Pilipinas, magiging co-host ng 2024 Indo-Pacific Business Forum sa susunod na taon na gagawin sa Maynila

Magiging punong abala ang bansa para sa ikatlong Indo-Pacific Business Forum na naka-schedule sa susunod na taon at gagawin sa Pilipinas. Marso 2024 nakatakda ang nasabing forum na inaasahang lalahukan ng mga bansang kasapi ng IPEF gaya ng Estados Unidos, Australia, Brunei Darussalam, India, Indonesia, Japan, ang Republic of Korea, Malaysia, New Zealand, Pilipinas, Singapore,… Continue reading Pilipinas, magiging co-host ng 2024 Indo-Pacific Business Forum sa susunod na taon na gagawin sa Maynila

Pangulong Marcos Jr., siniguro na aktibo ang pamahalaan sa pagtugon sa mga naapektuhan ng 6.8 magnitude na lindol sa Davao Occidental

Kumikilos na ang mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng mga naapektuhan ng 6.8 magnitude na lindol na tumama sa Davao Occidental, pasado alas kwatro, Biyernes (November 17) ng hapon. “Following the 6.8 magnitude earthquake in Davao Occidental at 4:14 PM, I assure you that the government is actively responding to ensure… Continue reading Pangulong Marcos Jr., siniguro na aktibo ang pamahalaan sa pagtugon sa mga naapektuhan ng 6.8 magnitude na lindol sa Davao Occidental

Pangulong Marcos, nanawagan sa Free Farmers na panatilihing buhay ang kanilang mga nagawa na para sa agri-sector ng bansa

Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Federation of Free Farmers (FFF) na siguruhing mananatiling buhay ang pamanang iniwan ng kanilang founding members, sa pamamagitan ng pagsusulong pa sa layon ng samahan na palakasin ang mga magsasaka at mangingisda ng bansa. Sa ika-70 anibersaryo ng pederasyon ngayong araw (October 25), nanawagan ang pangulo sa… Continue reading Pangulong Marcos, nanawagan sa Free Farmers na panatilihing buhay ang kanilang mga nagawa na para sa agri-sector ng bansa

Pagpapalakas sa anti-illegal drug campaign ng pamahalaan na walang nasasawi, susuportahan ng Kamara

Nakahanda ang Kamara na maglatag ng lehislasyon para palakasin pa ang kapasidad ng mga otoridad na nagsasagawa ng anti-illegal drug operations. Ayon kay House committee on dangerous drugs vice-chair at Antipolo Rep. Romeo Acop, mahalagang tulungan ng lehislatura ang pambansang pulisya at iba pang katuwang na ahensya para tuluyang maresobla ang problema sa iligal na… Continue reading Pagpapalakas sa anti-illegal drug campaign ng pamahalaan na walang nasasawi, susuportahan ng Kamara

Ban sa deployment ng Pilipinas ng mga manggagawa sa Kuwait, wawakasan na ayon kay PBBM

Tatapusin na ng pamahalaang Pilipinas ang ban sa pagpapadala ng manggagawang Pinoy sa bansang Kuwait. Binanggit ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang arrival speech matapos ang matagumpay na biyahe nito sa Saudi Arabia. Ayon sa Pangulo, ang pasiyang tapusin na ang ilang buwan na ding hindi pagpapadala ng Pinoy workers sa Kuwait… Continue reading Ban sa deployment ng Pilipinas ng mga manggagawa sa Kuwait, wawakasan na ayon kay PBBM

Pag-resolba sa labor issue sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas, siniguro ng Kuwait Crown Prince kay Pangulong Marcos Jr.

Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mari-resolba ng Kuwait at Pilipinas ang usapin nito sa paggawa, kasunod ng naging bilateral meeting ng pangulo sa crown prince ng Kuwait sa sidelines ng ASEAN – GCC Summit sa Riyadh, Saudi Arabia. Kung matatandaan, sinuspinde ng Kuwait ang pagi-issue ng entry at work Visa sa mga… Continue reading Pag-resolba sa labor issue sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas, siniguro ng Kuwait Crown Prince kay Pangulong Marcos Jr.

Maharlika Fund, ipipresenta ni Pangulong Marcos Jr. sa sidelines ng ASEAN-GCC Summit

Muling isusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang interes ng mga Pilipino sa sidelines ng pagdalo nito sa ASEAN-GCC Summit sa Riyadh, Saudi Arabia sa October 20. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Foreign Affairs Asec. Daniel Espiritu na ipipresenta ng pangulo ang Maharlika Fund sa KSA. Bahagi pa rin ito sa effort… Continue reading Maharlika Fund, ipipresenta ni Pangulong Marcos Jr. sa sidelines ng ASEAN-GCC Summit

Pinakahuling sitwasyon sa Israel, inilatag ng Israeli Ambassador kay Pangulong Marcos.

Nagkausap sa Malacañan ngayong araw (October 11) sina Pangulong Ferdinand F. Marcos Jr. at Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, kung saan binigyan ng ambahador ng update ang pangulo kaugnay sa sitwasyon sa Israel. Sa pagu-usap ng dalawang opisyal, naghayag ng paga-alala ang pangulo sa kalagayan ng tatlo pang Pilipino na hanggang sa kasalukuyan, hindi… Continue reading Pinakahuling sitwasyon sa Israel, inilatag ng Israeli Ambassador kay Pangulong Marcos.

Aklan solon, nagpasalamat sa ipinakitang pagmamalasakit ni PBBM sa residente ng kanilang lalawigan

Nagpaabot ng pasasalamat si Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco, Jr. sa pagbisita ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanilang probinsya kasabay ng pagpaaabot ng iba’t ibang tulong para sa mga residente. Matatandaan na nitong nakaraang Biyernes ay nagtungo si PBBM sa Aklan kung saan siya namahagi ng rice subsidy para sa 4Ps beneficiaries,… Continue reading Aklan solon, nagpasalamat sa ipinakitang pagmamalasakit ni PBBM sa residente ng kanilang lalawigan

LTFRB Chairman Guadiz, pinasususpinde ni Pangulong Marcos Jr.

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang suspensyon ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III. Ito ang kinumpirma ni PCO Secretary Cheloy Velicaria -Garafil, ngayong gabi (October 9), sa gitna ng mga napaulat na korupsyon sa ilalim ng liderato nito. Ang pahayag na ito ng kalihim ay makaraang isiwalat… Continue reading LTFRB Chairman Guadiz, pinasususpinde ni Pangulong Marcos Jr.