DSWD, nakikipag-ugnayan na sa DBM kaugnay ng bilang ng mga permanenteng empleyado sa kanilang ahensya

Natanong ng mga senador ang mababang bilang ng mga permanenteng empleyado sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa pagdinig ng senate subcommittee sa 2024 budget ng ahensya, tinanong ni Senadora Imee Marcos ang DSWD kung totoong 10% lang ang kanilang mga permanenteng empleyado. Kinumpirma naman ito ni DSWD Secretary Rex Gatchalian kasabay ng… Continue reading DSWD, nakikipag-ugnayan na sa DBM kaugnay ng bilang ng mga permanenteng empleyado sa kanilang ahensya

DICT, nangungunang ahensya ng pamahalaan sa usapin ng underspending ng 2023 budget

Maaapektuhan ang hinaharap na budget ng mga tanggapan ng pamahalaan na mabibigong mahabol ang kanilang target spending para sa taong 2023. Pahayag ito ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, kasunod ng pagsusumite ng catch up plan ng mga ahensya ng gobyerno na hindi pa nagagastos ang mga available na budget para sa kanilang programa o proyekto,… Continue reading DICT, nangungunang ahensya ng pamahalaan sa usapin ng underspending ng 2023 budget

Senador Alan Peter Cayetano, hiniling sa DBM na maglabas ng kautusan para maliwanagan ang alokasyong pondo para sa 10 EMBO barangay

Umapela si Senador Alan Peter Cayetano sa Department of Budget and Management (DBM) na maglabas ng kautusan para sa magiging pondo sa susunod na taon ng sampung EMBO barangays. Ang EMBO barangays ay tumutukoy sa sampung barangay na dating sakop ng Makati City pero batay sa ruling ng Korte Suprema ay bahagi na ngayon ng… Continue reading Senador Alan Peter Cayetano, hiniling sa DBM na maglabas ng kautusan para maliwanagan ang alokasyong pondo para sa 10 EMBO barangay

Rationalization ng livelihood programs, pinaaaral ni PBBM

Magsasagawa ng review ang Department of Budget and Management (DBM) sa ipinapatupad na livelihood program ng pamahalaan. Sa naging briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa 2024 Budget, sinabi ni DBM Sec. Amenah Pangandaman na nais ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na i-rationalize ang lahat ng livelihood programs at projects. Noon aniyang aralin ng Chief Executive… Continue reading Rationalization ng livelihood programs, pinaaaral ni PBBM

Budget para sa disaster response ng bansa sapat pa ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman

Sapat pa ang pondo ng gobyerno para sa disaster response and quick response fund. Sa media briefing sa Kamara, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, may natitira pang P12 Billion na calamity fund. Bagaman, umaasa ang kalihim na wala nang mapanganib na kalamidad na dadating sa bansa. Maaring magamit ang halaga sa iba’t ibang disaster relief… Continue reading Budget para sa disaster response ng bansa sapat pa ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman

Maharlika Investment Fund, hindi pa magagamit pampondo ng mga programa sa 2024

Nilinaw ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman na hindi pa magagamit pampondo sa susunod na taon ang Maharlika Investment Fund (MIF). Sa ngayon kasi aniya, binubuo pa lamang ang Implementing Rules and Regulations ng MIF. Matapos nito ay kailangan pang buoin ang Maharlika Investment Council. Ngunit asahan aniya na mapapakinabangan na… Continue reading Maharlika Investment Fund, hindi pa magagamit pampondo ng mga programa sa 2024

Dagdag na P720-M para sa itinatayong Zamboanga International Airport, natanggap na ng DOTR

Malugod na ibinalita ni House Majority Leader at Zamboanga City 2nd district Rep. Mannix Dalipe na nai-release na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Transportation (DOTr) ang P720 million na pondo para makumpleto ang Zamboanga International Airport Development Project. Ayon kay Dalipe, mismong si Transportation Sec. Jaime Bautista ang nagpaalam sa kaniya… Continue reading Dagdag na P720-M para sa itinatayong Zamboanga International Airport, natanggap na ng DOTR