Liquor ban, umiiral na sa lungsod Quezon- QCPD

Pinaalalahanan ng Quezon City Police District (QCPD) ang publiko na umiiral na ang liquor ban sa lungsod Quezon simula ngayong araw hanggang bukas ng alas 11:59 ng gabi, Oktubre 30. Alinsunod sa Commission on Election (COMELEC) Resolution No. 10902, hindi na pinapayagan ang pagbenta, pagbili at pag-inom ng anumang klase ng alak sa buong bansa… Continue reading Liquor ban, umiiral na sa lungsod Quezon- QCPD

QCPD Chief, nagsagawa ng ocular inspection sa gusali na pinangyarihan ng hazing na ikinamatay ng estudyante

Kasama ang mga imbestigador, nagsagawa ng ocular inspection si QCPD Director PGeneral Redrico Maranan sa lugar na pinangyarihan ng ‘hazing’ na ikinamatay ng estudyanteng si Ahldryn Bravante kahapon. Binalikan ng Quezon City Police District ang abandonadong STEPS Condominium sa Calamba St., Brgy. Sto Domingo, Quezon City bilang bahagi ng isinasagawang imbestigasyon. Sa inspection inatasan ni… Continue reading QCPD Chief, nagsagawa ng ocular inspection sa gusali na pinangyarihan ng hazing na ikinamatay ng estudyante

Sama ng panahon, wala nang direktang epekto sa Quezon City – QCDRRMO

Iniulat ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) na wala nang direktang epekto sa lungsod ng Quezon ang sama ng panahon. Pero batay sa ulat ng PAGASA, patuloy pa ring pag-iibayuhin ang hanging Habagat na siya namang magdadala ng maulap na papawirin at katamtamang tyansa ng mahinang ulan. Samantala, ang bagyong #JennyPH… Continue reading Sama ng panahon, wala nang direktang epekto sa Quezon City – QCDRRMO

Mahigit 800 drug suspects, naaresto at P41-M halaga ng illegal drugs ang nasamsam sa 3rd quarter ng 2023-QCPD

Iniulat ng Quezon City Police District ang pagkaaresto ng 817drug personality at pagkakumpiska ng higit Php 41 Milyong halaga ng illegal drugs sa serye ng isinagawang buy-bust operation sa ikatlong Quarter ng taong 2023. Ayon kay QCPD Director PBGEN Redrico Maranan, resulta ito ng 458 anti-drug operations na ikinasa ng iba’t ibang police stations at… Continue reading Mahigit 800 drug suspects, naaresto at P41-M halaga ng illegal drugs ang nasamsam sa 3rd quarter ng 2023-QCPD

Maraming Barangay sa Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig simula bukas – Maynilad

Labing limang (15) barangay sa lungsod Quezon ang mawawalan ng suplay ng tubig simula bukas ng gabi, Oktubre 2 hanggang 9. Sa abiso ng Maynilad Water Services, ang water interruption ay bahagi ng weekly maintenance activities nito para lalo pang mapahusay ang serbisyo nito sa West Zone areas. Karamihan sa mga ito ay magaganap tuwing… Continue reading Maraming Barangay sa Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig simula bukas – Maynilad

Mga imported meat products na nadiskubre sa Quezon City, kinumpiska ng NMIS

Humigit-kumulang 980 kilo ng imported indian buffalo meat ang nasamsam ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service-National Capital Region (NMIS-NCR). Ayon kay Vener Santos, head ng NMIS-NCR Enforcement Unit, nadiskubre ang imported meat products kasunod ng isinagawang buy-bust operation sa Project 6, Brgy. Vasra, Quezon City. Sinabi ni Santos, ang commodities na nakapaloob sa… Continue reading Mga imported meat products na nadiskubre sa Quezon City, kinumpiska ng NMIS

Ilang barangay sa Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig simula ngayong gabi

Nag abiso na ang Manila Water na mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang barangay na kanilang sineserbisyuhan sa lungsod Quezon simula mamayang gabi. Bunsod ito ng isasagawang network maintenance, line maintenance, at valve maintenance ng water concessionaire. Apektado ng water interruption ang ilang bahagi ng Brgy. Kamuning mula alas 10:00 ng gabi mamaya hanggang… Continue reading Ilang barangay sa Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig simula ngayong gabi

Bilang ng namatay sa leptospiroris sa Quezon City, nadagdagan pa

Umabot na sa 27 ang bilang ng mga nasawi sa sakit na leptospiroris sa Quezon City. Batay sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, pinakamaraming naitalang nasawi ay mula sa District 6 na may walo (8) ang bilang. Tig-lima (5) naman sa District 2, 4 at 5, tatlo (3) sa District 3 at… Continue reading Bilang ng namatay sa leptospiroris sa Quezon City, nadagdagan pa

Bilang ng namatay sa leptospirosis sa Quezon City, lumobo na sa 25

Nasa 25 indibidwal na ang namatay sa sakit na leptospirosis sa lungsod Quezon. Pinakamaraming namatay ay mula sa District 6 na umabot sa walong (8) indibidwal, sunod ang District 2 na may lima (5), tig-apat(4) naman sa District 4, tatlo (3) sa District 3 at isa (1) sa District 1. Ayon sa ulat ng Quezon… Continue reading Bilang ng namatay sa leptospirosis sa Quezon City, lumobo na sa 25

Senator Bong Go, namahagi ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Barangay Culiat, QC

Mahigit dalawang daang pamilya sa barangay Culiat ang pinagkalooban ng tulong ni Senator Bong Go ngayong hapon. Ang mga pamilya ay biktima ng malaking sunog sa Adelfa compound sa Barangay Culiat noong gabi ng Agosto 27. Karamihan sa kanila ay nakakanlong pa rin sa basketball court ng Metro Heights Subd. na ginawang temporary shelter. Bukod… Continue reading Senator Bong Go, namahagi ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Barangay Culiat, QC