Agarang pagresolba sa kaso ni De Lima, inaapela ni Sen. Hontiveros

Pinapanawagan ni Senadora Risa Hontiveros ang agaran at malinaw na resolusyon tungkol sa kaso ni dating Senadora Leila de Lima. Ito ay kasunod ng desisyon ng korte na ibasura ang apela ni De Lima para makapagpiyansa. Giit ni Hontiveros, nakakadismaya ang patuloy na pagkakakulong ni De Lima. Karapatan aniya ng dating mambabatas ang magkaroon ng… Continue reading Agarang pagresolba sa kaso ni De Lima, inaapela ni Sen. Hontiveros

5-year Regional Development Plan ng CALABARZON, nakasentro sa pagpapalakas ng industrial sector

Pinuri ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang Region 4-A o CALABARZON, matapos makumpleto at pormal na ilunsad ang Regional Development Plan para sa taong 2023 hanggang 2028. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, na nakasentro ang stratehiya ng rehiyon sa pagpapayabong ng industrial sector. Lima ang priority industries sa… Continue reading 5-year Regional Development Plan ng CALABARZON, nakasentro sa pagpapalakas ng industrial sector

DOTr, nilinaw na walang mawawalan ng trabaho sa privatization ng NAIA

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na walang mawawalan ng trabaho sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sakaling maisakatuparan ang pagsasapribado nito. Ayon kay Transportation Undersecretary for Aviation and Airports Roberto Lim, aalukin ng oportunidad na magtrabaho ang mga empleyado ng paliparan kapag privatized na ang mga pasilidad. Nilinaw din ni Lim na ang relasyon… Continue reading DOTr, nilinaw na walang mawawalan ng trabaho sa privatization ng NAIA

Hiring ng nurse at pagbibigay insentibo sa health workers, tututukan ng bagong pamunuan ng DOH

Bibilisan ng Department of Health (DOH) ang pagpuno sa 4,800 bakanteng posisyon para sa mga nurse sa DOH hospitals sa buong bansa. Sa ganitong paraan ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, mapaiigting pa ang serbisyo sa mga pagamutan ng pamahalaan. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng kalihim na makikipag-ugnayan rin siya sa Department of… Continue reading Hiring ng nurse at pagbibigay insentibo sa health workers, tututukan ng bagong pamunuan ng DOH

Ibinasurang kasunduan ng DND at UP sa pagbabawal sa pagpasok ng law enforcement agents sa unibersidad, ‘di bubuhayin ni Sec. Teodoro

Hindi ri-rebisahin ni Defense Secretary Gibo Teodoro ang nauna nang desisyon ng Duterte Adminstration, na pagbasura sa kasunduan sa pagitan ng Department of National Defense (DND) at University of the Philippines (UP). Sa ilalim ng ibinasurang kasunduan, ang mga sundalo o police ng estado ay hindi maaaring pumasok sa bisinidad ng UP, kung walang prior… Continue reading Ibinasurang kasunduan ng DND at UP sa pagbabawal sa pagpasok ng law enforcement agents sa unibersidad, ‘di bubuhayin ni Sec. Teodoro

Ilang residente ng Laurel, Batangas, nakakaranas ng problema sa kalusugan dulot ng volcanic smog mula sa bulkang Taal

Nakakaranas ng problema sa kalusugan ang ilang residente ng Laurel, Batangas dulot ng volcanic smog mula sa bulkang Taal. Ayon kay Venus De Villa, Officer in Charge ng Laurel Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), may mga nagpapa-check up na sa mga pagamutan kung saan karamihan ay may dati ng medical history ng… Continue reading Ilang residente ng Laurel, Batangas, nakakaranas ng problema sa kalusugan dulot ng volcanic smog mula sa bulkang Taal

Kusang pagbabalik ng bill deposit sa mga konsyumer ng isang electric company, pinapurihan ng Iloilo solon

Pinuri ni Iloilo Rep. Jam Baronda ang naging inisyatibo ng More Electric and Power Corporation (More Power) na kusang ibalik sa mga customers nito ang kanilang bill deposit na hindi karaniwang ginagawa ng mga Distribution Utilities(DUs). Ang bill deposit ang siyang paunang binabayad ng mga customer sa pag-a-apply ng linya ng kuryente. Alinsunud sa Article… Continue reading Kusang pagbabalik ng bill deposit sa mga konsyumer ng isang electric company, pinapurihan ng Iloilo solon

DOT, nakiisa sa pagdiriwang ng World Ocean Day

Nakiisa ang Department of Tourism sa pagdiriwang ng World Ocean Day ngayong araw. Sa mensahe ni Tourism Secretary Christina Frasco, sinabi nito na mahalaga ang pangmatagalang proteksyon ng yaman para sa kapakanan ng ating planeta at mga susunod na henerasyon. Sinabi rin ng Kalihim na pinagpala ang Pilipinas pagdating sa mga nakakamanghang tanawin, pambihirang marine-life… Continue reading DOT, nakiisa sa pagdiriwang ng World Ocean Day

12.9 milyong pisong tanim na marijuana, winasak ng PNP, AFP at PDEA sa Sulu

Winasak sa pinagsanib na operasyon ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 12.9 na milyong pisong halaga ng tanim na marijuana sa Sulu. Ang mga tanim na marijuana ay natuklasan sa isang 15,000 metro kwadradong plantasyon sa Sitio Tubig Baba, Brgy. Pitogo, Kalingalan Caluang,… Continue reading 12.9 milyong pisong tanim na marijuana, winasak ng PNP, AFP at PDEA sa Sulu

DTI, hinigpitan ang mga vape shop sa NCR

Iniutos ng Department of Trade and Industry ang mas mahigpit na monitoring ng vape shops sa National Capital Region upang masiguro na naipapatupad ng maayos ang Republic Act 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act. Layunin nitong balansehin ang interes ng mga negosyante at mga manufacturer at protektahan rin ang mga kabataan… Continue reading DTI, hinigpitan ang mga vape shop sa NCR