PRO-02, magpapamahagi ng ayuda mula sa kanilang food bank

Nakatakdang magsagawa ng relief operations ang Police Regional Office 02 (PRO2) sa mga lugar sa Lambak ng Cagayan na apektado ng Typhoon #EgayPH. Ang mga ipapamahaging relief goods ay mula sa mga nalikom nilang grocery items at iba pang donated goods mula sa mga stakeholder at Advisory Support Groups ng Valley Cops. Matatandaang muling inilunsad… Continue reading PRO-02, magpapamahagi ng ayuda mula sa kanilang food bank

DA, nakapagtala na ng inisyal na pinsala sa agrikultura sa CALABARZON at MIMAROPA

Nakapagtala na ng inisyal na Php 225 libong pinsala at pagkalugi ang mga magsasaka na naapektuhan ni Super Typhoon #EgayPH. Sa ulat ng Department of Agriculture (DA), may 77 magsasaka na ang apektado at 4 na metric tons ng agri-products ang nasira. Sa ngayon, nasa 40 ektarya ng taniman ng palay ang naapektuhan. Karamihan sa… Continue reading DA, nakapagtala na ng inisyal na pinsala sa agrikultura sa CALABARZON at MIMAROPA

Bacolod City Police Office, nagbigay ng hot meals sa mga residenteng apektado ng bagyong Egay sa Bacolod

Nagbigay ng hot meals ang Bacolod City Police Office sa mga residenteng apektado ng Bagyong #EgayPH sa Bacolod City. Ang pagbibigay ng hot meals ay pinangunahan ni BCPO Director P/Col. Noel AliƱo kasama ang ibat ibang istasyon ng Bacolod City Police Office. Mahigit kumulang 370 residente sa dalawang evacuation centers sa syudad ang nabigyan ng… Continue reading Bacolod City Police Office, nagbigay ng hot meals sa mga residenteng apektado ng bagyong Egay sa Bacolod

Pamilyang inilikas sa Lalawigan ng Cagayan dahil sa bagyong Egay, umabot na sa 4,000

Tumaas pa lalo ang bilang ng mga pamilyang inilikas sa lalawigan ng Cagayan dahil sa hangin at pagbahang dulot ng bagyong #EgayPH sa probinsya. Batay sa talaan ng PDRRMC, hanggang kaninang alas 11:00 ng umaga, nasa mahigit 4,000 pamilya na ang nailikas sa probinsya na may kabuuang mahigit 16 libong katao. Ang mga ito ay… Continue reading Pamilyang inilikas sa Lalawigan ng Cagayan dahil sa bagyong Egay, umabot na sa 4,000

Mga residenteng apektado ng baha sa Bacolod, tinulungan ng Bacolod City Police Office

Sa walang tigil na pag-ulan dahil sa Bagyong #EgayPH, naapektuhan rin ang siyudad ng Bacolod ng pagbaha. Sa pagbaha sa ilang lugar sa siyudad, aktibo ang Bacolod City Police Office sa pagtulong kag pag-rescue sa mga residenteng apektado ng baha. Ito ay pagtalima sa direktiba ni Police Regional Office 6 Director P/Brigadier General Sidney Villaflor… Continue reading Mga residenteng apektado ng baha sa Bacolod, tinulungan ng Bacolod City Police Office

PPA, nagkasa ng soup kitchen para sa mga stranded na pasahero sa pantalan

Namahagi ng libreng lugaw at naghandog ng film showing ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga naistranded na pasahero sa iba’t ibang pantalan partikular na sa mga lugar na apektado ng Super Typhoon #EgayPH. Batay sa datos ng PPA, aabot sa humigit kumulang 3 libong pasahero ang naitala nilang stranded ngayon sa mga pantalan batay… Continue reading PPA, nagkasa ng soup kitchen para sa mga stranded na pasahero sa pantalan

Quezon City, itinaas na sa ‘Yellow Alert’ dahil sa bagyong #EgayPH – QCDRRMO

Itinaas na sa “Yellow Alert” status ang Quezon City dahil kay bagyong #EgayPH. Ibig sabihin, may mga paghahanda nang ginagawa ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) matapos itaas ang tropical cyclone wind signal #1 ang Metro Manila. Ayon kay QCDRRMO Spokesperson Pechie de Leon, may koordinasyon na sila sa lahat ng… Continue reading Quezon City, itinaas na sa ‘Yellow Alert’ dahil sa bagyong #EgayPH – QCDRRMO

Pangulong Marcos Jr., pinasuspinde ang klase at trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Lunes sa Metro Manila dahil sa bagyong #EgayPH at transport strike

Suspendido ang klase at pasok sa trabaho sa National Capital Region (NCR) sa Lunes. Ito ang nilalaman ng Memorandum Circular na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin. Inisyu ang nasabing Memorandum Circular upang matiyak na din ang kaligtasan ng bawat isa sa posibleng epektong maidulot ng bagyong Egay at makaiwas sa anumang posibleng abala na… Continue reading Pangulong Marcos Jr., pinasuspinde ang klase at trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Lunes sa Metro Manila dahil sa bagyong #EgayPH at transport strike

DSWD regional directors, pinaghahanda na sa bagyong #EgayPH

Inalerto na ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang lahat ng concerned regional directors sa posibleng epekto ni Tropical Storm #EgayPH. Partikular na ipinag-utos ni Secretary Gatchalian sa mga DSWD regional field offices na mahigpit nang makipag-ugnayan sa mga local government units sa probisyon ng relief goods para sa mga pamilya at indibiwal na maapektuhan ng… Continue reading DSWD regional directors, pinaghahanda na sa bagyong #EgayPH