Sen. Pimentel, nanawagang magkaroon ng rationalization ng mga ayuda program ng pamahalaan

 Hinikayat ni Senate Minority Leader Koko Pimentel si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pangunahan ang pagrebyu sa lahat ng cash assistance program ng pamahalaan. Ayon kay Pimentel, ito ay para maiwasan ang korapsyon at ang magamit ang mga ayuda sa pulitika. Giit ng minority leader, kailangang may rationalization ng mga ayuda program para matiyak… Continue reading Sen. Pimentel, nanawagang magkaroon ng rationalization ng mga ayuda program ng pamahalaan

Senado, planong maghain ng petisyon sa Korte Suprema para ihinto ang pagtanggap ng pirma para sa People’s Initiative

Balak ng Senado na maghain ng petisyon sa Korte Suprema o sa Commission on Elections (Comelec) para itigil ang pagtanggap ng poll body ng mga pirma para sa People’s Initiative kaugnay ng isinusulong na Charter Change (Cha-Cha). Ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, mayroon nang justiciable controversy o mayroong batayan para kwestiyunin ang mga… Continue reading Senado, planong maghain ng petisyon sa Korte Suprema para ihinto ang pagtanggap ng pirma para sa People’s Initiative

Sen. Pimentel, walang nakikitang masama kung nasa Pilipinas na ang mga ICC investigator

Walang nakikitang masama si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa impormasyon na nandito na sa Pilipinas ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC). Ayon kay Pimentel, wala siyang inside information tungkol sa naturang usapin at dumepende lang rin siya sa sinabi ni dating presidential spokesperson Harry Roque. Sinabi ng minority leader na kung totoo… Continue reading Sen. Pimentel, walang nakikitang masama kung nasa Pilipinas na ang mga ICC investigator

Sen. Pimentel, bukas sa pagbabago ng Saligang Batas ng bansa basta’t limitado lang sa pederalismo

Bukas si Senate Minority leader Koko Pimentel sa ideya ng pag-amyenda ng Saligang Batas pero limitado lang aniya para sa adoption ng pederalismo. Gayunpaman, hindi naman pabor si Pimentel sa iba pang usaping pulitikal na aniya’y mababaw lang, gaya ng term limit. Tutol rin aniya ang minority leader kung ang plano ay amyendahan ang Saligang… Continue reading Sen. Pimentel, bukas sa pagbabago ng Saligang Batas ng bansa basta’t limitado lang sa pederalismo

Mga puna tungkol sa pagkukumpuni sa mga maayos namang kalsada, sinagot ng DPWH

Pinuna ng mga senador ang ilang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kung saan sinisira ang mga hindi naman sirang mga kalsada. Sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2024 budget ng DPWH, pinunto ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na maraming nakakapansin at nagtatanong kung bakit inaayos agad ang isang kalsada na… Continue reading Mga puna tungkol sa pagkukumpuni sa mga maayos namang kalsada, sinagot ng DPWH

Sen. Pimentel, bukas sa suhestiyong suspendihin ang fuel excise tax

Bukas si Senate Minority leader Koko Pimentel sa mga panukala na suspendihin ang excise tax sa mga inaangkat na produktong petrolyo bilang agarang solusyon sa tumataas na presyo ng krudo sa bansa. Labing isang magkakasunod na linggo nang tumataas ang presyo ng diesel at kerosene, kung saan umabot na sa P17 .30 kada litro na… Continue reading Sen. Pimentel, bukas sa suhestiyong suspendihin ang fuel excise tax

Hindi pagkonsulta sa DPWH at MMDA sa pag-apruba ng mga reclamation projects, pinagtaka ng mga senador

Kinuwestiyon ng mga senador ang hindi pagkakasama ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pag-apruba ng mga reclamation projects sa bansa. Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Works, binahagi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na wala silang kinalaman at hindi sila kinokonsulta sa pagdedesisyon tungkol sa mga reclamation projects. Hindi aniya sila… Continue reading Hindi pagkonsulta sa DPWH at MMDA sa pag-apruba ng mga reclamation projects, pinagtaka ng mga senador

Pangulong Marcos Jr., hinimok na magtalaga na ng permanenteng secretary ng DA

Kasunod ng pagkakatalaga kina Defense Secretary Gilbert Teodoro at Health secretary Teodoro Herbosa, nanawagan si Senate Minority Leader Koko Pimentel kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.na magtalaga na rin ng permanenteng secretary ng Department of Agriculture (DA). Ayon kay Pimentel, panahon na para magkaroon ng pinuno ang DA para matutukan ang mga isyu sa sektor… Continue reading Pangulong Marcos Jr., hinimok na magtalaga na ng permanenteng secretary ng DA