Umabot na sa 700,000 mga pasyente ang natulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa ilalim ng Malasakit Centers na naitatag sa Cebu.
Ito ang ibinunyag ni Senador Christopher “Bong” Go matapos niyang pangunahan ang pagbubukas ng ika-157th na Malasakit Center sa loob ng Cebu City Medical Center (CCMC) sa lungsod ng Cebu.
Ayon kay Go, umabot na din sa 7 milyon ang natulungan nito sa buong bansa.
Iniisip naman ni Dr. Anton Oliver Reposar II, acting chief of hospital, CCMC, na isa itong malaking regalo para sa mga residente ng lungsod.
Ani Reposar, dahil sa pagkakatatag ng Malasakit Center sa loob ng CCMC magkakaroon na nang lakas ng loob na magpakonsulta at magpagamot ang mga indigent na residente ng lungsod na hindi na mag-aalala pa sa kanilang gagastusin.
“This is the answer of their concerns. Malasakit Center in Cebu City Medical Center inside the hospital will serve as their one-stop-shop wherein all those partner government agencies will be available here in the hospital,” pahayag ni Reposar.
Bukod sa CCMC, ang iba pang ospital na may malasakit centers ay ang Vicente Sotto Memorial Medical Center, St. Anthony Mother and Child Hospital, Eversley Childs Sanitarium and General Hospital, Lapu-Lapu District Hospital, Cebu South Medical Center, at ang Cebu Provincial Hospital-Carcar City. | ulat ni Carmel Matus | RP1 Cebu