‘Price freeze’ sa mga pangunahing bilihin sa Albay, ipinag-utos ni DTI Sec. Pascual

Tiniyak ng Department of Trade and Industry o DTI na nananatiling sapat ang suplay ng mga pangunahing bilihin sa lalawigan ng Albay. Inihayag ito ni Trade Sec. Alfredo Pascual makaraang ipag-utos niya ngayong araw ang pagpapatupad ng ‘price freeze’ sa Albay makaraang isailalim ito sa ‘state of calamity’. Ayon sa Kalihim, tuloy-tuloy ang kanilang pakikpag-ugnayan… Continue reading ‘Price freeze’ sa mga pangunahing bilihin sa Albay, ipinag-utos ni DTI Sec. Pascual

Operasyon ng NAIA, 2 beses nabalam kasunod ng pagtataas ng Lightning Red Alert

Dalawang beses nabalam ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw. Ito ay matapos itaas ng Manila International Airport Authority (MIAA) Ground Operations and Safety Division ang Lightning “Red” Alert. Unang itinaas ang Lightning Red Alert kaninang 1:32 PM subalit ibinaba rin agad ito sa “Yellow” kaninang alas-1:47 ng hapon. Subalit dahil sa… Continue reading Operasyon ng NAIA, 2 beses nabalam kasunod ng pagtataas ng Lightning Red Alert

30 percent ng halos 200 infra flagship projects, target pondohan gamit ang PPP

Kinikilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang malaking potensyal ng pakikipagtulungan sa pribadong sektor sa pagsasakatuparan ng mga proyektong pang-imprastraktura. Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pagsusulong ng Public-Private Partnerships upang pondohan ang infrastructure flagship projects. Bukod sa tagapagdala ng kaunlaran at innovation, malaking bagay aniya ang technical… Continue reading 30 percent ng halos 200 infra flagship projects, target pondohan gamit ang PPP

Kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng PH at China, yayabong pa kasunod ng implementasyon ng RCEP

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na lalakas pa ang ekonomiya, kalakalan, at pamumuhunan sa pagitan ng Pilipinas at China, ngayong umiiral na rin ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa bansa. Ayon sa pangulo, malinaw na sa ilalim ng RCEP, lalaki ang volume ng mga produktong pangkalakaalan sa pagitan ng ASEAN members at… Continue reading Kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng PH at China, yayabong pa kasunod ng implementasyon ng RCEP

Manila International Airport Authority, tiniyak na ligtas ang istruktura ng NAIA mula sa banta ng lindol

Tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) na ligtas pa rin ang istruktura ng mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), matapos ang nangyaring Magnitude 6.3 na lindol kahapon. Ayon kay MIAA Officer-in-Charge Bryan Co, may tolerance ang mga gusali ng NAIA mula sa pagyanig at ito ay sumusunod sa Building Code of the… Continue reading Manila International Airport Authority, tiniyak na ligtas ang istruktura ng NAIA mula sa banta ng lindol

Reklamo ng offloading at overbooking sa Cebu Pacific, nais na ring paimbestigahan sa Kamara

Pinakikilos ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas ang pamahalaan na imbestigahan ang reklamo laban sa budget carrier na Cebu Pacific. Ayon sa mambabatas, kailangang silipin ang pananagutan ng airline company sa mga pasahero na kanilang ino-offload dahil sa overbooking at glitches sa mismong pagbo-book ng flight. Maliban dito, kailangan din aniyang alamin ng mga otoridad… Continue reading Reklamo ng offloading at overbooking sa Cebu Pacific, nais na ring paimbestigahan sa Kamara

ACG, binalaan ang publiko sa pagbebenta ng rehistradong SIM card

Binalaan ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) Director Police Brig. Gen. Sidney Sultan Hernia ang publiko na ‘wag magpapadala sa mga nag-aalok na bumili ng kanilang mga rehistradong SIM card. Ito’y kasunod ng pagkaka-aresto ng ACG ng isang Taiwanese at dalawang iba pa sa San Jose Del Monte, Bulacan, nitong Miyerkules, matapos marekober sa kanila ang… Continue reading ACG, binalaan ang publiko sa pagbebenta ng rehistradong SIM card

DSWD Information Caravan, umarangkada sa Cagayan Valley

Naglunsad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng information caravan sa Cagayan Valley upang ipabatid ang social protection programs ng ahensya. Mahigit 40 social welfare officers ang lumahok sa caravan sa Tuguegarao City na pinangunahan ng DSWD sa pakikipagtulungan ng Field Office II. Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez, layon nitong… Continue reading DSWD Information Caravan, umarangkada sa Cagayan Valley

Pangulong Marcos Jr., siniguro sa China na matatanggap ng mga angkop na benepisyaryo ang donasyong urea fertilizer ng Beijing

Makakaasa ang China na makakarating sa mga angkop na benepisyaryo ang 20,000 tonelada ng abono na ibinigay ng Beijing sa Pilipinas. “Soon, these donated goods will find their way to our Filipino farmers. They will be able to spend the savings gained from production costs [for] other things that matter to them and their families.”… Continue reading Pangulong Marcos Jr., siniguro sa China na matatanggap ng mga angkop na benepisyaryo ang donasyong urea fertilizer ng Beijing

NCRPO, puspusan na ang paghahanda sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Magpapatupad ng ‘gun ban’ gayundin ng “No Fly Zone” at “No Drone Zone” sa ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo 24. Ito ang ipinaalala ng National Capital Region Police Office o NCRPO na naglalayong masiguro ang ligtas, mapayapa at maayos na pag-uulat sa bayan ng… Continue reading NCRPO, puspusan na ang paghahanda sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr.