Mag-live in partner sa Caloocan City, natagpuang patay sa pananaksak

Nagtagpuang patay ang maglive-in partner matapos umanong magsaksakan sa loob ng kanilang bahay sa Phase 4 Package 6 Barangay. 176, Caloocan City. Kinilala ang mga nasawi na sina Julieta Espaniola, 46 anyos, at ang kinakasama nitong si Edgardo Mananqui, 50 anyos. Ayon sa mga tauhan ng Barangay 176, alas-8:30 ng umaga kanina nang madiskubre ang… Continue reading Mag-live in partner sa Caloocan City, natagpuang patay sa pananaksak

43 anyos na babaeng tulak ng droga arestado sa Caloocan City

Sa kulungan bagsak ng isang babaeng umano’y tulak ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Caloocan City. Kinilala ang 43 anyos na suspek na si Rizalie Ando alyas Tariray (Pusher). Isinagawa ang nasabing operasyon sa Sta. Rita Road, Barangay 188, Caloocan City. Nakuhang ebidensiya mula sa suspek ang nasa 15 gramo… Continue reading 43 anyos na babaeng tulak ng droga arestado sa Caloocan City

Chinese national, arestado ng Bureau of Immigration matapos magpanggap na Mexican national habang papuslit ng bansa

Naresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national matapos magtangkang pumuslit ng bansa gamit ang Mexican passport. Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, naharang ang Chinese national na si Lho Zhi Min, 53, matapos tangkaing umalis patungong Kuala Lumpur sakay ng flight ng Malaysia Airlines noong Sabado ng umaga sa NAIA terminal 1.… Continue reading Chinese national, arestado ng Bureau of Immigration matapos magpanggap na Mexican national habang papuslit ng bansa

Magkahiwalay na sunog, sumiklab sa Muntinlupa at San Mateo, Rizal

Isa ang nasawi sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Purok 4 Barangay Bayanan, Muntinlupa City. Nagsimula ang sunog alas-6:14 at naapula alas-6:45 ng gabi. Umabot lamang ng unang alarma ang sunog kahit na gawa ito sa light materials dahil sa mabilis na pagreponde ng mga fire volunteer at Muntinlupa BFP. Samantala isang… Continue reading Magkahiwalay na sunog, sumiklab sa Muntinlupa at San Mateo, Rizal

Sitio Pag-asa Child Development Center at Multi-Purpose Hall, pinasinayaan sa Parañaque City

Pinasinayaan ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez ang bagong-gawang Sitio Pag-Asa Child Development Center at Multi-Purpose Hall sa Barangay San Martin De Porres. Ayon sa punong lungsod, ang nasabing day care center ay isa lamang sa walong day care centers sa Barangay San Martin De Porres, at ito ay kasama sa 135-day care centers sa… Continue reading Sitio Pag-asa Child Development Center at Multi-Purpose Hall, pinasinayaan sa Parañaque City

Comelec, pagtitibayin ang paghihiwalay ng apat na barangay sa Brgy. Muzon

Inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Linggo ang naging resulta ng plebisito noong Marso 25, 2023 para pagtibayin ang pagkakahati ng Barangay Muzon, San Jose del Monte, Bulacan sa 4 na hiwalay at malayang barangay. Sa resulta ng ginawang plebesito sa Brgy. Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan ito ay ang Muzon proper, Muzon… Continue reading Comelec, pagtitibayin ang paghihiwalay ng apat na barangay sa Brgy. Muzon

Selebrasyon ng Earth Hour 2023, ginunita sa Quezon City

Ginunita ang selebrasyon ng Earth Hour 2023 sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City na inorganisa ng Worldwide Fund for Nature – Philippines. Pasado alas-8:30 kagabi, sabay-sabay na pinatay ang mga ilaw at muling binuksan pagsapit ng alas-9:30 ng gabi. Sinundan ito ng symbolic run kung saan sabay-sabay na nag-jogging ang ilang kalahok. Nagpahatid ng… Continue reading Selebrasyon ng Earth Hour 2023, ginunita sa Quezon City

P91k na halaga ng iligal na droga, nasabat ng mga pulis sa Malabon City

Mahigit sa P91,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa kanilang ikinasang buy-bust operation sa Malabon City. Arestado sa nasabing operasyon sina Reynold Pasiga alyas Benok (Pusher), 29 taong gulang; Denmark Ramos (User), 35 taong gulang, Joselito Marquez alyas Epoy (User), 51 taong gulang at Ryan Rosas alyas Ayeng, 44 taong gulang.… Continue reading P91k na halaga ng iligal na droga, nasabat ng mga pulis sa Malabon City