Mobile Library ng Cotabato province, gumugulong na matapos inilunsad ang “Pagbasa Pag-asa Program” katuwang ang DepEd

Gumugulong na ang mobile library ng lalawigan ng Cotabato papunta sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng Pikit. Ito ay matapos inilunsad noong buwan ng Agosto ang “Pagbasa Pag-asa Program” sa lalawigan katuwang ang Department of Education-Cotabato Division . Sa ilalim ng naturang programa, kumuha ang kapitolyo ng mga lisensyadong guro sa barangay na dumaan… Continue reading Mobile Library ng Cotabato province, gumugulong na matapos inilunsad ang “Pagbasa Pag-asa Program” katuwang ang DepEd

30-day break para sa mga guro, pinuri ng Rizal solon

Pinuri ni Rizal Rep. Fidel Nograles ang hakbang ng DEPED na bawasan ang workload ng mga guro. Ayon kay Nograles napapanahon ito lalo at sinisimulan ang paggunita sa National Teachers’ month ngayong Setyembre. “We thank Vice President and DepEd Secretary Sara Duterte and all other officials for this move. This is a timely intervention that… Continue reading 30-day break para sa mga guro, pinuri ng Rizal solon

Pagsasabatas ng school-based mental health program, aprubado na sa Senado

Sa botong 22 na senador ang pabor, walang tumutol at walang nag-abstain, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act (Senate Bill 2200). Sa ilalim ng panukala, i-institutionalize o isasabatas na ang pagpapatupad ng school-based mental health program para matiyak ang kapakanan ng mga… Continue reading Pagsasabatas ng school-based mental health program, aprubado na sa Senado

VP Sara Duterte, pinasinungalingan na may mali sa paggamit ng confidential fund

Muling pinasinungalingan ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte na may mali sa paghingi ng confidential fund (CF) ang Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd). Sa panayam sa Pangalawang Pangulo, sinabi nitong walang patunay kung may iligal sa paggamit ng nasabing pondo. Giit ni VP Sara, aprubado ng… Continue reading VP Sara Duterte, pinasinungalingan na may mali sa paggamit ng confidential fund

Bilang ng mga mag-aaral na nakapag-enroll ngayong SY 2023-2024, abot na sa 26.34-M – DEPED

Umabot na sa 26,347,073 ang bilang ng mgamag-aaral ang nag nagparehistro para sa School Year 2023-2024. Batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS), pinakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 3,887,686, sinusundan ng Region III (2,882,614) at NCR (2,716,837). Habang ang Alternative Learning System (ALS) ay nakapagtala ng 288,012. Ayon… Continue reading Bilang ng mga mag-aaral na nakapag-enroll ngayong SY 2023-2024, abot na sa 26.34-M – DEPED

VP Sara Duterte, iprinesenta ang mga plano ng DepEd upang mapabuti ang kalagayan ng mga guro

Tiniyak ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang suporta sa mga guro sa ilalim ng MATATAG Agenda ng Department of Education (DepEd). Ito ay matapos na iprisenta ni VP Sara ang mga plano ng Kagawaran upang mapabuti ang kalagayan ng mga guro sa ginanap na National Teacher’s Month Kick-Off sa Bohol Wisdom School… Continue reading VP Sara Duterte, iprinesenta ang mga plano ng DepEd upang mapabuti ang kalagayan ng mga guro

Pagbuo ng batas para tuluyan nang mapagbawal ang panghihingi ng perang kontribusyon mula sa mga estudyente, minungkahi ni VP at Educ Sec Sara

Minungkahi ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte sa mga senador na bumuo ng isang batas na magbabawal sa panghihingi ng kontribusyon sa mga estudyante. Ginawa ng bise presidente ang pahayag matapos ang pagbabahagi ni Senador Raffy Tulfo sa patuloy na panghihingi ng kontribusyon sa mga estudyante para sa mga pangangailangan sa klasrum.… Continue reading Pagbuo ng batas para tuluyan nang mapagbawal ang panghihingi ng perang kontribusyon mula sa mga estudyente, minungkahi ni VP at Educ Sec Sara

Mga nagpa-enroll sa mga paaralan, higit 21 million na – DEPED

Umabot na sa 21,029,531 ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral ang nagparehistro para sa School Year 2023-2024. Ito’y batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) Quick Count para sa susunod na pasukan. Pinakamaraming mag-aaral ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 3,323,943 sinusundan ito ng NCR na 2,437,041 at Region III… Continue reading Mga nagpa-enroll sa mga paaralan, higit 21 million na – DEPED

Halaga ng pinsala sa sektor ng edukasyon dulot ng pananalasa ng Bagyong Egay at habagat, umabot na sa P1.77-B, ayon sa DepEd

Lumobo pa ang halaga ng pinsala sa sektor ng edukasyon na dulot ng pananalasa ng mga nagdaang Bagyong #EgayPH at #FalconPH, pati na habagat. Batay sa pinakahuling situation report ng Department of Education (DepEd), umabot na sa P1.77 bilyon ang halaga ng pinsala kung saan nasa 479 na mga paaralan ang naapektuhan mula sa iba’t… Continue reading Halaga ng pinsala sa sektor ng edukasyon dulot ng pananalasa ng Bagyong Egay at habagat, umabot na sa P1.77-B, ayon sa DepEd

Mga guro sa Region 1, handa sa implementasyon ng Revised K to 10 program

Tiniyak ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) Region 1 na handa ang kanilang mga guro sa pagpapatupad ng Revised K to 10 Program ng Kagawaran. Ayon kay DepEd Regional Director Tolentino Aquino, lagi namang handa ang kanilang mga guro sa implementasyon ng mga bagong programang nais ipinapatupad ng ahensya. Sa katunayan aniya, ngayong linggo… Continue reading Mga guro sa Region 1, handa sa implementasyon ng Revised K to 10 program