QC bus service, wala munang biyahe sa Biyernes

Nag-abiso ngayon ang Quezon City local government na hindi muna magbibigay ng libreng sakay ang QC bus service sa darating na Biyernes, April 21. Ito ay dahil sa Eid’l Fitr na idineklarang regular holiday ng Malacañang. Magbabalik na lang ang operasyon ng libreng sakay sa Sabado, April 22. Ang QC bus service ay libreng bumabiyahe… Continue reading QC bus service, wala munang biyahe sa Biyernes

60-day extension para sa SIM Registration, sapat na — isang House leader

Pabor si Party-list Coalition President at AKO BICOL Party-list Representative Zaldy Co na palawigin ang SIM Registration deadline. April 26 nakatakda ang pagtatapos ng pagpaparehsitro ng SIM card salig sa SIM Registration Law ngunit marami pa rin sa mga subscriber ang hindi pa tumatalima. Para sa mambabatas, sakaling i-extend ang SIM Registration ay sasapat na… Continue reading 60-day extension para sa SIM Registration, sapat na — isang House leader

House tax Chief, bukas sa pagkakaroon ng designated areas para sa mga POGO

Sang-ayon si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa pagkakaroon ng designated areas kung saan maaaring mag-operate ang mga POGO. Kasunod ito ng pasilip ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chair Ronald Dela Rosa sa ilan sa rekomendasyon ng kaniyang komite hinggil sa operasyon ng mga POGO. Isa kasi sa… Continue reading House tax Chief, bukas sa pagkakaroon ng designated areas para sa mga POGO

Modernisasyon sa Korte Suprema, pinuri ng CHR

Pinuri ng Commission on Human Rights (CHR) ang patuloy na pagsusulong ng modernisasyon sa Korte Suprema kabilang na ang desisyon nitong pahintulutan ang videoconferencing para sa legal aid cases. Nitong Enero lang nang maglabas ng desisyon ang Supreme Court kung saan pinapayagan na nito ang pagsasagawa ng videoconferences sa legal aid cases bilang tugon sa… Continue reading Modernisasyon sa Korte Suprema, pinuri ng CHR

‘Absences’ ng mga kongresista, hinirit ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves na isapubliko

Patuloy na kunukuwestyon ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. ang ipinataw na 2 month suspension sa kaniya ng Kamara. Ani Teves, kung bibilangin ang kaniyang absences ay hindi pa ito pasok sa limitasyon ng Civil Service Commission na labinlimang araw para ikonsidera na AWOL o absence without leave. Dagdag pa nito, kung tutuusin hindi… Continue reading ‘Absences’ ng mga kongresista, hinirit ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves na isapubliko

BI, nagbabala sa publiko vs. panibagong modus ng human trafficking

Pinag-iingat ng Bureau of Immigration ang publiko laban sa panibagong human trafficking modus. Sa nasabing modus, uutusan ang mga biktima na magpanggap bilang mga Muslim para makaalis ng bansa. Ito ay matapos mahuli ng travel control at enforcement unit ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang babae na pupunta sa Dubai, isang 36 at 37… Continue reading BI, nagbabala sa publiko vs. panibagong modus ng human trafficking

Kaso ng dengue sa QC, tumaas ng 176%

Tumaas ang bilang ng mga kaso ng dengue na naitala sa Quezon City sa unang bahagi ng taong 2023. Sa pinakahuling tala ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit, aabot sa 690 kaso ng dengue ang naiulat sa lungsod mula Enero hanggang nitong Abril 8. Katumbas ito ng 176% na pagtaas o 440 na kaso… Continue reading Kaso ng dengue sa QC, tumaas ng 176%

Mahigit 500 PDLs, palalayain ng BuCor

Aabot sa 532 People Deprived of Liberty (PDL) ang nakatakdang palayain ng Bureau of Correction sa huwebes, April 20 ,2023. Ang naturang bilang ay mula sa iba’t ibang penal farm sa bansa, una rito ang 75 mula sa maximum security compound, 122 sa medium, habang 12 naman mula sa minimum security compound. Dalawang PDL naman… Continue reading Mahigit 500 PDLs, palalayain ng BuCor

‘Simulator’, posibleng gamitin sa pagtuturo sa TESDA

Nakikipagpulong na ang Technical Education and Skills Development Authority para mas mapaghusay ang pagtuturo sa TESDA. Sa Manila Skills Experts’ Meeting na pinangunahan ng TESDA sa Makati City ipinakita ng developers ang Extended Reality (XR) Technology. Ang (XR) technology ay isang simulator kung saan nagagaya ng computer ang aktwal na ginawa ng gumagamit nito at… Continue reading ‘Simulator’, posibleng gamitin sa pagtuturo sa TESDA

Mambabatas, isinusulong sa Kamara ang amyenda sa procurement law ng bansa

Nagkasa ng isang consultative meeting si Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. kasama ang mga opisyal ng DPWH Regional Offices patungkol sa itinutulak na amyenda sa RA 9184 o “Government Procurement Reform Act.” Ayon sa mambabatas, nais nilang marinig ang panig ng DPWH kung ano ang maaaring gawin upang mapagbuti pa ang naturang batas at mapabilis… Continue reading Mambabatas, isinusulong sa Kamara ang amyenda sa procurement law ng bansa