Publiko, binalaan ng PH Coast Guard vs. mga colorum na barko

Nanawagan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga biyahero at mananakay ngayong summer season na huwag tangkilikin ang colorum na sasakyang pandagat. Ayon kay Rear Admiral Armando Aurelio Balilo, PCG Spokesperson, delikado ang pagsakay sa mga ito dahil ito ang kadalasang nagiging dahilan ng mga sakuna sa dagat. Wala din aniyang mga de kalidad na… Continue reading Publiko, binalaan ng PH Coast Guard vs. mga colorum na barko

GAD Activity, isinagawa ng Phil. Army sa pagtatapos ng Women’s Month celebration

Nagsagawa ng Gender and Development (GAD) Activity ang Philippine Army sa Loreland Farm Resort, Antipolo, Rizal, sa konklusyon ng isang buwang pagdiriwang ng Women’s Month 2023. Sa tatlong araw na aktibidad, tinalakay ang mga gender-sensitive na isyu na nakakaapekto sa mga sundalo sa trabaho at sa lipunan. Ang closing ceremony ay pinangunahan ni Philippine Army… Continue reading GAD Activity, isinagawa ng Phil. Army sa pagtatapos ng Women’s Month celebration

Panukala para mapababa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, pinagtibay ng Kamara

Aprubado na sa huling pagbasa ang panukala na nilalayong magtatag ng isang Tripartite Council upang matugunan ang problema sa unemployment, underemployment at job-skills mismatch sa bansa. Sa ilalim ng House Bill 7370, ang Tripartite Council ay kabibilangan ng mga kinatawan mula sa gobyerno, academe, at industry sector na siyang magbabantay sa employment, unemployment, underemployment, at… Continue reading Panukala para mapababa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, pinagtibay ng Kamara

House Committee on Ethics, nanindigan na walang grave abuse of discretion sa pagsuspindi kay Rep. Arnie Teves

Nanindigan si House Committee on Ethics Senior Vice-Chair Ria Vergara na hindi inabuso ng komite ang kapangyarihan nito matapos irekomenda ang pagsuspindi kay Negros Oriental Representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. Tugon ito ng mambabatas sa tanong ng media sakaling iakyat ang usapin ng suspensyon ni Teves sa Supreme Court. Aniya, mandato ng komite na aralin… Continue reading House Committee on Ethics, nanindigan na walang grave abuse of discretion sa pagsuspindi kay Rep. Arnie Teves

₱200,000 halaga ng marijuana, nasamsam ng mga awtoridad

Mahigit sa ₱200,000 halaga ng hinihinalang marijuana ang nasamsam ng mga awtoridad sa kanilang ikinasang anti-criminality operation sa Caloocan City. Huli ang dalawang drug suspect na itinuturing na high value individual na kinilalang sina Frederick de Guzman at John Kevin Periano. Batay sa ulat, nakatanggap ng tawag ang mga pulis kaugnay ng nagaganap na ilegal… Continue reading ₱200,000 halaga ng marijuana, nasamsam ng mga awtoridad

Public service caravan, isinagawa sa Parañaque City

Idinaos sa Paranaque City ang isang aktibidad na tinawag na Yours in Public Service Medical Caravan sa Barangay Merville. Ang medical caravan ay handog ng pamahalaang lungsod katuwang ang pamunuan ng Barangay Merville upang maghatid ng libreng medical services para sa mga residente. Kabilang sa serbisyo ng caravan ang libreng medical at dental consultation, immunization… Continue reading Public service caravan, isinagawa sa Parañaque City

Epektibong pagpapatupad ng electronic business one-stop shop ng Navotas LGU, kinilala ng ARTA

Ginawaran ng Certificate of Commendation (COC) Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang pamahalaang lungsod ng Navotas dahil sa pagtalima nito sa pagkakaroon ng fully streamlined at digitalized na electronic Business One-Stop Shop (eBOSS). Ang pagkilala ay iginawad mismo ni ARTA Chief Secretary Ernesto Perez kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco matapos ang mga inspeksyon at… Continue reading Epektibong pagpapatupad ng electronic business one-stop shop ng Navotas LGU, kinilala ng ARTA

DFA, muling siniguro na walang Pilipino ang malalagay sa death row sentence sa ibayong dagat

Muling siniguro ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong malalagay sa Death Row Sentence sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa isang statement sinabi ng DFA, na patuloy na nakikipag-ugnayan ang kanilang tangapan sa pagsasalba sa ating mga kababayan na nasa death row sentence. Kabilang na dito ang pakikipag-ugnayan sa lahat ng diplomatic… Continue reading DFA, muling siniguro na walang Pilipino ang malalagay sa death row sentence sa ibayong dagat

Oil slick mula sa lumubog na MT Princess Empress, patuloy na makakaapekto sa baybayin ng Naujan, Pola, Calapan — UP MSI

Nagpapatuloy pa rin ang pagtagas ng langis mula sa lumubog na MT Princess Empress sa baybayin ng Oriental Mindoro, ayon saUP Marine Science Institute. Batay sa pinakahuli nitong obserbasyon, as of March 28 ay mayroon pa ring mga langis ang lumulutang sa bahagi ng karagatan kung saan lumubog ang oil tanker. Lumalabas rin sa oil… Continue reading Oil slick mula sa lumubog na MT Princess Empress, patuloy na makakaapekto sa baybayin ng Naujan, Pola, Calapan — UP MSI

Suspect sa panghoholdap sa isang bakeshop sa QC, arestado sa Malabon City

Arestado ang lalaking nangholdap sa isang bakeshop sa Brgy. Sienna, Quezon City. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Romil Avenido, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 1, ang suspect na si Joreen Adurru. Ayon kay Avenido, humingi ng calling card si Adurru mula sa dalawang staff ng bake shop at saka umalis. Kinalaunan ay… Continue reading Suspect sa panghoholdap sa isang bakeshop sa QC, arestado sa Malabon City