, aabot sa P6.94 bilyon ang naitala nilang pinsala dulot ng mga nasirang kalsada, tulay at flood-control structures. Ayon kay DPWH Sec. Manuel Bonoan, aabot na… Continue reading Pinsalang idinulot ng Bagyong Egay sa imprastraktura, pumalo na sa halos P7 bilyon ayon sa DPWH

17 kalsada sa Luzon na apektado ng mga pag-ulang dala ng habagat, hindi pa rin madaanan ayon sa DPWH

Patuloy pa ring sinisikap ng Department of Public Works and Highways o DPWH na mabuksan sa daloy ng trapiko ang may 17 road section sa 4 na rehiyon sa bansa matapos hindi madaanan dahil sa pinagsanib na epekto ng habagat at bagyong Egay. Batay sa ulat ng DPWH kaninang alas-12:00 ng tanghali, nasa 43 mga… Continue reading 17 kalsada sa Luzon na apektado ng mga pag-ulang dala ng habagat, hindi pa rin madaanan ayon sa DPWH

DSWD Chief, inatasan ang mga field office na paigtingin ang koordinasyon sa mga LGU para sa disaster operation

Ipinag-utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga Regional Directors nito na paigtingin ang koordinasyon sa local government units na lubhang naapektuhan ng Super Typhoon Egay. Partikular na tinukoy ng kalihim ang mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, MIMAROPA, at Cordillera Administrative Region (CAR). Sa ginanap na emergency meeting, binigyang-diin ni Secretary Gatchalian ang kahalagahan… Continue reading DSWD Chief, inatasan ang mga field office na paigtingin ang koordinasyon sa mga LGU para sa disaster operation

Inisiyal na sira sa imprastraktura sa Ilocos Norte, mahigit P2.8-B

Umabot sa mahigit P2.84 bilyon ang nasira sa imprastraktura sa Ilocos Norte matapos ang hagupit ng bagyong Egay. Sa inisyal na report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), umabot sa P300,000 ang nasira sa Laoag International Airport, mahigit isang bilyon ang nasira sa kalsada, tulay at flood control projects kasama na ang… Continue reading Inisiyal na sira sa imprastraktura sa Ilocos Norte, mahigit P2.8-B

Mga pamilyang nasawi sa pagtaob ng motorbanca sa Rizal, tinulungan ng DSWD 

Nagpaabot na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naulilang pamilya ng mga pasaherong nasawi sa paglubog ng motorbanca sa Binangonan, Rizal. Sa ulat ng DSWD Field Office CALABARZON, may 18 pamilya mula sa Talim Island ang pinagkalooban na ng P10,000 bawat isa. Sumailalim na rin sa simultaneous psychological first… Continue reading Mga pamilyang nasawi sa pagtaob ng motorbanca sa Rizal, tinulungan ng DSWD 

Mahigit 30 pamilya sa bayan ng Aguilar, Pangasinan, inilikas ng LGU dahil sa pagbaha

Mayroong 34 na pamilya mula sa dalawang barangay ng bayan ng Aguilar ang inilikas ng LGU dahil sa pagbaha sa kanilang mga lugar. Pansamantalang nananatili sa Tampac Integrated School ang 19 na pamilya na binubuo ng 59 na mga indibidwal na nagmula sa Barangay Bocboc West. Karagdagang 15 na pamilya na binubuo din ng 59… Continue reading Mahigit 30 pamilya sa bayan ng Aguilar, Pangasinan, inilikas ng LGU dahil sa pagbaha

MMDA, nagpadala ng mga tauhan sa CAR para tumulong sa mga sinalanta ng bagyo

Tumulak na kagabi ang 20-man team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) papuntang Cordillera Administrative Region para tumulong sa mga sinalanta ng bagyong Egay. Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, ang contingent ay mula sa Public Safety Division ng MMDA. Tatlong team ang ipinadala sa Kabayan, Abra habang ang isang team naman ang… Continue reading MMDA, nagpadala ng mga tauhan sa CAR para tumulong sa mga sinalanta ng bagyo

Inisyal na pinsala sa agri-fisheries sector, higit P832 milyon habang P1 bilyon ang sa imprastraktura -NDRRMC

Pumalo na sa P832,816,645 ang inisyal na pinsala sa sektor ng agrikultura at pangisdaan dulot ng bagyong Egay at Habagat. Habang nasa P1.191 bilyon ang pinsala sa imprastraktura sa Region 1 MIMAROPA, Region 5, 6, 11, 12 at Bansamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Sinabi ni Office of Civil Defense Spokesperson Edgar Posadas na may… Continue reading Inisyal na pinsala sa agri-fisheries sector, higit P832 milyon habang P1 bilyon ang sa imprastraktura -NDRRMC

PBBM, pinagsusumite ng report ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan hinggil sa pinsalang naidulot ng bagyong Egay sa buong Ilocos Region

Hiningan ng report ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan hinggil sa pinsalang naidulot ng bagyong Egay sa buong Ilocos Region. Sa situation briefing, sinabi ng Pangulo na kahit hindi pa pinal ang report dahil inaasahang tataas pa ang datos ng mga recorded damages ay nais niya ng makuha ang… Continue reading PBBM, pinagsusumite ng report ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan hinggil sa pinsalang naidulot ng bagyong Egay sa buong Ilocos Region

Cash assistance at construction materials para sa mga nasalanta ng bagyong Egay, tiyak na ipagkalaloob ayon kay PBBM

Kapwa makatatanggap ng cash assistance at construction materials ang mga biktima ng kalamidad at residenteng nasiraan ng tahanan dulot ng bagyong Egay. Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa situation briefing na ang pagbibigay ng tulong pinansiyal ay gagawin lalo’t may mga kailangan ang mga naapektuhan ng bagyo na hindi nila makukuha sa mga… Continue reading Cash assistance at construction materials para sa mga nasalanta ng bagyong Egay, tiyak na ipagkalaloob ayon kay PBBM