Kamara at DSWD, magkatuwang sa pamamahagi ng ayuda sa buong bansa sa pamamagitan ng Malaya Rice Project

Ikakasa ng House of Representatives at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng ayuda sa buong bansa sa mga susunod na araw. Target simulan ng Kamara at DSWD ang “Malaya Rice Project” sa Metro Manila sa susunod na linggo. Sa ilalim ng programa kada benepisyaryo ay makakatanggang ng P1,500 na tulong pinansyal.… Continue reading Kamara at DSWD, magkatuwang sa pamamahagi ng ayuda sa buong bansa sa pamamagitan ng Malaya Rice Project

Lakas-CMD, nadagdagan na naman ang pwersa sa Kamara

Umakyat na sa 73 ang miyembro ng Lakas-CMD sa Kamara. Ito’y matapos manumpa bilang bagong miyembro ng partido sina Laguna 1st District Rep. Ma. Ann Matibag at 3rd District Rep. Loreto “Amben” Amante. Mismong si Lakas-CMD president at Speaker Martin Romualdez ang nanguna sa oath taking ng dalawa. Kasama rin sa nanumpa bilang dalawang bagong… Continue reading Lakas-CMD, nadagdagan na naman ang pwersa sa Kamara

Panukalang P5.768 Trillion 2024 budget, pasado na sa Kamara

Sa botong 296 pabor, at 3 na pagtutol ay aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 8980 o ang panukalang P5.768 Trillion 2024 General Appropriations Bill. Mula August 2 nang isumite ang 2024 National Expenditure program pitong linggo ang ginugol ng Kamara para talakayin at himayin ang panukalang pambansang pondo… Continue reading Panukalang P5.768 Trillion 2024 budget, pasado na sa Kamara

SP Zubiri, tiwalang makakaya ng kongreso na maaprubahan ang 20 priority bills ng administrasyon bago matapos ang taon

Kumpiyansa si Senate President Juan Miguel Zubiri na makakaya ng 19th congress na maaprubahan ang lahat ng 20 priority bills na nais maisabatas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bago matapos ang taon. Ito ay matapos maaprubahan kahapon ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang apat sa mga priority bills ng administrasyon. Ayon kay… Continue reading SP Zubiri, tiwalang makakaya ng kongreso na maaprubahan ang 20 priority bills ng administrasyon bago matapos ang taon

2024 General Appropriations Bill, certified as urgent na ng Pangulo

Sinertipikahan bilang urgent ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang House Bill 8980 o P5.768 Trillion 2024 General Appropriations Bill. Sa kaniyang liham kay Speaker Martin Romualdez, binigyang diin nito na ang maagap na pagpapasa sa panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon ay mahalaga upang maipagpatuloy ang mga programa at serbisyo ng gobyerno.… Continue reading 2024 General Appropriations Bill, certified as urgent na ng Pangulo

Kamara, target ipasa ang 2024 budget bago ang session break sa katapusan ng buwan

Desidido ang Kamara na ipasa ang P5.768 trillion 2024 budget bago ang nakatakdang break ng Kongreso sa September 29. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, para matiyak ang on time na pagpapatibay sa panukalang pambansang budget ay maagang magsisimula ang plenary deliberations na mag-uumpisa sa September 19, Martes alas-9 ng umaga. Maliban dito, magkakaroon din… Continue reading Kamara, target ipasa ang 2024 budget bago ang session break sa katapusan ng buwan

House leaders at oil companies, magpupulong bukas para tugunan ang patuloy na oil price hike

Nakatakdang magpulong ngayong darating na Lunes, September 18 ang mga opisyal ng Kamara, Department of Energy at oil companies sa bansa upang hanapan ng solusyon ang patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang dayalogo sa pagitan ng Kamara, DOE at oil companies ay upang tugunan ang mabigat… Continue reading House leaders at oil companies, magpupulong bukas para tugunan ang patuloy na oil price hike

Resolusyon ng pakikiramay sa Morocco na niyanig ng lindol kamakailan, pinagtibay ng Kamara.

Pinagtibay ng Kamara ang House Resolution 1277 na naghahayag ng pakikisimpatya at pagsuporta ng Kapulungan sa bansang Morocco na niyanig ng 6.8 magnitude na lindol kamakailan. “In solidarity with the international community, the House of Representatives of the Philippines conveys its sorrow and concern to those affected by the recent earthquake in Morocco and hopes… Continue reading Resolusyon ng pakikiramay sa Morocco na niyanig ng lindol kamakailan, pinagtibay ng Kamara.

Positibong performance at trust rating ng Kamara, patunay sa maayos na liderato ng House of Representatives; mga mambabatas, mas ganadong magtrabaho

Patuloy na nagbubunga ang maayos na liderato ni Speaker Martin Romualdez sa Kamara. Ito ang tinuran ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga kasunod na rin ng 54% na performance at 555 trust rating na nakuha ng House of Representatives sa OCTA research survey. “This simply means the Speaker – and that includes us representatives of our… Continue reading Positibong performance at trust rating ng Kamara, patunay sa maayos na liderato ng House of Representatives; mga mambabatas, mas ganadong magtrabaho

Kamara, pagbubutihin pa ang pagta-trabaho kasunod ng mataas na performance rating survey

Nangako ang liderato ng Kamara na pagbubutihin pa ang pagta-trabaho at paglilingkod matapos makakuha ng mataas na performance rating sa ginawang survey ng OCTA research. Nasa 54% sa mga respondent ang kuntento sa trabaho ng Kamara, 9% ang hindi at 36% ang undecided. Nakakuha rin ang Kamara ng 55% na trust rating. Pinasalamatan ni Speaker… Continue reading Kamara, pagbubutihin pa ang pagta-trabaho kasunod ng mataas na performance rating survey