Panukalang magmamandato ng paglalagay ng lifeguard sa pampublikong swimming pool, dapat nang ipasa — Sen. Gatchalian

Pinamamadali ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagpapatibay sa panukalang batas na mag-oobliga sa lahat ng public swimming pools at bathing facilities na magtalaga ng lifeguard. Ang apela ng senador ay kasunod na rin ng naitalang mahigit sa 70 nasawi dahil sa insidente ng pagkalunod nitong Holy Week at bakasyon. Ayon kay Gatchalian, nakakalungkot na ang… Continue reading Panukalang magmamandato ng paglalagay ng lifeguard sa pampublikong swimming pool, dapat nang ipasa — Sen. Gatchalian

Youth solon, diskumpiyado sa paraan ng pagtatanong sa survey kung saan lumabas na mayorya ang suporta sa Mandatory ROTC

Kinuwestiyon ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel ang pamamaraan ng pagtatanong ng Pulse Asia sa isinagawa nitong survey patungkol sa Mandatory ROTC. Ayon sa kinatawan, hindi aniya maayos ang pagkakalatag ng tanong sa survey. Batay kasi aniya sa survey question, kung “no” ang isasagot ng respondent ay lalabas ito na anti-discipline at unpatriotic. Bukod dito,… Continue reading Youth solon, diskumpiyado sa paraan ng pagtatanong sa survey kung saan lumabas na mayorya ang suporta sa Mandatory ROTC

Visa fee sa Embahada ng Estados Unidos, nagtaas

Inanunsiyo ng US Embassy sa ating bansa ang pagtaas ng “visa fee” epektibo sa May 30, 2023. Sa advisory na ilabas, itinaas ng US Department of State ang ilang “non immigrant visa” o NIV application processing fees sa buong mundo. Ang application fee ay papalo na mula sa $160 hanggang $185 para sa “visitor’s visa”… Continue reading Visa fee sa Embahada ng Estados Unidos, nagtaas

Pre-construction ng elevated turnback guideway para sa MRT-7, sisimulan na — DOTr

Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, ang groundbreaking ng itatayong elevated turnback guideway para sa Metro Rail Transit (MRT) line 7. Sa pamamagitan nito, makakaikot ang mga tren ng MRT 7 na bumibiyahe mula sa San Jose del Monte City sa Bulacan patungong North Triangle Common Station sa North… Continue reading Pre-construction ng elevated turnback guideway para sa MRT-7, sisimulan na — DOTr

Manila lawmaker, hinimok ang bagong mga abogado na pagsilbihan ang kanilang mga hometown

Nagpaabot ng pagbati si Manila Representative Joel Chua sa mga bagong abogado. Kasunod ito ng paglalabas ng Supreme Court ng resulta ng Bar Exams kung saan 3,992 sa 9,183 examinees ang pumasa. Payo ni Chua, na sa pagsisimula ng kanilang bagong papel bilang mga abogado ay magbigay serbisyo sila sa kanilang komunidad at hometown. Mungkahi… Continue reading Manila lawmaker, hinimok ang bagong mga abogado na pagsilbihan ang kanilang mga hometown

Uniform rate sa pagbabayad ng multa sa Single Ticketing System, isinusulong na maipatupad sa buong bansa

Ikinakasa na ng pamahalaan ang nationwide na pagpapatupad ng Single Ticketing System. Ito ang inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson, Atty. Romando Artes, makaraang ganap nang selyuhan ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagpapatupad nito sa Metro Manila. Ayon kay Artes, nag-usap na sila ni Department of the Interior and Local… Continue reading Uniform rate sa pagbabayad ng multa sa Single Ticketing System, isinusulong na maipatupad sa buong bansa

BFP at SM Prime Holdings Inc., magtutulungan para palakasin ang Fire Safety and Prevention

Muling nagkasundo ang Bureau of Fire Protection (BFP) at SM Prime Holdings Inc. na palakasin ang kanilang pagtutulungan para sa fire safety at prevention. Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan ng BFP at SM Prime Holdings Inc. ukol dito, na ginanap sa BFP National Headquarters. Ayon sa BFP, isa umano itong makabuluhang hakbang patungo sa… Continue reading BFP at SM Prime Holdings Inc., magtutulungan para palakasin ang Fire Safety and Prevention

Miyembro ng Abu Sayyaf Group na 13 taon nang nagtatago sa batas, arestado sa Parañaque

Himas rehas na ngayon ang isang hinihinalang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG), makaraang arestuhin ito sa ikinasang operasyon ng Pulisya sa Brgy. Don Galo, Parañaque City. Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director, Police Brigadier General Kirby John Kraft, ang naarestong ASG member na si Salahuddin Alpin alyas Almad Pantangan, 38 taong gulang,… Continue reading Miyembro ng Abu Sayyaf Group na 13 taon nang nagtatago sa batas, arestado sa Parañaque

BIR, pinagtibay ang deklarasyong File and Pay Anywhere para sa April 17 deadline ng AITR

Muling nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga taxpayer na maaari silang maghain ng kanilang 2022 Annual Income Tax Return (AITR), at magbayad ng kaukulang buwis saan mang venue bago ang April 17, 2023. Pagtiyak ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr., hindi magpapataw ng penalties ang kawanihan para sa maling lugar na paghahainan… Continue reading BIR, pinagtibay ang deklarasyong File and Pay Anywhere para sa April 17 deadline ng AITR

DOTr, nanindigan sa mabuting epekto ng e-vehicles sa ekonomiya at green environment

Patuloy na isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) ang paggamit ng electric vehicles bilang sustainable mode ng transportasyon dahil sa mabuting epekto nito sa kalikasan. Ayon kay Road Transport and Infrastructure Officer-in-charge Undersecretary Anneli Lontoc, kinikilala nila ang pangangailangan na magpatupad ng hakbang para sa “green recovery”. Isa aniya ang e-vehicles sa rescue measures na… Continue reading DOTr, nanindigan sa mabuting epekto ng e-vehicles sa ekonomiya at green environment